「KEITH」
Simula nang dumating siya dito, ang dami nang nangyari. Parang kahapon lang napakapayapa pa nitong paaralang ito pero ngayon ang daming nagbago. Ang daming nawala. Ang daming namatay.
Unti-unti na ring kumokonti yung mga estudyante na pumapasok dito. Natatakot na sila. Di ko naman sila masisisi.
Ano ba talagang gusto nila? Balak ba nilang kitilin ang lahat ng buhay na mayroon sa paaralang ito?
Hindi ako makapaniwala.
Lahat ng buhay sa mundo ay gawa ng Diyos na maykapal. Kahit na may malaki itong kasalan ay may karapatan pa rin itong mabuhay at tanging ang Diyos lamang ang kayang kumuha nito. Wala silang karapatan na kuhanin na lamang ito basta-basta.
Ano sa tingin nila sa sarili nila? Mga Diyos? Pumapatay ng mga inosenteng tao at ano ang dahilan?
Dahil ba gusto nila o talaga bang...
... may mas malilim pang dahilan?
Ano't ano pa man, kahit pag-bali-baligtarin mo man ang mundo hindi pa rin mawawala ang pag-kamuhi na nararamdaman ko para sa kanila.
Kung may nakakaalam na siya ang pumatay sa aking pinakamamahal na kapatid ay aking nababatid na ang kanilang iisipin ay doon lamang nagmumula ang galit ko pero hindi. Marami ng napapabalita na nangyayaring massacre sa iba't ibang lugar.
At noong nagsimula ang mga bali-balitang iyon ay parang may umusbong na galit sa aking dibdib.
Hindi sa sinasabi kong ako ay santo sa kabaitan o kung ano pa man. It's all because all people in the world have a right to live, ika nga ng iba.
Paano na lamang ang mga naiwang mahal sa buhay ng mga taong iyon? Ano na lamang ang mangyayari sa kanila?
Pero lahat ng tanong ko noon sa aking isipan ay nabigyan ng kasagutan.
Dahil namatay siya. Namatay ang aking kapatid at hindi lang siya ang sinisisi ko sa nangyari dahil alam ko sa aking sarili na mayroon din akong kasalanan.
Kung hindi dahil sa akin ay buhay pa sana siya...
Isang malamig na ihip ng hangin ang parang yumakap sa buo kong katawan. At sa aking palagay ay hindi ako nag-kakamali sa aking hinala. She's watching over me. I looked at the sky and smiled.
'I love you my princess.'
Kanina pa ako narito sa parte ng paaralan kung saan maraming halaman ang nakatanim. Nakakapag-pagaan ng pakiramdam na mapalibutan ka ng napakaraming makukulay na bulaklak at luntiang halaman.
"Hello Sir Keith!!" Napalingon ako sa taong nag-salita.
"Hey, Hermes. What brings you here?" Tanong ko sa kanya.
"I just wanted to relax and I found this place." Umupo siya sa tabi ko at tuwang-tuwang pinag-mamasdan ang mga ibong naglalaro sa himpapawid.
Tahimik lang kaming na nakaupo pero parang may nagtulak sa akin upang tignan ang aking orasan. At nanlaki ang mga mata ko ng makita ang oras.
Fuck this life!! I'm late!!
Nag-aalinnlangan pa akong tumayo subalit kailangan ko na talagang lumisan. "Where are you going Sir Keith?" tinignan ko muna siya bago sumagot. "I need to go to my next class." Sabi ko sa kanya.
"Is that so?" Tumango ako sa kanya habang siya naman ay tumayo sa kinauupuan niya.
"I'm sorry but we're not sorry, Sir Keith." Para akong kinilabutan sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?
![](https://img.wattpad.com/cover/49278334-288-k655251.jpg)
BINABASA MO ANG
Deadly Liberator
Misteri / Thriller[TGL] "Liberator" - ˈlibəˌrādər/ A person who liberates a person or place from imprisonment or oppression. Taong 2030, dala ng pagiging moderno ng panahon, nagsimula na rin ang imbensyon ng mga bagay na makakapag-bigay ng kakaibang lakas sa taong ma...