HS2-9

4.4K 188 16
                                    



Pauls POV

Kailangan kong pakiusapan si Clyde. Kailangan kausapin ko siya ng matino, baka sakaling sabihin niya sakin kong nasan ang asawa't anak ko.

Pauwi ako ngayon ng bahay at tyempong nadaanan ko si Clyde na nagllinis ng kanyang kotse sa harap ng bahay nila. Naiinis pa rin ako sa kanya pero kailangan pakalmahin ko ang aking sarili. Pinahinto ko ang kotse at bumaba.

"oh pare, anong atin?" maangas niyang tanong habang patuloy sa pagpunas ng kotse niya.

"ah Clyde gusto ko lang sanang humingi ng despensa sa inasal ko nung nakaraan"

"ah yun bah, wala yun.."sabi niya pero hindi ito makatingin sakin.

"at sya nga pala nagbabaka sakali din sana na may nalalaman ka kung nasan si Enzo at ang anak ko"

"pare sinabi ko na sa'yo hindi ko alam kung nasan siya" pag sisinuplado nito. Alam kong may alam ang pulis patola na to kung nasan si Enzo. Parang gusto ko siyang gulpihin pero, mag iisip na lang ako ng ibang paraan kung pano ko matutunton ang asawa't anak ko.

Enzos POV

Dalawang linggo na rin ang nakalipas mula nung umalis kami sa bahay at nanirahan dito sa apartment. Pero sariwa pa rin sa akin ang nangyari sa'min ni Paul. Hindi ko din alam kung hinahanap niya kami o talagang nalulong na lang siya sa droga.

Ang sakit sakit sa dib dib isipin na baka ito na talaga ang ending ng aming love story. Baka hindi talaga siya laan para sakin. Mahal na mahal ko siya pero ika nga nila kung kayo kayo talaga, kung hindi ay gagawa ang tadhana ng paraan para magkahiwalay kayo.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Simula kahapon ay walang tigil ang pagtawag at text ni nanay sakin pero hindi ko sinasagot. Ngayon mama naman ni Paul ang tumatawag.

"mama?"

"diyos ko po Enzo, mabuti naman sumagot ka. Kumusta kayo ng apo ko?" dama ko sa tono ni mama ang pag aalala.

"okey lang po ako. Maayos naman ang apo niyo"

"Enzo, ano bang nagyari? Pumunta dito si Paul hinahanap ka"

"saka ko na po ikwekwento sa'yo ang nangyari" hindi pa kasi ako handang sabihin ang mga nangyari. "mama patawad po kung nag aalala kayo. Nasa mabuti ho kaming kamay, wag ho kayong mag alala"

Pinutol ko na agad ang tawag at pinatay ang cellphone ko.

"oh umiiyak kana naman.." dumating na pala si Clyde.

"tumawag kasi ang mama ni Paul. ilang beses na rin akong kinokontak ni nanay, nalulungkot ako kasi and daming taong nag aalala baka napano na'ko"

"ssshhh... tama na yan.."

Halos araw araw ako umiiyak pero hindi siya nagsasawa sa pagpapatahan sa'kin. Mabait si Clyde at masasabi kong responsible siya pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.

Pinahiran ko ang aking luha.

"halika na may dala akong pansit dito kain tayo" tinungo nito ang lamesa at hinugot mula sa paper bag ang isang Tupperware.

"si Ray?"

"Tulog na..."

Para na siyang tatay ni Ray, bago siya pumasok sa kwarto niya ay dumadaan muna ito sa'min at nakikipag laro sa anak ko.

Parang yung ginagawa din ni Paul dati, yung kakargahin niya ang anak niya at kikilitiin ito. Na miss ko na ang mga araw na yun. Ang sakit sakit talaga sa puso kasi sa isang iglap nawala ang lahat ng yun.

Hi Soulmate 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon