「ALLUSIA」
Pagkatapos akong hilahin ni Exton, napadpad kami dito sa harapan ng isang malaking pintuan at sinalubong naman siya ni... Steph ba 'yon? Lumayo naman sila ng konti at parang may pinag-usapan pa. Aba! 'Di kaya ako 'yung pinag-uusapan nitong mga 'to? Maya-maya lang nakita ko na papasok na sila dun sa malaking pinto. Sabi sa'kin ni Exton, hintaytin ko nalang daw siya dito pero dahil nga curiosity kills the cat, sinundan ko sila. Buti nalang 'di nila masyadong naisara yung pinto dahil siguro nagmamadali.
Sinilip ko yung kwarto and WOW ang laki! Mas malaki pa 'to sa kwarto ko eh! Eto siguro yung King's Hall na nabanggit sa'kin kanina ni... Steph ba ulit 'yon? Ah basta! Sabay-sabay na naglingunan yung mga tao sa loob nung pumasok yung dalawa. Hah! Mga Diyos at Diyosa talaga 'tong mga 'to. Di nagtagal ay nawala na ang atensyon nila sa dalawa at nabaling naman 'don sa laptop na nakalagay sa gitna ng lamesa. Hmmm, weird. Bigla naman akong nagulat nung biglang may nagsalita.
"Good evening, liberators." Huh? Saan galing 'yon?
"Good evening, Master." Natawa naman ako nung nagharmonize yung mga boses nila. Aba! May talent!
Maya-maya lang, may tunog naman. Siguro galing 'yon doon sa laptop sa gitna! Nafi-feel 'ko e!
"The sole purpose of this meeting is to discuss the case of Ms. Althaus."
Agad naming nagpintig and tenga ko sa narinig ko. Ano daw? Ako? Bakit, anong ginawa ko? Dahil ba lumabas ako? Eh 'di ba kasama ko naman si Exton?
"... One of the main and basic commandments is that all of you are required to eliminate any witness, may it be a friend or family."
Eliminate? So... mukhang papatayin nga talaga nila ako. Biglang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa narinig ko. Di ko na naintindihan yung iba pang sinabi dahil sa gulo ng utak ko. Sinubukan kong pakinggan at intindihin baka sakali kasing may pag-asa pa ako. Baka kailangan ko lang na sumali sa organisasyon nila. Sa pakikinig ko, hindi ako nabigo dahil sobra ang saya ko dahil sa mga huling salitang narinig ko.
"... And I hereby declare that no one is permitted to kill that girl."
Huh...? Bakit...?
Bakit hindi ako pwedeng patayin? Gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko 'yon pero, bakit? Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pumasok ako para makahanap ng kasagutan.
"Bakit hindi nila ako pwedeng patayin?"
Nakita ko ang gulat sa mukha ng bawat isa. Hindi nila ako masagot, malamang sila din hindi alam kung bakit. Ang tanging nakakaalam lang ay ang taong nagmamay-ari sa boses ng nasa laptop na 'to kaya agad akong pumunta sa harap ng laptop. 'Di ko alam kung nakikita ba niya ako pero basta!
"Allusia! Anong ginagawa mo dito?!" Lahat sila sinesenyasan ako na lumabas na.
"Mawalang galang na po pero bakit hindi nila ako pwedeng patayin?"
"That, you don't really have to know." Sagot nung boses na nagmumula sa laptop.
"Kailangan ko pong malaman dahil ako po ang pinag-uusapan dito!" Medyo tumaas na ang boses ko. Hindi ko rin alam kung bakit.
"Allusia, stop that."
Natauhan nalang ako nung narinig ko ang cold niyang boses. Lumingon ako sa likuran ko kung saan nakita ko ang mga gulat pa rin na mukha nila at isang lalaking walang ekspresyon ang mukha.
"Okay, that's it for today. You'll all follow that rule, understand? Goodbye."
Biglang namatay ang laptop at kasabay nito ang pagtingin sa'kin ng lahat ng mga mata sa loob ng kwartong 'to. Medyo kinilabutan ako dahil sa mga tingin nila.
BINABASA MO ANG
Deadly Liberator
Mystery / Thriller[TGL] "Liberator" - ˈlibəˌrādər/ A person who liberates a person or place from imprisonment or oppression. Taong 2030, dala ng pagiging moderno ng panahon, nagsimula na rin ang imbensyon ng mga bagay na makakapag-bigay ng kakaibang lakas sa taong ma...