「THIRD PERSON」
Nilapag ni Exton ang tray ng pagkain sa harap niya.
"Ares... Salamat..." Ikinagulat ni Exton na kaagad siyang nakilala ng binata, kahit na naka-blindfold ito. "Akala ko ba... si Allusia ang maghahatid ng pagkain ko ngayon?" Tanong nito.
"At bakit ko naman hahayaang lumapit si Allusia sayo? You freak." Sagot ni Exton, habang tinatanggal ang tela na nakatakip sa mga mata ni Spence.
Nakatali si Spence sa isang upuan, at tinatanggal lang ang blindfold niya kapag talagang kailangan niyang makakita. Nakakulong siya sa kwarto kung saan dating ikinulong si Allusia.
"Ah... sayang naman... Inaasahan ko pa namang makita si A―"
"Isang salita mo pa at puputulin ko 'yang dila mo gaya ng pagputol mo sa dila nung babaeng pinatay mo."
Tumawa si Spence, "Ano bang problema sa ginawa ko? Kung tutuusin nga dapat pasalamatan niyo pa 'ko."
"May plano tayo pero gumawa ka ng sarili mong plano. Nilabag mo ang utos ni Master." Umalis na si Exton sa silid at muling ikinulong si Spence.
↢――――――↣
「ALLUSIA」
Ilang araw ko nang solo itong kwarto ko. Mula nung ikulong nila si Spence sa ibang kwarto, medyo gumaan ang loob ko dahil mag-isa nalang ako dito.
On hold ang operations ng org. sa ngayon, dahil sa ginawa ni Spence. May batas daw kasi dito na bawal kang kumilos ng may sarili kang plano.
"Allusia, fetch me a can of soda." Utos sakin ni Hermy. Nandito ngayon si Hermy sa kwarto ko dahil inaya ko siya. Boring din kasi dito dahil ako nalang mag-isa. Karamihan sa liberators may kanya-kanyang mga lakad kaya si Hermy lang talaga ang patuloy sa pagtatrabaho.
Si Hermy 'yung tanging liberator na hindi mo makikita sa frontlines ng labanan. In fact, kung kalaban ka, never mo siyang makikita. Siya ang in-charge sa lahat ng bagay na related sa mga equipment namin, sa pag-track ng location ng kalaban, sa pag-gather ng data tungkol sa gobyerno, at sa pag-imbento ng iba't-ibang technologies na makakatulog sa CROW.
"Anong fetch? 'no 'kala mo sakin, aso?" Sagot ko.
"Tch." Sinarado niya yung laptop niya at niligpit yung mga gamit niya, "Edi aalis nalang ako."
"J-Joke lang! Ito naman 'di mabiro e..." Sabi ko sabay tayo at lumabas ako ng kwarto.
Saan nga ba yung pinakamalapit na vending machine dito...? Kasi naman ang laki-laki na nga nung building, ang dami-dami pang paliko-liko. Pero teka... kung ganito ang architecture nito, halatang puro extension ang ginawa dito. Posible na nagsimula lang ito bilang isang maliit na building, tapos unti-unting pinalaki. Ah basta, nakakaligaw!
Kakahanap ko ng vending machine, napadpad ako sa tapat nung kwarto kung saan ako kinulong dati.
"Dito nakakulong si Spence ngayon..."
Ilang gabi ko na iniisip kung bakit ginawa ni Spence 'yon. Sinusubukan kong paniwalaan na baka naman may magandang rason kung bakit niya nagawa 'yun.
BINABASA MO ANG
Deadly Liberator
Mystery / Thriller[TGL] "Liberator" - ˈlibəˌrādər/ A person who liberates a person or place from imprisonment or oppression. Taong 2030, dala ng pagiging moderno ng panahon, nagsimula na rin ang imbensyon ng mga bagay na makakapag-bigay ng kakaibang lakas sa taong ma...