HS2-10

4.5K 175 7
                                    


Tuluyan na kayang maging battered wife si Enzo? Lagot! ano sa tingin nyo ang tumatakbo sa isip ni Paul? hehehe basahin nyu na po ng magkaalaman na... hehehe Enjoy reading po!


Enzos POV

Hindi ko na alam kung ano ang mga susunod na mangyayari. Mas gugustuhin ko pang saktan ako ni Paul kesa naman makapanakit siya ng iba o makapatay. Hindi ko alam kung pagiging martir na tong ginagawa ko, pero ayokong makita siyang naka kulong.

Hanggang ngayon hindi nawawala ang kaba sa dib dib ko. Pauwi na kami sakay ng taxi at magkatabi kami ni Paul. Parang wala akong lakas na gumalaw, ang tanging nagagawa ko lang ay tumingin sa anak ko na walang kaalam alam sa mga nangyayari. Sinulyapan ko si Paul habang nasa byahe, hindi pa rin maipinta ang itsura niya.

Natunton niya ko, nakita niya pang kasama ko ang lalakeng pinakaiinisan niya. Pumapasok tuloy sa isip ko na baka pagdating sa bahay ay hindi lang suntok ang abutin ko, pero bahala na titiisin ko na lang, ganyan ko siya ka mahal.

Narating namin ang bahay. Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad kong nilagay sa crib ang anak namin, para kung ano mang gawin niya, hindi madamay si Ray.

Naupo ako sa sofa at parang nanigas ako dun. Wala ni isang salita na sinambit si Paul, dumiretso sya sa kwarto at nagpalit ng damit. Natatakot akong tignan siya, baka atakihin ako sa puso sa sobrang kaba. Ngayon ko lang siya nakitang galit na galit.

Pinapakiramdaman ko lang ang mga galaw niya. Unti unti kong nararamdaman na papalapit na siya sakin naku eto na yata ang kanina ko pa inaabangan (huh? Talagang umaasa na mabubugbog?)

Nilagay niya sa center table ang isang basong may tubig.

"inumin mo" ang sabi ni Paul sa kalmadong boses.

Umalis siya at bumalik sa kusina, tsaka ko lang ininum yung tubig. Actually kanina pa tigang na tigang ang lalamunan ko.

Abah mukhang bago to ah, naaamoy kong may niluluto ang mokong sa kusina. Pero ayun tulala pa rin ako sa aking kinauupuan.

"magbihis ka na, kakain na tayo" nagugulat ako kapag nagsalita siya, hai ewan ko bah. Sumunod naman ako.

Paglabas ko ng kwarto ay nakahanda na ang lamesa.

"umupo ka" honestly para akong aso. Kung anong sinasabi niya susunod agad ako, pero ayokong tumingin sa kanya. Naalala ko kanina ang itsura niya na pulang pula dahil sa galit.

Nilagyan niya ng kanin ang pinggan ko. Abah dinamihan talaga, wala pa naman akong ganang kumain.

"oi, kumain ka na. Ubusin mo yan"

Whaaaat? Pano ko uubusin tong napakaraming kanin? Ewan ko bahala na.

Ang routine ay siya na ang nagluluto, ako naman sa pag aalaga ng anak namin at paglilinis ng bahay. Pero hindi ko pa rin siya kinakausap.

Napailing na lang ako ng makita ko ang nakatambak niyang mga damit. Seriously? Nire recycle niya lang siguro tong mga damit niya. Hai naku yung iba puro mantsa pa. Pinabayaan niya yung sarili niya, pati ang tong sahig ng bahay puro alikabok.

Nilabhan ko ang mga damit niya at parang halos ubusin ko ang isang kilong powder na sabon. Pano naman kasi ayaw bumula sa sobrang dumi. Naalala ko noon nung una pa lang kaming nagsama sa bahay, ganito din yung sitwasyon ng mga damit niya.

Nakita ko rin ang damit na niregalo ko sa kanya nung birthday niya, yung blue na may superman na logo. Kahit na mantsahan na ito ng zonrox ay sinusuot niya pa rin ito.

Naisipan kong ipagluto ulit siya. Tamang tama uuwi na yun maya maya lang. hai sakit ng katawan ko sa palalaba. Pagkatapos kong magluto ay pinakain ko na si Ray at nilagay muli sa crib.

Pinaandar ko ang tv at sa sobrang pagod ay nakatulog na lang ako na nakaupo sa sofa.

Nagising ako bigla sa pagkalabog ng pintuan. Nakita ko si Paul pumasok at halatang lasing. Pa ekis ekis ang paglakad niya. Blangko lang ang itsura niyang nakatingin sakin. Eto na naman ang kaba ko hindi mawala wala.

Naupo siya sa gilid ng nakabukas na pinto at may kinuha sa kanyang bulsa. Nakita kong sinindihan niya ang sigarilyo na galing a bulsa niya. Abah kelan pa natutong mag sigarilyo tong mokong na to. Kahit kinakabahan ako ay nilapitan ko siya tsaka inagaw ang sigarilyo.

Tumayo siya at tinignan niya ko.

"akin na.." pero inilalayo ko pa rin ang sigarilyo.

"akin na nga sabi.." sa inis ko tinapon ko sa sahig at inapakan ko ang. Nag aantay na lang ako na tumama ang kamao niya (abah gusto talagang mabugbog), pero nagkamot lang ito ng ulo.

"naman... last stick ko na yun eh.."

"kelan ka pa natutong mag sigarilyo ha?"

"wag ka nang mag tanong, wala ka namang pakialam sakin eh"

"anong wala?"

"hai... tsk! Tabi nga dyan.." ang sabi ni Paul at dumiretso sa kwarto. Pinatay ko ang tv tsaka niligpit ang pagkain. Hai naku, iinitin ko na lang to bukas.

Nang pumasok ako sa kwarto ay nakahiga si Paul sa kama at tulog na tulog. Nilapitan ko ito at naupo ako sa gilid niya. Hinaplos ko ang kanyang mukha, hai hindi talaga kumukupas ang ka gwapuhan niya. Nagulat ako nang biglang dumilat ang kanyang mga mata.

"sandali kukuha lang ako ng pamunas sa'yo" tatayo na sana ako pero hinawakan niya ang aking kamay.

"dito ka lang please.. wag kang umalis"

"sandali lang kukuha lang ako ..."

"please wag kang umalis... mahal na mahal kita, patawarin mo ko.." unti unti pumatak ang kanyang luha

"hindi mo na ba ko mahal? Kaya ba sumama ka sa Clyde na yun?" ouch! Sakit nun ah inakala niya siguro na ginusto ko talagang sumama kay Clyde.

"sssh... nakainum ka na naman..."

"sagutin mo ko, tatanggapin ko naman kung hindi mo na talaga ako mahal eh"

Niyakap ko siya at hinalikan sa noo.

"mahal kita.. hindi kita iiwan"

"please.. wag ka nang aalis ha.. wag na kayong aalis ni Ray..."

Gising pa rin ako pero si Paul tulog na tulog na na nakayakap pa rin sakin. Lumabas ako ng kwarto at kumuha ng ipupunas ko sa kanya. Hinubad ko ang kanyang damit at pantalon. Macho pa rin naman siya pero halatang pumayat ito ng konti. Pano kaya ang naging buhay niya dito nung mga panahong malayo kami ng anak niya. Nakaramdam tuloy ako ng pagka guilty.

Kinabukasan maaga akong bumangon para magluto ng almusal. Pagkatapos nun ay pinaliguan ko na si Ray. Habang lumalaki ito ay mas ma nonotice na kamukhang kamukha niya si Paul.

"naku anak sigurado ako pag lumaki ka kasing gwapo mo yung daddy Paul mo"

"daddy!" ang sigaw ni Ray.

Nang lumingon ako ay nakita ko si Paul sa likod ko at gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi.

"ay gising ka na pala. Sandali tatapusin ko lang tong pagpapaligo sa anak mo at ihahanda ko na ang almusal"

"ako na diyan, sige na ihanda mo ang almusal"

Siya na ang nagpaligo sa anak namin at narinig ko na naman ang malakas na pagtawa n gaming anak dahil sa pangingilit na ginagawa niya rito.

Nilingon ko pa sila bago pumunta sa kusina at kinindatan pa niya ako.

Itutuloy...


Hi Soulmate 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon