PHASE 09: Lost Memory, False Relation

39 3 0
                                    

「ALLUSIA」

"Panda."

"H-Huh?!"

Nagulat si Ria nang tawagin ko siyang panda. Halata kasi na wala siyang tulog.

"Ria, okay ka lang ba?" Tanong ko. Pero kahit anong pangungulit ko sa kanya, hindi parin niya ako pinapansin.

"Arthoria." Napatigil siya sa paglalakad. "Arthoria, kung may problema ka sabihin mo sakin--"

"Allusia..." Sabi niya, na para bang alalang-alala.

"Huh?"

Humarap siya sakin, "Tingin ko... may masamang mangyayari."

Kasabay naman ng pagsasalita niya, biglang may sumabog. Nagsigawan ang mga estudyante.

Nagliliyab ang isang parte ng west wing ng school.

"A-Anong nangyari?! Bakit may sunog?!"

Teka... malapit 'yun sa classroom ni Hermy! "Tara!" Hinatak ko papunta sa west wing si Ria. Kaagad kaming pumasok sa classroom ni Hermy, pero wala siya doon.

Lumabas kami at naghanap-hanap pa, at nakita namin si Zekihel na nasa sahig at walang malay. "Zekihel!"

Tumakbo ako papalapit sa kanya at sinubukan siyang gisingin. "Zekihel... Zekihel!!"

"Ria, ilabas natin siya dito!" Tumango si Ria at kaagad akong tinulungan na buhatin si Zekihel. Inilayo namin siya sa west wing at nagpunta kami sa mas ligtas na lugar.

"Ililigtas ko pa yung iba!" Sigaw ni Ria, saka kumaripas ng takbo.

"Z-Zekihel..." Dumudugo ang ulo niya. Tingin ko tumama ito sa pader, dahil nakita kong may dugo din sa pader kanina.

Hindi siya nagigising... at tingin ko, hindi na rin siya magtatagal.

"Zekihel!!" Bigla nalang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit hindi pa namin gaanong kilala ang isa't-isa, nasasaktan akong isipin na mawawala na siya.

Wag... Zekihel...

Biglang bumukas ang pinto sa likuran ko. May limang tao na pumasok.

Dahil sa sobrang liwanag na nanggagaling sa labas, hindi ko gaanong maaninag ang mukha nila; pero may nakilala akong isa.
'Yung babae na 'yon... siya yung... babae na nabunggo ko nung gabi na may nakita akong talsik ng dugo sa pinto ng classroom ng mga freshmen. Siya yung... babae na may nakakatakot na mga mata.

Bigla akong napatayo, "S-Sino kayo?!"

Walang ni isa na sumagot.

Dahan-dahan silang lumapit sa akin. Nanginig ang mga tuhod ko sa takot, at napapikit ako.

Para bang naangat lang ng isang segundo ang mga paa ko, at pagkadilat ko, nasa labas na 'ko.

Lumingon ako at tumakbo pabalik sa kwarto kung nasaan si Zekihel, pero pagpasok ko, wala na ang katawan niya doon. Nawala na rin ang dugo sa sahig.

"N-Nasaan ka Zekihel?!" Anong ginawa nila sa kanya?!

Tumakbo ako papunta sa west wing para hanapin si Ria. Tinulungan ko siyang iligtas yung mga bata.

"A-Allusia! Doon! May batang lalaki doon!"

"Huh?!" Kaagad akong lumingon sa direksyon na tinuturo ni Ria. May nakita akong isang batang lalaki na nakatayo malapit sa apoy.

"T-Teka! Ililigtas kita!" Sigaw ko. Napansin kong ngumisi yung bata.

Sinubukan kong lapitan yung bata, pero biglang may bumigay na semento sa pagitan namin at muntik na 'kong madaganan.

Deadly LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon