「ALLUSIA」
Nandito parin ako sa library, Well... kakatapos ko lang gumawa ng assignment at nagpapalaming lang ako, ang lakas kasi ng aircon dito.
Alas-syete na ng gabi pero hindi parin ako umuuwi, dahil sa tinatamad ako at nagbabakasakali na may malamang impormasyon.
Gusto ko paring makilala kung sino ang nasa likod ng mga hinala ko. Nakakatakot ang aking ginagawa ngunit maraming masasaktan at mamatay kapag ito ay nagpatuloy pa at hindi ko naagapan.
Busy ako sa pagbabasa ng maramdaman ko na may humatak ng katabi kong upuan. Hindi ko na sana papansinin pero nanigas ako sa kinakaupuan ko nang narinig ko ang malamig niyang boses.
"Allusia," Hindi kami close, hindi ko rin siya dapat pansinin pero may kung ano sa boses niya na dahilan kung bakit ko siya nilingon at tinaasan ng dalawang kilay, sign na tinatanong ko siya kung ano ang kailangan niya. Hindi siya nag-react o nagsalita man, kaya tinanong ko na siya.
"Bakit?"
"Wala lang, try lang. Baka hindi ikaw 'yan e." Pagkasabi niyan ay umupo siya sa katabing silya ko.
"Ano bang akala mo sakin, multo?" Sa pagkakaalam ko hindi naman ako mukhang multo, mukha pa namang tao.
"Pwede~ Kasi ang alam ko may nagpakama―" I cut him off, natatakot na ako, tumaas na ang mga balahibo ko.
"Oo na mukha na akong multo! Tama na, okay? Why are you here, huh? Just to scare me, Zekihel?" I said, pissed.
"Takot naman pala, nagmamatapang pa. Tss." He murmured.
I reacted as he continued talking, "Ano bang paki mo kung nandito ako?"
Tumingin siya sakin at nag taas ng isang kilay. Bakit ko nga ba itinatanong? Kasi... kasi anong oras na kaya! Tama, tama 'yon lang ang rason.
"Kasi... gabi na!" Napalakas yata ang sigaw ko kaya siya ay napa-atras ng konti.
"Bakit concerned ka sakin~?" Mapang-asar na tono ang gamit niya ng sabihin niya ang mga linyang iyan, sinabi ko bang 'sabi'? Siguro 'akusa' na ang maitatawag doon.
"No I'm not!" Sabi ko napatingin ako sa may bintana kitang-kita ang buwan na napakaliwanag, napatingin ako kay Zekihel na ngayo'y nakatingin na din sa may bintana na nagpapakita ng magandang imahe ng buwan. "Zekihe―" Ngayon, siya naman ang pumutol sa dapat kong sabihin.
"Ang liwanag." Hindi ko alam kung bakit pero sa simpleng salita na sinabi niya ay napanganga ako, ngayon ko lang nakita ang side ni Zekihel na namangha sa isang bagay, dahil nasanay ako na sa sarili niya lang siya namamangha.
"Wag kang tumitig ng ganiyan, I know I'm handsome but it will never change even if you stare at me like that."
"Ang kapal grabe!"
"Gwapo naman." Ganti niya pa.
"Mayabang." I said.
"Masungit." Sagot niya.
"Mayabang! Ulit?" Sabi ko nalang. He smirked. "Ayan lang ba masasabi mo?" Pang-aasar niya pa.
"Uh... conceited?" I asked. "Thank you." Sagot naman niya.
"Hoy hindi compliment yun!"
Habang tumatawa ako, napansin kong napangiti siya. Kaya napangiti din ako.
"You smiled!" Sabi ko habang nakaturo sa mukha niya. Nag-poker face naman agad siya. "Guni-guni mo lang 'yun. Tss." Pagtanggi niya. Hindi na ako nangulit pa dahil seryoso na ulit si Zekihel.

BINABASA MO ANG
Deadly Liberator
Mystery / Thriller[TGL] "Liberator" - ˈlibəˌrādər/ A person who liberates a person or place from imprisonment or oppression. Taong 2030, dala ng pagiging moderno ng panahon, nagsimula na rin ang imbensyon ng mga bagay na makakapag-bigay ng kakaibang lakas sa taong ma...