Wow kakatuwa magbasa ng comments at messages tungkol sa love story ni Paul at Enzo. Hindi ko talaga to inaasahan. Akala ko kasi dati boring tong story ko. Salamat sa lahat ng patuloy na sumusubaybay.
awesomedudemiggy, wag kang mag alala hehe
JaysonVillanueva945 at akomichael7 pati na sa lahat ng nanghuhula sa dahilan ng pag iba nang timpla ni Paul, tama ba ang hula niyo? hehehehe basahin nyu na para magkaalaman. Sana magustuhan nyu. Enjoy reading po!
Paul POV
Nagising na lang ako na grabe ang sakit ng ulo ko. Wala si Enzo sa tabi ko, nakita kong alas nuwebe y medya na ng umaga. Bumangon ako at paglabas ko ng kwarto ay nakita ko ang anak namin na nasa loob ng crib at naglalaro.
Naamoy ko ang sabon at fabric conditioner, marahil nasa likod siya at naglalaba. Nakita ko rin sa lamesa ang sinangag. Tsaka meron ding daing tsaka bacon. Pero tinungo ko ang ref at lumagok ng malamig na malamig na tubig.
Pumunta ako sa likod ng bahay at naabutan ko si Enzo na nagsasampay ng mga linabhang damit. Alam kong mainit ang ulo niya kasi matulis na naman ang porma ng nguso niya. Alam kong alam niya na nandun ako pero ni hindi siya tumingin sa'kin. Ngayon ko lang naalala na inaya pala ako ni Jake at Andrew na mag inuman kagabi. Hindi ako naka text o nakatawag sa kanya. Lagot!
Nilapitan ko siya at nung hahalik na ako sana sa kanyang pisngi ay bigla itong umalis na tila ba parang wala lang ako sa tabi niya. Napakamot na lang ako ng ulo. Ba't pa kasi hindi ako nagsabi na hindi pala ako agad makakauwi.
Ayoko talagang nagkakaganito siya, hindi ko kasi alam ang takbo ng isip niya minsan.
Nakita ko itong naghugas ng pinggan sa may lababo kaya nilapitan ko.
"mukhang mainit ang ulo ng asawa ko ah" pero hindi pa rin ito umiimik at nagpatuloy lang sa paghugas ng pinggan.
"uy.... Wag ka namang ganyan, sorry na oh"
"alam mo ba nag antay ako sa pagdating mo kagabi? Alalang alala ako sa'yo. Hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko sa'yo" ang naiinis nitong sabi. Hindi ko alam kong ano ang isasagot, wala rin naman akong isasagot dahil kasalanan ko naman talaga.
"dumating kapa dito kagabi lasing na lasing, yung naghatid sa'yo lasing din at nag drive pa ng kotse mo. Sa tingin mo ba masarap sa pakiramdam isipin yun? yung nag byahe kayong lango sa alak?"
"sorry na" ang sabi ko sabay yakap sa kanya.
"alalahanin mo, hindi ka na binata. Nag aantay kami sa'yo ng anak mo. Ayusin mo nga ang sarili mo."
Sa tono ng boses niya alam kung unti unti nang nawawala ang inis niya kaya hinalikan ko sa labi.
"ang baho ng hininga mo, ma sipilyo ka nga" medyo nahiya ako dun ah.konting suyo lang talaga sa kanya ay nagiging malamig agad ang ulo.
Pero deep inside me nagi guilty ako.
Sabi ni Andrew okay lang naman daw kasi paminsan minsan lang. Pero simula nung matikman ko ang marijuana ay parang hinahanap hanap na ito ng katawan ko.
"nagsisigarilyo ka ba?" ang tanong ni Enzo. Naku siguro naaamoy niya ang damit ko. shit! Mabuti sana kung sigarilyo lang ang tingin niyang naamoy niya.
BINABASA MO ANG
Hi Soulmate 2 (COMPLETED)
RomansaAno na naman kaya ang mangyayari sa love story nina Paul at Enzo. Kinasal na sila, nakatira sa iisang bubong at meron na silang anak.. Pano nila haharapin ang pagsubok bilang mag asawa? "Mahal na mahal kita at konektado ang puso ko sa puso mo, kasi...