PHASE 22: Training

48 2 4
                                    

「ALLUSIA」

"I'm here to inform you about your training." Inform? Bakit siya pa? Wag mong sabihing mahirap lang siya, ang gagara ng damit niya tapos wala man lang siyang secretary or messenger?

"A-Ano pong t-training?" Kabadong tanong ko. Ano ba kasi yun? Di pa naman ako marunong sumayaw, panget rin boses ko baka mapahiya ako sa mga liberators!

"Practice for..." huminto siya saglit at bumuntong hininga,

"...killing."

What?! No way... Ayokong pumatay!

'Pero nakapatay ka na , Allusia'

Hinawakan ko ulit ang doorknob tsaka ito inikot at pumasok ako sa loob ng kwarto at padabog na sinara ang pinto tsaka ko ito ini-lock. Hingal na hingal akong sumandal sa pinto. Shocks, ano ba itong pinasok mo Allusia? Tsaka wala ka bang manners?

Argggh! Nakakabaliw dito! Sinabuntan ko ang sarili ko tsaka tinampal tampal, feeling ko baliw nako.

"Dapat hindi mo ginawa iyon." Natigil ako sa pananakit sa sarili ko noong nagsalita si Spence. "Nirerespeto siya ng lahat, hindi niya deserve na pag-bagsakan ng pinto." Pag kasabi niya ng mga iyon ay humiga na ulit siya sa kama niya at mukang matutulog ulit.

Bakit parang na-guguilty ako? Bakit parang may bumubulong sakin? Shocks, what's happening? Nababaliw na ba talaga ako? Baka nga! Wahh! Ayaw ko na sa kwarto na 'to!

Inikot ko ulit ang doorknob tsaka lumabas, pero pag labas ko nakita ko si master , oops ! Wrong move. Pinagtaasan ako ng kilay ni master. Shocks, anong sasabihin ko?

"H-hi p-po hehe..." Napangiwi ako sa sinabi ko, pwedeng mas magalit siya sakin dahil sa pinagsasabi ko, ang tanga mo talaga mo Allusia.

"Look, I'm not here to―" Hindi niya tinuloy ang dapat pagtataas ng boses niya. Tumingala siya at pumikit para bang tinatanggal ang init ng ulo niya. Maya-maya ay dumilat siya tsaka siya tumingin sakin, at hinawakan ang balikat ko. Napatingin rin ako sa mata niya. Wala akong makita doon, blangko ang mata niya. Lagi bang ganito ang mata niya? Parang walang kasiyahan.

"You will kill people, understood?" Parang na hypnotize ako doon sa mata niya at napatango na lamang.

"That is an order."

"..."

"Now let's go." Nagsimula na siyang maglakad saka ako sumunod sa kaniya. Ganito ba talaga siya sa lahat? Imagine siya ang master tapos inihahatid niya ako?

Masama ang pumatay, kaya ayaw kong pumatay. Pero parang may nagsasabi sa akin na ito'y tungkulin ko na, pinasok ko ito kaya tatapusin ko ito. Sa buong buhay ko hindi pa ako naging sobrang responsible, ni hindi ako makapagdesisyon para sa sarili ko, hindi ko parin kayang tumayong mag-isa. Tumatanda ako, kailangan matutunan ko na ang mga iyon, kailangan ko nang mag-mature at kailangan ko nang harapin ang mga takot ko.

Pero... ano nga ba ang tama?

Nakarating kami sa open field ng aming H.Q., napakalaki halos hindi ko na matanaw ang dulo. Meron palang ganito dito? Bakit kasi di ako lumilibot!

"Good morning Master, hi Allusia." napatingin ako sa nagsalita nandoon si Steph kasama si Hermy. Tinanguan lang sila ni Master. "Good morning din." kinawayan ko rin siya tsaka ako lumapit kay Hermy at kinurot kurot ang pisngi niya. "Stop that Althaus." Saka tinampal ang kamay ko at lumayo. "Sungit." Bulong ko.

"Hello Master, hello sayo Allusia!" Dumating si Azmarie hatak-hatak si Chase, na tipsy na. As always lasing nanaman. Tinanguan lang rin sila ni Master. Nginitian ko na lang sila. Ilang minuto narin ang nakalipas may dumating nanaman "good morning" bati niya tsaka tumango kay master at saka siya tumingin sakin, bahagya ko siyang nginitian.

Deadly LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon