Enzos POV
"hindi pa ba ako pwedeng umuwi? Baka pwede naman sigurong sa bahay na lang ako magpahinga" naiinip na talaga ako dito sa ospital. Limang araw pa lang ako dito pero, pakiramdam ko sobrang tagal na. Pabalik balik din si Clyde dito sa ospital. Nasa ICU kasi si Andrew.
"sabi ng doctor dito ka muna hanggang sa gumaling ka"
"eh lalong lalaki ang babayaran natin?"
"wag mo na munang isipin yan, importante gumaling ka at isa pa mas mabuti nang nandito ka, para ma tignan ka ng mga nurse pag nasa trabaho ako" hindi na nga ako naka angal, baka mapagalitan pa'ko at masabihan na 'ang tigas ng ulo mo.'
Pumasok si Clyde sa kwarto na bagsak ang mga balikat.
"oh pare kumusta na?" tanong ni Paul.
Pero tulala lamang ito at dahan dahan kong narinig ang kanyang pag hikbi.
"wala na siya... wala na si Andrew"
Malaki ang naging kasalanan sa'kin ng lalaking yun at magiging plastic ako kung sasabihin kong hindi ako natuwa sa narinig ko. Pero mas nananaig ang awa ko kay Clyde. Sobra siyang nasaktan sa nangyari at alam kong nagi guilty siya.
-------
"Mr. Velasquez?" ang pagtawag ng principal. Nakapamewang pa ito, grabe ang kolorete sa mukha. Halata sa mga guhit sa kanyang mukha ang katandaan at as usual matapang ang itsura. Syempre ganyan naman talaga ang image ng mga principal.
"Yes ma'am?" sabay naming sabi ni Paul. Nag sink in na talaga sa utak ko na si Mr. Velasquez na din ako kahit pa sa Brazil lang naman ako kilala sa apelyido na yun.
"Pasok kayo" at sumunod kami sa principal. Napansin ko ang isang lalake na mga nasa kwarenta ang edad katabi ang anak niya na putok ang labi.
Naupo ako sa tabi ni Ray na parang hanggang ngayon ay nag ngingit ngit pa rin sa galit. Ganitong ganito ang itsura ni Paul pag nagagalit. Alam ko na naman kung anong dahilan nito, dahil na naman to sa'min.
Mula nung tumungtong siya sa elementary ay lagi na itong napapa away dahil nga sa klase ng pamilya na meron siya.
"now Ray tell me what happened" ang seryosong tanong ng principal.
"kumakain po'ko sa canteen, tas bigla na lang pong lumapit tong si Jasper tsaka tinapon ang kinakain ko. Pinagmumura pa niya ko at kung ano anung pinagsasabi tungkol sa parents ko"
"eh bakit totoo namang-"
"Mr. Alonzo, you'll have your turn later" ang sabi ng principal na medyo na irita sa pag sabat ni Jasper.
"eh ma'am nasabi na po niya ang parte niya, hayaan nyu naman pong mag explain tong anak ko" ang sabi nang lalake, naku mukhang may pinagmanahan pala tong anak niya.
Mukhang tuluyan nang nairita ang principal at tumayo ito bigla tsaka huminga ng malalim "okay! Para fair sa mga anak nyo....." ang bitin na sabi ng principal. Naku wag naman po sanang ma kickout ang anak ko. Pangalawang school niya na to.
"Mr. Alonzo, Mr. Velasquez, both of you will be suspended for one week at pagbalik nyu maglilinis kayo ng library for two weeks pagkatapos ng inyong klase" ang mariing sabi ng principal.
"malas naman oh" ang sabi ni Ray sabay kamot sa ulo.
"actually Mr. Velasquez.. this is one of your lucky day, buti nga hindi ako nag desisyon na eh kickout kayong dalawa"
Hai salamat naman at hindi siya pinaalis sa school. Alam kong hindi okay ang ma suspend pero mas mabuti na to kesa sa magnahanap na naman kami ng ibang school.

BINABASA MO ANG
Hi Soulmate 2 (COMPLETED)
RomansaAno na naman kaya ang mangyayari sa love story nina Paul at Enzo. Kinasal na sila, nakatira sa iisang bubong at meron na silang anak.. Pano nila haharapin ang pagsubok bilang mag asawa? "Mahal na mahal kita at konektado ang puso ko sa puso mo, kasi...