Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko unti-unti na akong nawawalan ng lakas. Damn! Anong gagawin ko? Hindi ako makapag isip ng maayos. Inipon ko ang lahat ng lakas ko para tumayo, tumakbo at magtago kung saan. Siguro naman hindi ako mahahanap agad diba?
Sino ba yung taong nandito ngayon?
Hindi ko alam kung si Miss Luna ba 'to. Hindi nga ako sure kung babae ba o lalaki e. Wala na akong panahon para isipin pa kung sino man 'to. Kailangan kong makaalis!
Isip, Allusia, isip! Hindi ako makapag isip dahil sa sakit na nararamdaman ko sa likod ko. So dito na talaga ako mamamatay huh? Tch, walang kwentang buhay.
Patuloy lang ako sa pag-inda ng sakit hanggang sa may maalala ako. Tatawagan ko si Exton! Agad kong kinapa ang bulsa ko na agad ko rin namang ikinadismaya. Wala nga pala akong dalang phone! Bakit ba hindi ko agad narealize yun? Halos maiyak na ako hanggang sa may nakapa akong maliit na bagay. Yung button! Tama! Agad agad kong kinuha yung button.
Narinig kong may mga footsteps malapit kung nasaan ako, malapit lang siya sakin kaya maabutan siya ng gas. Huminga muna ako ng malalim. Okay Allusia, basta wag ka lang hihinga. Pinigil ko ang paghinga ko kasabay ng pagpindot ko sa button.
Medyo malabo ng yung paningin ko pero nakita ko pa din na may lumabas na gas. Allusia konti pa. Gusto ko mang tumakbo palabas, hindi ko na kaya, nanghihina na talaga ako. Narinig kong may mga footsteps parin at mas bumilis pa. Naiiyak na ako, hindi pa rin na nai-inhale yung gas?
Pinilit kong pigilin ang paghinga ko ng konti pa pero hinang-hina na talaga ako. Nawawala na yung vision ko at pakiramdam ko sumisikip na yung dibdib ko. Kaya wala akong nagawa kundi ang huminga. Ilang segundo palang akong humihinga sumikip na ulit ang dibdib ko at ang huli ko nalang nakita ay figure ng lalaki sa harapan ko. Hindi ko makita yung mukha niya pero alam kong lalaki siya.
Sino 'to?
↢――――――↣
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at inikot ang mga mata ko, inaalam kung anong lugar 'to nang marealize ko kung nasaan ako... kwarto ko? Nasa kwarto ko ako! Kwarto ko sa bahay namin!
Panaginip ba 'to? Nasa bahay talaga ako! Hindi ako pwedeng magkamali! Kwarto ko 'to! Pero paano? Hindi ba totoo lahat ng nangyari? Nasagot ang tanong ko nang makaramdam ako ng sakit sa likuran ko. So totoo yung mga nangyari kagabi? Pero bakit nandito ako ngayon?
Tatayo na sana ako nang may maramdaman akong mabigat sa may paanan ko.
Arthoria.
Gaano na ba kami katagal na hindi nagkikita? Kamusta na kaya siya? Anong ginagawa niya dito?
"R-Ria." Kinakabahan kong tawag sa kaniya. Hindi ko siya hinahawakan. Hindi parin ako makapaniwala na nandito talaga ako sa bahay. Baka nananaginip lang ako. Natatakot ako na baka mamaya kapag hinwalan ko siya, magigising ako at babalik ang lahat sa dati.
"A-Arthoria..." Tawag ko ulit sa kaniya.
Unti-unti naman niyang iminulat ang mata niya at umayos ng upo. Nakatingin lang ako sa kaniya, 'di pa rin makapaniwala. Nakatingin lang din siya sakin. Pinipigilan kong umiyak. Pakiramdam ko talaga totoo lahat ng 'to e. Na nandito ako sa bahay at kaharap si Ria ngayon. Ilang minuto din kami ganoon hanggang sa magsalita siya.
BINABASA MO ANG
Deadly Liberator
Mystery / Thriller[TGL] "Liberator" - ˈlibəˌrādər/ A person who liberates a person or place from imprisonment or oppression. Taong 2030, dala ng pagiging moderno ng panahon, nagsimula na rin ang imbensyon ng mga bagay na makakapag-bigay ng kakaibang lakas sa taong ma...