「ALLUSIA」
"To be, or not to be: that is the question. Whether 'tis nobler in the mind to suffer. The slings and arrows of outrageous fortune, or to take arms against a sea of troubles and by opposing end them?"
"Very good, Ms. Althaus." Nagpalakpakan lahat ng mga kaklase ko pagkaupo ko. Ano ba'ng magaling doon? Na-recite ko lang naman yung pinaka-famous na line sa Hamlet ah. Dahil ba kay Shakespeare 'yun? Haays, ewan.
'Di naman ako magaling sa ganitong mga bagay. In fact, di naman ako magaling sa kahit ano.
Average student lang ako. Cliché 'no? Hindi gaanong kilala. Hindi rin ako nakaka-attract ng atensyon dito sa school. Kumbaga, isa lang akong normal high school student. Yung tipong bida sa isang nobela kung saan mahahanap nung bida yung prince charming niya, tapos mamumuhay sila happily ever after?
Well, ganun sana. Kaso totoong buhay 'to at may supernatural powers ako.
Nakakabasa ako ng mga isip. Telepathy, kumbaga. Ewan ko ba. Pinanganak palang ako, nakakabasa na ako ng mga isip.
At dahil dito, well, wala akong gaanong kaibigan.
Desisyon ko naman 'yun e. Desisyon ko na lumayo sa mga tao. Minsan kasi, hindi ko mapigilan na basahin ang isip ng iba, lalo na pag nilalapitan nila ako. Nakikita ko kasi yung mga negatibong bagay na tumatakbo sa isip nila, kaya syempre, lumalayo na 'ko.
Nababasa ko din ang mga inner motives nila. Gaya nung isang beses na may lumapit sakin, nakikipagkaibigan siya. Pero nabasa ko sa isip niya na kaya lang pala niya 'ko nilalapitan, para hiramin yung Shakespeare novels ko.
Hmph. Bakit ba? Hindi ba downloadable sa internet 'yun? Pdf? Psh.
Tuwing may mga issue dito sa Verpole State University, lagi kong nalalaman kaagad ang lahat. Pero, di ko na kinakalat sa iba. Hindi ko rin naman pwedeng sabihin sa mga professors ang nalalaman ko kasi, wala naman akong ebidensiya.
Kaya, sinasarili ko nalang. Ayoko din naman ma-involve e.
Biglang may kumalabit sakin. Pagkalingon ko, si Ria pala.
"Oh bakit, Ria?"
"W-Well... ano kasi... nasa'yo parin yung libro ko."
"Ha? Anong libro?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. Libro? Pero wala naman akong hinihiram sa kanya na libro.
"Uhh, yung horror novel na hiniram mo kahapon."
"Horror novel― Ah! Oo nga pala!" Hinalungkat ko yung bag ko. "Eto," Inabot ko sa kanya yung libro.
"Haha! Sorry, makakalimutin talaga ako. Hahahaha! Haha... haaaa..." Naging buntong-hininga na yung pagtawa ko. E paano ba naman, seryosong-seryoso 'tong si Ria.
Ni minsan, hindi ko siya nakitang tumawa.
Nakakainis lang, bakit ba ang ulyanin ko? Epekto ng telepathy? Ganun ba 'yun?
Siya si Ria, bestfriends kami. Siya lang ang tanging nakakaalam tungkol sa telepathy ko.
For some reason, kapag binabasa ko ang isip niya, puro mga cute na bagay lang ang nakikita ko. Hahaha! Palagi siyang seryoso, pero deep inside, sweet siya and cute!
"Okay, class dismissed." Hay sa wakas.
Next class namin ay Physics. Kaso wala parin si Mr. Baring.
Pronounced as "bey-ring". Kaso yung ibang students, "ba-ring" ang sinasabi. Like what the heck, parang "bading" lang e. So yun ang palayaw ng iba sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/49278334-288-k655251.jpg)
BINABASA MO ANG
Deadly Liberator
Mystery / Thriller[TGL] "Liberator" - ˈlibəˌrādər/ A person who liberates a person or place from imprisonment or oppression. Taong 2030, dala ng pagiging moderno ng panahon, nagsimula na rin ang imbensyon ng mga bagay na makakapag-bigay ng kakaibang lakas sa taong ma...