DISCLAIMER
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the authors' imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
↢――――――↣
「 EXTON 」
"G-GYAAAAAAAAAAAAAH―!!"
Tinignan ko lang siya habang nagsisisigaw, takot ang nakikita ko sa mata niya. Nakakaawa.
But still, I have to do this.
Wala pang isang minuto ay sinaksak ko agad siya, sakto sa puso. Hinugot ko yung kutsilyo at sinaksak ulit siya, sinaksak ko siya ng paulit ulit, hanggang sa wala na akong napala sa kanya. Wala sa kaniya ang hinahanap ko.
Walang kwenta, kailangan kong humanap ng iba. Marami namang tao dito sa mental hospital at madali silang atakihin dahil sa kalagayan nila, medyo mahirap lang dahil marami nga, pero ano naman ngayon kung mahirap.
Hindi ako baliw dahil sa pumapatay ako ng tao. Hindi ako baliw dahil sa nandito ako sa mental. Hindi ako baliw, matino ang pag-iisip ko.
Hindi ako baliw. Hindi ako nararapat dito.
"W-Wag... Please... Maawa ka!" Pagmamaka-awa ng isa. "Wala ka bang puso?!" Sigaw pa ng isa.
Nginitian ko lang sila. "Wala." Sabay pagsaksak sa kanilang dalawa.
Wala. Wala parin.
Tumakbo ako agad at pumasok sa bawat kwarto dito sa mental. Lahat ng tao na nadadaanan at nakikita ko pinapatay ko, wala pa rin talaga. Hindi ako tumitigil sa pagpatay ng mga tao dito kahit puno na ng dugo ang kutsilyong gamit ko at naliligo na rin ako sa dugo. Shit, nakakainis! Wala parin! Ubos na lahat ng tao dito, napatay ko na. Patay na silang lahat, wala nang natira.
Kailangan ko ng bagong lugar, bagong mga tao. Kailangan kong lumipat, kailangan ko nang umalis dito.
Hinanap ko agad ang labasan at dali-daling lumabas at di na ako nagulat dahil wala pang mga pulis o ano man na pwedeng humuli sakin, ako pa ba mahuhuli? Malalaman pa lang nila na may naganap na patayan dito nakatakas na ako. My plans are all set bago ako umaksyon.
Kailangan ko nang humanap ng bagong lugar, maraming tao dapat.
Ako si Exton Levesque, 18 years old. Oo, pumapatay ako ng tao. At di lang basta tao. Maraming tao. Bakit? Huh, malalaman niyo din.
Ano nga ba ang isang "liberator"?
Isang taong lumalaban para sa kalayaan ng isang lugar. Isang taong handang isugal ang lahat para sa kalayaan ng lugar na pinaglalaban niya. Isa akong liberator. Ngayong taong 2030, naging napaka-moderno na ng pamumuhay natin. Sa sobrang moderno, naimbento na ang mga bagay na pwedeng makapag-bigay satin ng supernatural na lakas.
Ginagamit ito ng gobyerno. Para ano? Para magpayaman.
Isa akong liberator. Ang kalaban ko? Haha, nahulaan mo! Ang gobyerno. Kami ang magpapalaya sa lugar na 'to mula sa gobyerno.
Biglang nag-ring ang phone ko,
"Exton! Kamusta naman?"
"Steph, kailangan ko ng bagong lugar."
"Haha! Sabi na nga ba at tapos ka na."
"Uuwi na 'ko dyan, hintayin mo 'ko."
"Sige, sige. Hanap na rin tayo ng bagong lugar."
"Sig―"
Habang naglalakad ako, may nadaanan akong isang school. Isang malaking school. Perfect.
"Steph, okay na. May nahanap na akong lugar."
"Wait, what?! Talaga?! Edi ikaw na. So magpapasarap nalang pala ako dito, hahaha."
"Wala ka nang gagawin?"
"Yeah~"
"Pwes, ipagluto mo 'ko ng pagkain."
"Aba, magtigil ka nga. Diyan ka magaling e. Ge, bye na."
At siya pa unang nagbaba ng phone.
Hah! What a great place to kill people. HAHAHA! Next location, Verpole State University.
↢――――――↣
Hello! ERUDiTE Collaboration here! Ito po ang una naming story. Since pare-pareho kaming mga estudyante, baka hindi kami makapag-update ng madalas.
Nga pala, 「」 indicates point of view. Self-explanatory naman. :)
Stay tuned for more! Sana ma-satisfy namin kayo! :D
For questions, suggestions, or complaints, feel free to message us.
'Yun lang. See you in the next "killing" time! :)
BINABASA MO ANG
Deadly Liberator
Mystery / Thriller[TGL] "Liberator" - ˈlibəˌrādər/ A person who liberates a person or place from imprisonment or oppression. Taong 2030, dala ng pagiging moderno ng panahon, nagsimula na rin ang imbensyon ng mga bagay na makakapag-bigay ng kakaibang lakas sa taong ma...