「Arthoria」
Nandito nanaman ako sa headquarters ng school. Member kasi ako ng student council, Vice President ako at sa ngayon ginabi nanaman ako dahil tinatapos ko pa yung mga papers para sa mga school events. Bwiset kasi na President yan, absent ng absent. Binoto pa kasi. Batugan naman yun.
Haaaay... kailangan ko pa palang pumunta ng faculty para mapaaprubahan 'tong ginawa ko. Swerte ko pag may tao pa dun.
Lumabas ako sa student council office para pumunta sa faculty room. Habang lumalapit ako, may narinig akong boses, ayos may tao pa.
"Sir Keith, gabi na ah. Ang sipag mo naman, prof."
Teka... parang kilala ko yung boses na 'yon. Dali-dali akong pumasok at nadatnan ko si...
"Zehikel."
'Di ako sigurado pero parang nasa isang awkward na position sila ni Sir Keith. Hindi yung awkward na parang may gagawing ano, yung parang aatakihin ni Zekihel si Sir Keith, pero 'di ako sigurado.
"U-Uh... Arthoria what are you doing here?" Tanong sakin ni Sir Keith.
"Ah― Sir papa-aprubahan ko lang po sana itong mga proposals ng student council." Sagot ko naman.
Nagulat ako nung biglang lumapit sakin si Zekihel at biglang umakbay.
"Oh, Ria, dude! Nandito ka pala!" Sabi niya sakin. Hala, close ba kami?
Ria? Bakit Ria ang tawag niya sakin? Tch, hindi kami close.
"Hindi tayo close, so don't call me Ria. Si Allusia lang ang tumatawag sakin ng ganon." Masungit kong sabi sa kanya.
"Tch, fine. Ano nga pala ulit ginagawa mo dito, Arthoria?" Tss, ang kulit.
"Papa-aprubahan ko nga 'tong mga papers!"
Pagkasabi ko non sinilip ko agad si Sir Keith. Ang weird ng ekpresyon niya. Ang weird ng mga kinikilos nila! Parang may kakaiba.
"A-Ah Arthoria give me the papers, I'll check it." Sabi ni Sir Keith.
Pumunta agad ako kay Sir Keith para iabot yung mga papers. Habang chini-check ni Sir Keith yung mga papers, napapansin kong madalas siyang tumingin kay Zekihel. 'Pag naman tinitignan ko si Zekihel, ngumingisi lang siya.
Hm? Totoo ba 'yung sinabi nilang Keith Bading?
"Arthoria, I'm done with the papers." Rinig kong sabi ni Sir Keith kaya na-interupt ako.
"A-Ah, thank you sir, aalis na po ako."
Pagkasabi ko non agad akong pumunta sa may pinto pero bago pa ako makalabas, may sinabi sakin si Zekihel.
"Ingat ka Ria."
Napahinto ako sa sinabi niyang 'yon pero agad din akong lumabas. Naguguluhan ako, ano ba yung kanina? Mag-ingat? Bakit kailangan kong mag-ingat?
Pagbalik ko sa student council office, kinuha ko na agad yung bag ko at dali-daling tumakbo para makalabas na ako dito at makauwi, gabi na din kasi.
Pagkauwi ko, umakyat agad ako sa kwarto ko at sinubukan kong matulog. Ang kaso hindi ako makatulog, parang napapaisip parin ako tungkol dun sa nakita ko kanina. May iba talaga eh! Kaso ano bang kinalaman ko do'n? Makikichismis lang?
Hay nako Arthoria tama na! Matulog ka na nga! Natatakot ako sa nararamdaman ko pero mas natatakot akong maging kamukha si Panda sa laki ng eyebags ko dahil hindi ako nakatulog ng maayos.
P-Pero diba mahilig si Allusia sa We Bare Bears...?
Argh, hindi! Hindi pwede! Papangit ako nito.
BINABASA MO ANG
Deadly Liberator
Misteri / Thriller[TGL] "Liberator" - ˈlibəˌrādər/ A person who liberates a person or place from imprisonment or oppression. Taong 2030, dala ng pagiging moderno ng panahon, nagsimula na rin ang imbensyon ng mga bagay na makakapag-bigay ng kakaibang lakas sa taong ma...