PHASE 16: Täuschen

48 2 0
                                    

"We really need to find that chip."

Chip?

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan.

Chip... Marami akong naririnig na rumors tungkol dito. Sabi ng iba, gawa daw ang mga "chip" na ito sa materyal na Philosopher's Stone. Tulad ng mga nakikita natin sa mga libro at pelikula. Isang napaka-makapangyarihang bagay na kayang tuparin ang anumang kahilingan ng isang tao. Sabi naman ng iba, nakakapag-bigay daw ito ng supernatural na abilidad sa kung sino mang gagamit nito, na sa sobrang omnipotent nito, gusto itong makuha ng mga taong naniniwala na talaga ngang nag-eexist ito.

Chip, huh. So isa pala 'yon sa mga objectives ng organisasyong 'to. Naniniwala pala sila dito.

Dahan-dahan kong isinara 'yung pinto at napaupo ako sa kama ko.

I've changed my mind. Di na muna 'ko aalis. Not until I settle things with Exton.

Alam kong sa bawat araw na nananatili ako dito nanganganib ang buhay ko, pero hindi ako aalis hangga't hindi ko nalalaman ang totoo. 'Not everything is what it seems' 'ika nga ng iba. Alam kong may rason kung bakit nila nagawa 'yun. Besides, pakiramdam ko mas manganganib ang buhay ko kapag sinubukan kong tumakas sa kanila. They can track me down for sure. At baka patayin nalang nila ako pag nangyari 'yon.

Bumalik si Kuya Xerxes.

"Huh? Bakit? Anong problema?" Tanong ko sa kanya. Halata sa mukha niya na parang nagulat siya.

Ha! Sabi na nga ba. Sinadya niyang iwang nakabukas 'yung pinto.

Ngumiti ako, "Tara na! Nagugutom na ko." At saka ako lumabas ng kwarto. Pero nang madaanan ko siya, may binulong siya,

"That was your only chance. Now, welcome to CROW."

Nang sabihin niya 'yon, saka ko palang na-realize ang ginawa ko. Doon ko na-realize na isang malaking desisyon pala ang ginawa ko. Isang desisyon na pwedeng bumago ng buong buhay ko.

Natigilan ako, at lumingon ako sa kanya, "... thank you."

At nung araw na 'yon ay naging opisyal na miyembro ako ng CROW.

↢――――――↣

Kinabukasan, nagising ako nang may narinig akong nag-gigitara sa tapat ng pinto ng kwarto ko.

H-Harana?!

"I don't know why it's so hard to swallow our pride~ And I don't know how many wrongs make a right~"

Kaagad naman akong nag-ayos ng sarili,

"And I don't know which way the wind will blow~ But you're here with me..."

... at saka ko binuksan 'yung pinto.

"... and that's all I need to know~"

Deadly LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon