PHASE 24: Retribution

28 1 0
                                    

CONTENT WARNING: Torture

↢――――――↣

「ALLUSIA」

"Aim for the target!"

Huminga ako ng malalim bago hawakan ng maigi 'yung baril ko. Come on Allusia kaya mo 'to.  Tinignan ko 'yung human-like-target na nakatayo sa gitna ng trainig hall. Well, mukha talaga siyang tao pero hologram lang siya. Sabi sakin ni Steph si Hermy daw ang nag-cocontrol dito. Nung mga unang araw ng training ko mga dummy lang ang gamit namin pero ngayon iba na.

At kapag sinabi kong iba na. Ibig sabihin mas mahirap nang kalabanin dahil ito, gumagalaw na ng kusa para makaiwas sa tama ng bala, gaganti pa siya sayo. Isa itong A.I. na kontrolado ni Hermy. Sa bawat technologies na nakikita ko dito sa CROW mas lalo akong napapanganga.  Paano namang hindi diba? Eh ngayon nga kaharap ko 'yung isa sa mga inventions nila.

"Allusia! Nakikinig ka ba?" napaigtad ako ng biglang mag-salita si Steph malapit sa tainga ko.

"Nakakainis ka!" Sigaw ko sa kanya pero nginitian niya lang ako na para bang inaasar niya ako.

Itinuro niya 'yung target ko kaya naman inis akong bumaling ng tingin doon. Mas lalo akong nainis dahil nanghihinayang ako sa itsura nung hologram. Ang gwapo kaya niya! Para talaga siyang totoo.  Bumuntong hininga ako saka hinawakan ng maayos ang baril ko. Itinutok ko na doon sa hologram 'yung baril na hawak ko pero nagulat ako ng ngumiti siya. Bakit siya ngumingiti?!

Inangat na din nung hologram 'yung baril na hawak niya. Kahit na hindi totoo nakaka-tense pa rin kasi para talaga siyang totoo. Hindi ko alam kung paano pero ang sabi ni Steph sakin kahit daw hindi siya totoo mararamdaman mo 'yung impact ng balang tatama sa katawan ko. Hindi naman daw siya masakit. Para lang daw may dumaan na hangin sa katawan ko. Ipinutok ko na ang baril na hawak ko pero nagulat akong may biglang humarang na pader sa harap ko.

"Ano 'to Steph?! Bakit may ganito?!" Narinig ko 'yung boses ni Steph na tumatawa. Arrrrgh! Wala naman siyang binanggit sakin na ganito ah!

"Sorry Allusia I forgot! Nawala sa loob ko eh. But anyways, this additional wall may help you. Gamit ang mga pader na 'yan mararamdaman mo na para ka talagang nasa isang laban. And by the way, good luck Allusia!"

Napapadyak ako sa inis. Bwiset! Napag-lalaruan na naman ako nung Stephenson Holbrook na 'yun!  Nagulat ako ng may biglang dumaan na hangin sa gilid ng mukha ko. What the?! Hindi pa ako ready! Tumakbo ako sa likod ng pader para mag-tago.

Sa mga araw ng lumipas natutunan ko na kung paano maging mabilis. Sa ilang araw na 'yun, nararamdaman ko na bumibilis na 'yung reflexes ko. Which is, sabi ni Steph nakakabilib daw kasi sandali pa lang naman na daw ako nag-tetraining. Bahagya akong sumilip at nakita ko na nakatayo mula sa malapit 'yung hologram kaya kinuha ko na 'yung pag-kakataon na 'yun para lumabas sa tinataguan ako at inasinta 'yun at saka pa lang pinagbabaril.

Napangiti ako ng makita ko na tinamaan ko naman 'yung hologram. Pero nagulat ako ng bigla ding umatake 'yung hologram kaya napayuko ako para hindi ako matamaan. Arrrgh! Muntik na ako dun ah.

"Humanda ka sakin Steph pagkatapos nito. Hindi mo man lang ako sinabihan ng mas maaga!"

Gumulong ako papunta doon sa may malapit na pader at saka tinignan kung ilang bala pa ang natitira. 7 bullets? Ang sabi sakin ni Steph limang beses ko lang daw kailangan tamaan 'yung hologram para tuluyan na 'yung mawala.

"Kaya mo 'to Allusia!" Lumabas ulit ako sa pinag-tataguan ko pero nagulat na lang ako ng biglang namatay lahat ng ilaw. "

"Ano na naman ba 'to Steph?!"

Deadly LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon