PHASE 12: Chain of Command

45 5 1
                                    

「ALLUSIA」

Bigla akong napalingon. Si Exton yung sumigaw. "Allusia..."

Umiwas ako ng tingin.

Pumatay ng tao... si Exton...

Lumapit sakin si Exton at hinawakan ang braso ko para pigilan akong umalis. "Mag-usap tayo."

↢――――――↣

Dinala niya ako sa garden ng headquarters nila. Nasa rooftop ito, at napakaraming mga halaman at bulaklak. May malaking fountain din sa gitna, at may mga benches pa.

Umupo kaming dalawa sa isa sa mga benches doon. Di ko mapigilang dumistansya sa kaniya. Natatakot ako sa kaniya.

"Hindi ko alam kung... paano ka nga ba napasok sa gulong 'to." Sabi niya.

Kasalanan ko, dahil patuloy akong nakialam dahil akala ko makakatulong ang psychic ability ko...

"Sorry, Allusia."

"H-Huh? Bakit ka humihingi ng tawad?"

"Dahil sa nakita mo kahapon. At dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ka pa mabubuhay." Sabi niya. "Tingin ko... talagang mali yung ginawa mong pagpatay pero... ginagawa mo lang yung trabaho mo, diba?"

Hindi siya sumagot.

Dahan-dahan akong lumingon kay Exton at nakita ko na... nakangiti siya?

"Allusia, just this once, kalimutan mo muna lahat ng nangyari. Let's act like we're normal people."

Hindi ko alam kung bakit niya sinabi yun pero tumango nalang ako.

"Tara na, nang makabalik tayo agad." Lumapit siya sa akin at hinala 'yung kamay ko paalis do'n sa lugar na 'yon.

"Huh? Saan ba tayo pupunta?"

"Kailangan mo ng kasama para makalabas diba?"

↣――――――↢

Nakatingin lang ako sa kamay niya na nakahawak sa 'kin. Totoo ba 'to? Kurutin niyo nga ako, baka kasi hindi 'to totoo.

"Exton... yung kamay ko..."

"What do you mean by that?" Heto na naman po tayo mga kaibigan nag-English na naman ang napakaputing labanos. "Pwede ba kapag ako ang kasama mo mag-tagalog ka na lang? Hello nasa Pilipinas po tayo, wala sa ibang bansa." Sabi ko sa kanya.

"Tss." Aba't loko 'to ah.

"Hay nako!! Tara na nga." Sabay hila sa kanya papunta sa lugar kung saan favourite kong tambayan kapag nagwawala ng 'yung mga bayawak ko sa tiyan.

"Hey, where are you taking me?" Bahala ka dyan hindi kita kakausapin hangga't hindi ka nag-tatagalog.

"Allusia, are you ignoring me?" 'Di ko parin siya pinansin.

"Allusia, answer me!" Napapatingin sa amin 'yung mga taong nadadaanan namin.

"Allusia Althaus!!"

"Ay kabayo! Ano ba? Bakit ka ba naninigaw?!" Huminto ako sa pag-lalakad at humarap sa kanya.

"Sinabi ko na sa 'yo, SAAN. MO. AKO. DADALHIN?!" Woah!! Improving, nagawa ko ng pasigawin ang isang Exton, dapat na ba akong mag-celebrate?

"Yay, Pilipino na siya!" Napatigil naman ako ng tignan na naman niya ako ng masama. Kita mo 'tong taong 'to hindi na mabiro.

Deadly LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon