PHASE 18: Reward

39 3 1
                                    

「ALLUSIA」

Kitang kita talaga ang gulat sa mga mukha nila. Ano nanaman ba talaga to?

"Ano, meron ba?" Waaaah! Kung meron gusto kong makilala!

Tumingin sakin si Exton, parang na-bwisit. Ano nanaman ginawa ko? Nagtatanong lang naman ako ah! "Pakialamera, wala ka na doon." tumalikod na siya at umalis.

'Pakialamera'

'Pa-special'

Ano pa ba? Ano pang itatawag nila sakin?

Akala ko part na ako ng kung ano man 'tong organisasyon na to. Pero ngayon napag isip-isip ko na marami pa akong hindi alam, marami pa silang sinisikreto sakin at marami rin akong hindi pwedeng malaman. Saling kit-kit lang naman ako. Wala akong karapatan. May isa pa akong napagtanto... Hindi pa buo ang tiwala nila sakin at hindi ako tanggap sa organisasyon nila.

Pero sa totoo lang, ayoko din namang maging parte ng organisasyon nila e. Ayokong maging kriminal. Hindi ko magagawang pumatay ng tao. Talagang wala lang akong magawa sa sitwasyon ko ngayon.

Tumingin sakin sila Steph at Azmarie na parang humihingi ng paumanhin ang mga tingin.

Walang nagsasalita kaya ngumiti nalang ako sa kanila.

"Sorry, curious lang. Sige una na ako." Sa pag talikod ko biglang pumatak ang luha ko.

Bakit ganon? Pag si Blythe yung nagsasabi ng masasamang salita laban sakin, ayos lang naman kaya ko pa. Pero bakit pag dating kay Exton parang ang sakit. Para akong sinaksak.

Huminga ako ng malalalim saka binulungan ang sarili "Allusia masanay ka na dapat, wala talagang puso yung lalaki na yun."

Pinahid ko ang luha ko na nakatakas at nagpatuloy nalang sa paghahanap ng Faculty room.

Leche, nasaan na ba yun?

Sa tagal ng paghahanap ko sa wakas nakita ko na din yung bwiset na faculty room. Pag katapos ko sa doon ay dumeretso muna ako sa wash room. May nakita akong babae na nakatalikod.

Tinignan ko yung mukha niya sa salamin, nang mag tama yung mga titig namin, bigla akong kinalibutan lalo na nung nag-smirk siya. Woah.

"Ikaw, ulit." Sabi niya habang naka smirk. Katulad kanina sa clinic, una parang may black aura siya pero napalitan agad ng sweet.

"A-Ah o-opo, miss n-nurse a-anong ginagawa n-niyo r-rito?" Bakit ba kinakabahan ako? Si ate nurse naman 'to! Ano nga palang pangalan niya? Luna?

"Oh, pardon?" Sabi niya na parang out of the blue yung tanong ko.

"Sorry miss, I mean diba dapat sa faculty washroom kayo?" Napayuko ako sa kahihiyan. Ano ba naman ang lumalabas sa bibig mo Allusia?

"Ah, Ayun ba? Madami kasing teacher. Kaya dito nalang. By the way, I need to go." Sinundan ko siya ng tingin hanggang mawala na siya sa paningin ko.

Hay! Araw ba ng ka-weirduhan ngayon?

Hindi ko nalang ulit inisip 'yon at bumalik na ako sa classroom. May kukulitin pa akong Ria Version 2.0 hahaha! Kailangan ko din 'to nang makalimutan ko yung bwiset na Exton na 'yun.

Nasa may pinto palang ako ng classroom, nakikita ko na si Rafferty na nakadukdok. Umupo agad ako sa tabi niya. Let's start!

"Hi Rafferty! Pwede bang Raff nalang tawag ko sayo?" Masigla kong tanong.

Di siya umimik o kaya tumango manlang, nakadukdok pa din. Aba! Hindi ako ginanyan ni Ria! At dahil makulit ako, kinausap ko ulit siya.

"Okay, silence means yes kaya Raff na ang tawag sayo! Saka friends na tayo! Pag 'di ka pa sumagot friends na talaga tayo!" Konti nalang Allusia...

Deadly LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon