Eto na po yung UD. Sana po magustuhan nyu. Pasensya po kung bitin at hindi masyado maganda ang nakaraanfg chapter. Salamat po sa lahat ng patuloy na nagbabasa at nag vovote, pati na rin sa mga silent readers.. Love you all... Enjoy po :)
Enzos POV
Limang buwan na nung namatay sina mama at papa. Lilipat na kami sa bahay nina mama, wala naman kasing titira dun dahil walang kapatid si Paul. Sina nanay at tatay tsaka ang kapatid ko ay lilipat dun sa bahay namin ni Paul. Ang bahay naman nina nanay ay gagawing isang pa upahan, pero patuloy pa rin ang karinderya business ni niya.
Ang ingay na ng anak namin, marunong na siyang magsalita at kumakanta pa. May mga naiwang bakas ng malagim na aksidente sa kanyang mukha. May pilat ito sa kilay at sa bibig dahil sa mga bubog na tumalsik sa kanya nung manyari ang aksidente. Mabuti nga hindi siya nabulag o kaya'y naputulan ng kamay at paa. Kaya lubos ko na ipinagpapasalamat sa diyos dahil magkakaroon pa siya ng isang normal na buhay.
Marahil meron talagang mga anghel na nagbabantay sa sanggol na tulad niya. Kasi nung maaksidente sina mama ay nakita siyang umiiyak sa back seat ng kotse at natakpan ng stuff toys na bigay sa kanya ni tita Rita. Maliban kina mama at papa, ang mga stuff toys na yun ang naka saksi sa malagim na aksidente. Sa wakas ay natapos na rin ang paghakot namin ng iilang gamit. Parang maninibago siguro ako, sobrang laki ng bahay nina mama at iilan lang naman kami dun kasama ang tatlong kasambahay.
"ma, pa.. dito na kami titira" ang sabi ni Paul habang hawak hawak ang isang picture frame kung saan nakalagay ang larawan ni mama at papa. Dinala na ng mga kasambahay ang mga bag na may lamang damit namin sa aming kwarto. Sabi ni Paul dun daw kami sa kwarto ni mama at papa pero hindi ko yata kayang matulog dun. Alam ko namang hindi kami mumultuhin nina mama pero parang nakakapanindig balahibo isipin na matutulog ka sa kama ng mga taong pumanaw na, kaya pumayag si Paul na dun na daw kami sa dating kwarto niya.
"anak, mahal.. hali kayo may papakita ako sa inyo" ang aya sa'min ni Paul habang nakaupo kami sa kama. Lumabas kami ng kwarto at tinungo ang isang kwarto. Nang buksan niya ang pinto at pinaandar ang ilaw ay namangha ako sa aking nakita. Ang cute nang design at ang saya ng itsura ng buong kwarto. Kwarto ito para sa baby. May mga naka display na mga laruan at mga stuff toy at nakita ko na ang ibang laruan ay yellowish na ang kulay
"halika dito anak, dito ka" kinuha ni Paul si Ray at nilagay sa loob ng isang crib na old fashion ang style. Nahagip nang aking mata ang isang picture frame na nakapatong sa isang maliit na cabinet sa dulo ng kwarto. Picture nang isang baby ang nakalagay dito kaya nilapitan ko para tignan. Medyo may kalumaan na din ang itsura ng picture. Teka kamukha ni Ray ang baby na nasa picture kaya kinuha ko ito at pinagmasdan ng maigi.
"ako yan mahal, ito yung kwarto ko nung baby pa ako" mas namangha ako nung sinabi ni Paul na kwarto niya ito. Ang galing kasi kahit may kalumaan na ang mga gamit sa loob pero maganda pa rin ang kundisyon ng mga ito.
"talaga mahal? Ikaw tong nasa picture? Naku kung ganun pagdating nang araw kasing gwapo mo rin yung anak natin"
"oo naman, ito tignan mo oh" binuksan ni Paul ang maliit na cabinet at ang mga drawer. Pinakita niya pa sa'kin yung mga gamit pati mga damit niya nung baby pa siya.
Natulala si Paul nang buklatin niya ang isang photo album at bigla na lang siyang lumuha. Nakita kong tinitignan niya ang picture nung bata pa siya na kasama niya sina mama at papa na nakaupo sa isang bench sa isang park. Nakaramdam na naman ako ng kirot, nagkalat kasi ang picture nina mama at papa sa bahay, siguradong hindi siya makaka move on sa pagkawala ng mga ito.

BINABASA MO ANG
Hi Soulmate 2 (COMPLETED)
RomanceAno na naman kaya ang mangyayari sa love story nina Paul at Enzo. Kinasal na sila, nakatira sa iisang bubong at meron na silang anak.. Pano nila haharapin ang pagsubok bilang mag asawa? "Mahal na mahal kita at konektado ang puso ko sa puso mo, kasi...