PHASE 11: Welcome to CROW

37 5 0
                                    

"You fucking lied to me!"

"E-Exton..." Tama siya. Nagsinungaling ako sa kaniya. Sinakyan ko ang kasinungalingan ni Ria. Kasalanan ko 'to.

Dahan-dahan niyang binaba ang kamao niya. "P... Pasensya na... Nadala lang ako ng emosyon."

Napaluhod ako dahil sa sobrang higpit ng pagkakasakal niya kanina. Paglingon ko, nakita kong tinulak niya si Ria. "Fuck you! Dahil sayo, pwede akong matanggal sa org! Bakit ka ba kasi nakikialam?!"

"Exton!" Sinubukan kong tulungan si Ria pero tinulak lang ako ni Exton palayo. "Kasalanan ko 'to, 'wag mong idamay si Ria! Ginawa niya lang 'yun para sa kapakanan ko... ako nalang ang sisihin mo..."

Hindi niya ako pinansin.

"Exton... Pumatay ka ng tao..." Bulong ko.

Tumalikod siya sa akin.

"Exton... di ako makapaniwalang... ginawa mo 'yun..." Mangiyak-ngiyak kong sinabi.

"Naiintindihan mo ba ang sitwasyon, Allusia? Tingin mo, bakit ko pinatay si Keith?"

"H-Huh?"

"Dahil isa siyang witness! Nakita niyang pinatay ko ang kapatid niya! At lahat ng witness, pinapatay. No exceptions, Allusia." H-Huh?! Edi... pati ako?! Hala... witness ako... diba? Dahil... sinabi sakin ni Exton ang tungkol sa organisasyon nila, at nakita kong pinatay niya si Sir Keith.

"I-Ibig sabihin..."

"Nasa panganib ang buhay mo ngayon... pero... hindi ko hahayaang may gawin silang masama sayo." Bulong ni Exton, saka umalis.

Tinulungan kong bumangon si Ria, "Ria... alam kong pambabae ang pangalan mo pati ang nickname na bigay ko sayo, pero lalaki ka. Kaya sana naman, lumaban ka. Bakit hindi mo man lang dinepensahan ang sarili mo kay Exton?" Tanong ko sa kanya.

"Tanggap ko naman na mali ang ginawa ko. Tama lang na saktan niya ko." Ngumiti siya.

Hindi na 'ko nakasagot pa. Tama ang sinabi niya pero... ayoko lang na nakikita siyang ganito. Defenseless. Hindi lumalaban. Hinayaan niya lang si Exton dahil alam niyang mali siya.

Naglakad na ako pauwi. As usual, ginabi ulit ako.

Nag-ring ang cellphone ko, "Unknown number? Sino naman kaya 'to?" Kaagad ko naman itong sinagot. "Uh... hello--"

May nagsalitang babae, "Umilag ka." Huh?

"A-Ahhh!!" Napasigaw ako nang biglang may tumamang malakas na pwersa sa likod ko. Napaluhod ako. "S-Sinong..." Tumingin ako sa likod ko pero wala namang tao. Bigla naman akong nakaramdam ng presensya sa harapan ko. Pero bago pa 'ko, makalingon, hinawakan nito ang mukha ko. Hindi ako nakagalaw; para bang na-stuck ako sa posisyon na 'yon. Nanlamig ang buong katawan ko at hindi ako makalayo.

Nadinig kong tumawa siya ng mahina; isang babae.

"LUMAYO KA!!" May isa pang babae na sumigaw mula sa likod ko at biglang inatake 'yung babae kanina. Blonde ang buhok niya at may hawak siyang dalawang nag-aapoy na double bladed dagger. Patuloy niyang sinusubukang saksakin 'yung babae kanina na mabilis naman siyang naiilagan.

"Tch." Bulong nung blonde na babae.

"Hindi pa ngayon ang tamang panahon... Magkikita pa tayo muli." Sinabi nung isang babae na nakasuot ng mahabang damit na hindi naaayon sa panahon ngayon at may hood ito, kaya hindi ko nakita ang mukha niya. Bigla nalang siyang naglaho na parang bula.

"H-Huh?! S... Saan siya napunta?!" Sigaw ko.

Lumingon sakin 'yung blonde na babae at tinignan ako ng masama.

Deadly LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon