「ALLUSIA」
'Bakit may dugo? Tsaka totoo ba yung babae na nakita ko? Di ba ako namamalik-mata? Kung totoo, sino yung babae kagabi? Bakit parang may iba sa kanya? Bakit parang nakakatakot siya at may aura na kakaiba? Sino siya?'
Umalis na kami ni Ria kaagad kagabi, at di ako nakapasok sa loob ng classroom kung saan may tumalsik na dugo. Ngayong umaga, wala akong nabalitaan mula sa klaseng 'yun. Normal lang sila, parang walang nangyari.
Malinis ang buong silid nila. Walang kahit anong bakas ng pagpatay. Pati yung dugo sa pinto, nawala.
Pero, isa lang ang nasisiguro ko. Hindi ilusyon ang lahat ng 'yun.
Nagpunta ako sa classroom na 'yun kanina. Tinanong ko kung may absent ba sa kanila, or kung may classmate silang nawawala. Dahil upperclassman naman nila ako, nagpakabait naman sila at sinagot ako ng maayos.
Sinabi nila na meron nga silang kaklase na hindi pumasok, at sinabi rin ng magulang nito na hindi pa siya umuuwi mula kagabi. Pero dahil mga first-years palang sila, kaagad nilang in-assume na naglayas lang yung nawawala nilang kaklase.
Isang delinquent daw kasi yung kaklase nila na 'yun. Kaya naisip nila na baka sinadya lang niya na hindi umuwi.
Hindi 'to matatawag na isang coincidence. 'Yung massacre sa mental, 'yung alam ni Sir Keith, 'yung alam ni Zekihel, 'yung babae kagabi... sigurado akong konektado ang lahat ng 'yun.
Pero sa kabila ng mga nangyayari ngayon, kailangan ko paring maging positive. Hindi dapat ako magpaapekto. Kailangan kong umarte na para bang walang nagyayari. Na para bang wala akong nalalaman tungkol sa mga nangyayari ngayon.
Dahil baka hindi ko alam, may tao na pala na nagmamasid sa akin.
Napatingin ako sa upuan sa tabi ko wala pa si Zekihel. Nasan na kaya yung pinanganak sa mental na lalaki na 'yun? Teka, bakit ba iniisip ko siya? Baka dahil pinaghihinalaan ko siya, oo tama! Pinaghihinalaan ko lang siya saka kahinahinala naman talaga siya e diba?
Naalala ko yung pangalan niya, Pffftt--- hahaha! ZekiHELL BIRTH-MENTAL? Kahina-hinala talaga, pangalan palang.
Nasira yung pagmumunimuni ko dahil sa lakas ng sipa sa pintuan ng isang lalaki. "Goodmorning~!" Ngiting-ngiti si Zekihel. Mukhang good mood. Kaso... biglang naging expressionless ang mukha niya. Bipolar. Lakas maka-pokerface parang walang ginawa?
Di ko nalang siya pinansin. Umupo na rin naman siya sa upuan niya.
"Goodmorning." Tinignan ko siya para malaman kung sino yung kausap niya. Nagulat ako kasi nakangiti siya sakin. Ako ba sinasabihan niya?Ngumiti nalang rin ako pabalik, bigla naman siyang nagpoker face. Yung totoo? Trip niya ba'ko? Inirapan ko siya at nakinig nalang sa teacher. Sayang oras ko kung ilalaan ko lang sa lalaking pinanganak sa mental.
Madaming nangyari sa buong araw, pero isa lang ang masasabi ko. Boring. 'Yan ang best description. Totoo naman diba?
At sa buong araw hindi na ako tumingin kay Zekihel at di ko na rin siya kinausap. Tumingin nga di ko magawa, makipag usap pa kaya. Biglang tumunog ang bell. Sa wakas uwian na! Nagsitayuan ang lahat at umuwi na.
Kinuha ko na ang gamit ko kaso may humawak sa braso ko.
"Allusia." Hinarap ko siya, Anong problema nito?
"Bakit? May problema ba Ria?" Tinignan ko siya at binasa ang isip niya pero... pfftt― Hahaha! Sila Grizzly, Panda, at Ice Bear lang ang nakita ko. Ang hilig talaga sa cartoons nito.
"Wala. Ayos ka na ba?" Nag-aalala ba siya? Natural bestfriends kami e.
"Oo naman!" Ngumiti ako ng mas malapad sa kanya para ma-convince ko siya.
BINABASA MO ANG
Deadly Liberator
Mystery / Thriller[TGL] "Liberator" - ˈlibəˌrādər/ A person who liberates a person or place from imprisonment or oppression. Taong 2030, dala ng pagiging moderno ng panahon, nagsimula na rin ang imbensyon ng mga bagay na makakapag-bigay ng kakaibang lakas sa taong ma...