HS2-14

3.8K 158 9
                                        


Eto na naman yung UD. Hehehehe Nagkaroon ng sariling isip ang aking mga daliri at biglang nagkaroon ng revelation sa chapter na ito. Basahin nyu na!!!! Hehehehehe Sana magustuhan nyu po. Enjoy Reading! :)


Paul POV

Alam kong na bad mood si Enzo nung makita niya kung sino ang mga kasama ko. Hindi ko rin siya masisi. Sila kasi yung mga kasama ko nung nadatnan niya ko sa isang club noon.

"dude, mukhang masama ang timpla ni misis ah. Pano ba yan mukhang hindi ka makaka iskor mamaya?" ang sabi ni Andrew sabay ngisi.

"sira.. baka pagod lang yun sa kaka pamasyal"

"okey sabi mo eh" ang sabi ni Andrew at uminom uli ng beer. Kami na lang dalawa ang naiwang umiinom. Umalis na kasi sina Mark at Chris dahil tinawagan sila ni Don Alfonso. Maya maya ay nag ring ang phone niya at tila nataranta siya.

"dude sagutin ko muna to" at agad siyang lumabas.

"sige, puntahan ko muna si Enzo" sabi ko at tumango lang siya.

Tama nga si Andrew, bad mood si Enzo. Kaya pupuntahan ko muna. Nang papalapit ako sa kwarto ay naririnig ko ang tawa ng anak namin.

"wow ang saya ah, pwedeng makisali" sabi ko pagbukas ko ng pinto. Tinignan lang ako ni Enzo at binalik ang atensyon sa pagkulit sa kay Ray. Oo nga syempre bad mood nga noh.

Kaya nilapitan ko siya at na upo sa kama, alam kong naiinis siya kasi matulis na naman ang nguso niya kaya naisipan kong halikan siya sa pisngi. Pero wala pa rin siyang reaksyon.

"ba't kasama mo sila?" ang tanong niya.

"nagkayayaan lang uminom" sabi ko sabay haplos sa likod niya "tsaka mabait naman sina Chris at Mark"

"eh yung Andrew na yun?" alam ko naiinis siya kay Andrew, alam niya kasing na empluwensyahan ako nito sa pag gamit ng marijuana "okey naman sakin na nakikipag inuman ka paminsan minsan. Sakin lang baka gumamit ka ulit. Ayoko ko nang maulit yung nangyari dati tsaka ngayon pa lang sinasabi ko sa'yo tigilan mo yang paninigarilyo" niyakap ko siya at hinalikang muli sa pisngi.

"wag kang mag alala, hindi na'ko gagamit ng bawal. Nagyaya sila na sa labas daw kami uminom pero tumanggi ako, kaya sabi nila dito na lang daw sa bahay"

"siguraduhin mo lang ha,"

"oo nga wag ka nang mainis. Balikan ko muna si Andrew dun sa baba, umuwi na kasi sina Mark eh"

Enzos POV

Mabilis na nakatulog si Ray, siguro napagod din sa kakagala namin kanina. Alam talaga ni Paul pag bad mood ako, siguro nababasa niya ang laman ng isip ko. Nung dati ok pa ang dating ni Andrew para sa'kin., pero simula nung huli ay parang na iirita ako sa tuwing makikita ko ang pag mumukha niya. Ewan ko ba, gusto ko siyang sapakin sa tuwing makikita ko siya lalo na pag ngumisi siya na parang lasing na aso.

Isa siya sa mga close friend ni Paul pero parang ayokong maging magkaibigan pa sila lalo pa nung nalaman ko na siya pala ang dahilan kung bakit gumamit ng marijuana si Paul na muntik nang maging dahilan para masira ang aming pamilya.

Hindi rin maganda ang kutob ko sa dalawa pa nilang kasama kanina. Hindi sa nagmamaganda ako pero wagas makatingin yung isa. Alam nyu yung tingin na parang may malisya. Pero kahit ganun wala akong karapatan na deadmahin sila at baka mapahiya din si Paul.

Lumabas ako ng kwarto at sumilip kasi ang tahimik. Nakita ko si Paul na mag isang umiinom sa sala. Pinagkibit balikat ko na lang ito, baka kasi nag cr si Andrew kaya bumalik na lang ako sa paghiga. Mas mabuti ngang dito na sila uminom kaysa pumunta sa kung saan saang bar. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Paul pero mas magiging payapa ang isip ko kung alam kong dito lang siya nakikipag inuman kasma ang mga kaibigan niya.

Pinatay ko na ang ilaw para matulog na, lumalalim na rin kasi ang gabi.

Nagulat ako ng may narinig akong naglalakad sa labas nang bahay at pagtingin ko sa bintana ay may anino ng dalawang lalake at mahinang nag uusap. Dahan dahan akong lumapit sa bintana para malaman kung sino ang dalawang lalake na nag uusap.

"bakit ka nagpunta dito? Hindi ka niya dapat makita" boses ni Andrew ang nadinig ko "sabi ko naman kanina sa'yo diba, puntahan na lang kita mamaya sa apartment mo" inis na sabi niya.

"sabi mo may mga kasama kayo? Ba't parang kayo na lang dalawa dun sa loob?" huwwaat? Totoo ba tong naririnig ko? boses ni Clyde yun... hindi ako maaring magkamali! Holy crap!

"hinaan mo yung boses mo pwede. Umalis na yung dalawa naming kasama"

"umuwi na tayo please..." pagmamakaawa ni Clyde.

"uubusin na lang namin yung natitrang alak tas susunod na'ko sa'yo" ang sabi ni Andrew pero hindi ko narinig na nagsalita si Clyde. "look, nakikipag inuman lang ako sa kanya.. wala akong ibang balak na gawin ok?" ang paliwanag ni Andrew.. pero bakit? May binabalak ba siyang masama kay Paul?

"Andrew alam ko na gustong gusto mong matikman sa kama yang kaibigan mo. Siya yung kaibigan na kinikwento mo nung magka chat pa lang tayo diba?" ang sabi ni Clyde at narinig kong huminga ng malalim si Andrew. Parang hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Si Andrew? Gustong matikman ang asawa ko?

"Clyde noon yun, iba na ngayon.. May Enzo na si Paul, may anak na rin sila. Alam mong adik ako pero hindi ko kayang gawin ang iniisip mo"

"sorry"

"okey lang yun naiintindihan ko, wag kang mag alala ikaw lang ang titikman ko hehehe" ang sabi ni Andrew. Ano? Sila na bang dalawa?

"sira ulo ka talaga, sige na uuwi na'ko. Basta aasahan kitang pupuntahan moko sa apartment ko. Nakita ko sa anino na halatang naghalikan sila.

"sige pasok na ko, baka magtaka si Paul at lumabas at baka mabugbog kapa"

Ano ba tong mga nangyayari? Kala ko ba straight tong si Andrew? Tsaka pinagnanasahan niya pala ang Paul ko. Hayop to ah. Tapos gusto siya ni Clyde.

Narinig ko na wala siyang balak gawin kay Paul pero hindi ako dapat magkaroon nang kumpyansa na walang gagawin ang Andrew na yun. Madali din namang ma turn on si Paul. Sumilip ako sa pintuan ng kwarto at hindi talaga ako umalis sa kinatatayuan ko. Nagtatawanan pa silang dalawa at pagkalipas ng ilang minuto ay nag paalam na ito para umalis at hinatid siya ni Paul sa labas ng bahay.

Ilang sandali ay pumasok na uli si Paul sa bahay at ni lock ang pinto tsaka pinatay ang ilaw sa sala. Agad akong nahiga sa kama at narinig kong pumasok siya sa kwarto. Narinig ko pa ang kanyang pag hikab.

Nahiga siya sa kama at hinalikan niya pa ako sa pisngi.

Dinilat ko ang aking mata.

"oh gising ka pa pala" tanong niya.

"hindi kasi ako makatulog eh"

"bakit naman?"

"hindi ko rin alam" niyakap niya ako at sinisil ng halik.

"uhmmm andito na'ko matulog ka na" ang huli niyang sinabi at tsaka niyakap niya ako ng mahigpit.


'May pagnanasa si Andrew kay Paul? Tapos may relasyon si Clyde tsaka si Andrew? Ano kaya ang kahihinatnan nang lahat ng to?'

Abangan... hehehehe


Hi Soulmate 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon