HS2-3

4.3K 175 4
                                    

Pasesnya na po sa mga nag aantay ng update. Ngayon lang po kasi nagkaroon ng libreng oras para maka pag draft. Enjoy po! Sana magustuhan nyu :)


Enzos POV

Mga alas tres na nung hapon nung umuwi ako galing kina nanay. Ilang oras na lang kasi uuwi na si Paul galing trabaho. Nasalubong ko pa si Clyde habang pauwi ako. gwapong gwapo ang mokong. Bumagay sa kanya ang uniporme ng isang pulis.

Oo pulis yung mokong. Kukunin ko sana syang ninong ni Ray nung pinabinyagan ito, pero nung tinanong ko si Paul ay ayaw nya.

"uy.... Kumusta na? ito na ba ang anak nyu?" sabi ni Clyde sabay hawak sa kamay ni baby Ray.

"ah oo. Kukunin sana kitang ninong niya pero....."

"Enz... na iintindihan ko. Ay ang cute cute naman ng batang to. So kumusta ang buhay may asawa?"

"Medyo mahirap at nakakapagod pero keri rin naman"

"Abah palagi ka bang pinapagod ni Paul?" ngumisi pa si mokong.

"sira! Hehehe syempre alam mo naman. Mag aalaga ka ng bata at ang dami pang gawaing bahay"

"uhmmmm.... Ganun nga naman talaga siguro. Swerte naman ni Paul"

"sobrang swerte nga nya" pagmamayabang ko "wag kang mag alala, darating din ang para sa'yo"

"hai kalian pa kaya" huminga si Clyde ng malalim "oh pano ma una na muna ako. bye" at nagpatuloy na sya sa paglalakad.

Nang marating ko ang bahay ay nakita kong hindi na naka lock ang gate at ang kotse ni Paul ay naron na sa garahe. Pero anong oras pa lang naman ah?

Pumasok ako sa bahay at nagbihis.

Dumungaw ako sa bintana at nakita ko si Paul na nasa tabing dagat at nakaupo habang nakatanaw sa malayo.

"baby andun si daddy Paul oh, tara lapitan natin" sabi ko kay baby.

"mukhang malalim ang iniisip ng daddy namin ah"

Lumingon si Paul at ngumiti ito. "san kayo galing?"

"galing kami kay nanay"

"uhmmm... baby halika dito kay daddy" inabot ko naman sa kanya ang kanyang anak.

"uhmmm... paamoy nga ng kili kili ng anak ko..." humagikgik na naman sa kakatawa ang bata. Sobrang nakikiliti kasi ito dahil sa balbas ni Paul.

"mahal sandali lang bantayan mo muna si Ray, ililigpit ko lang ang mga sinampay ko"

Tumalikod na ako nang biglang magsalita si Paul kaya lumingon ako.

"oooppppss! Ooopppss! May nakalimutan ka.." ang sabi niya tapos ngumuso nguso pa ito sakin.

Hai syempre yung kiss na naman niya.

Siguro ok na siya at baka pagod lang talaga siya nung mga nakaraang araw. Wala rin naman akong nagawa kundi mag kiss sa kanya. Medyo tupakin din kasi minsan si mokong, alam nyu na baka dahil sa isang kiss lang ay mag inarte na naman ito.

Habang kinukuha ko ang aking mga sinampay ay tanaw na tanaw ko si Paul hawak si Ray na naglalakad at namumulot ng mga kabibe at mga bato.

Hai ang sarap nilang pagmasdan. Bagay na bagay kay Paul ang pagiging isang ama.

Nang matapos kong tupiin ang aking mga nilabhan ay nagsimula na akong mag saing at magluto para sa hapunan. Alas singko nang hapon at baka gutom na rin si Paul.

Hinahanda ko na ang lamesa at saktong pumasok na si Paul kalong si Ray.

"oh baby, sakto yung dating natin oh nakahanda na ang hapunan, tara hugas muna tayo ng kamay"

"wow ano yan mahal?" tanong ni Paul.

"sweet and sour na isda"

"wow.. baby dali maghugas tayo nang kamay masarap yun"

Kakatuwa si Paul, tinuturuan niya kung panu maghugas ng kamay ang anak niya. Pagkatapos nilang maghugas ay agad nitong nilagay si baby sa high chair.

"naku ang swerte ko naman sa asawa ko, alam niya yung mga paborito ko"

"syempre, kay mama mo na mismo nang galing kung ano yung mga pagkaing paborito mo. Nagpaturo din ako sa kanya"

Sinusubuan niya rin ng pagkain ang anak niya. Maingat din niyang kinukunan nang tinik ang isda bago isubo sa anak niya.

Pagkatapos naming kumain ay naupo kami sa sofa para manood nang t.v

"ang aga mo yata ngayong umuwi mahal?" tanong ko kay Paul.

"bakit? Ayaw mo? Sige sa susunod try kong gabihin sa pag uwi" ngumisi pa ang loko.

"okay lang, basta dyan ka na sa labas ng bahay matutulog"

"grabe.. eh di matutulog ako sa iba" parang may kurot akong naramdaman ah. Abah iniinis ako ng mokong na to ah. Kutusan ko kaya to. Nanahimik na lang ako at tinutok ang atensyon ko sa tv. Naramdaman ko na lang na bigla niya akong inakbayan.

"ito naman, para nagbibiro lang eh" sabi niya at binigyan ko siya ng matalim na tingin.

"wag mung maiisipan na makipag flirt ha. Kasi naku, hahabulin kita ng itak"

"alam mo mainitin talaga ang ulo mo. Tsaka kung anu anong pinag iisip mo, kung hindi lang siguro gabi ngayon eh tumakbo ka na naman patungo kung saan" ang nasabi ni Paul. Oo nga palagi ko siyang tinatakasan.

"alam mo, mahal na mahal kita. Wala sa isip ko ang maglandi kaya wag ka ngang mag isip ng ganyan. Nakakatot ka kaya magtampo. Hirap mong suyuin, alam mo ba dahil sa'yo napilitan akong kumanta" naalala ko tuloy nung hinarana niya ako nung nasa cebu kami.

"ah napilitan ka lang ganun?"

"hmmm... ayan na naman. Basta mahal kita ok? Tapos"

Pero hindi pa rin ako umimik.

"bakit ang sungit ng asawa ko ha? Hmmmm bakit? Gusto mo....?" tinaas taas pa niya ang kanyang kilay tsaka pinisil pisil ang hita ko. Eto na naman parang nalibugan na naman siya kaya pinalo ko ng kamay ko ang kamay niya.

"wag ka ngang ganyan. Baka nakalimutan mo nandiyan ang anak mo naglalaro sa may sahig?"

"eh di ibig sabihin kung wala si baby dyan gusto mo rin? Patulugin ko na baby?"

"loko!"

Tinawanan lang niya ako.

Ibang klase talaga siyang mag lambing. May kasamang libog, pero hindi ko pinapatulan. Natuto na kasi ako. Wala pa kaming anak nun, umuwi siya at nilalambing lambing niya ko. bumigay naman ako at nalimutan ko ang aking niluluto. Kaya ayon yung pork chop naging uling.


Hi Soulmate 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon