Zoe’s POV
*2nd day of school
Ako: Good Morning Friends! Oh? Jake. Andyan ka pala? Long time no see ah!
Jake: Good Morning rin Zoe. ^__^
Ako: Buti nakapasok ka na ngayon? Bat nga pala di ka pumasok kahapon?
Jake: Kakauwi ko lang kasi galing Korea, dun kami nagbakasyon eh.
Zyra: Teka? Tama na yan! Dapat ako lang muna yung kausap ni Jake ko. (sabi sakin) Miss na miss pa naman kita tapos sila agad kinakausap mo? *pout* (sabi kay Jake)
Jake: Ito naman! Selosa mo talaga! (sabay pisil sa cheeks ni Zyra)
Zyra: Jake naman e! Masakit yun ah!
Jake: Sorry Zyra ko. (then hug kay Zyra)
Jane: Nako! Nilalanggam na kayo.
Zyra: Hmp (irap kay Jane)
Jane: Hahaha. Tampo agad Zyra?
Ako: Hoy Yin! Kaharap mo na naman yang bestfriend mong libro! Tama na muna yan. Ikot tayo sa buong campus. Baka may nagbago.
Yin: Tss.. Fine.
Paalis na sana kami ng biglang may sumigaw kaya napahinto at napatalikod kami.
Josh & Shone: Hoooooooy!!!
Jane: Uy Josh and Shone? Bakit kayo sumisigaw?
Josh: San kayo pupunta.
Ako: Mag-iikot. Baka kasi may nagbago sa school eh.
Shone: Oo nga pala! May nakita kaming music room sa may 3rd floor.
Ako: Talaga? :D
Shone: Oo.
Ako: Talagang talagang talaga? :D
Josh: Ano balak mo Zoe? Uulit ulitin yang talaga nay an?
Ako: Tss.. Epal mo talaga Josh! (sabay irap)
Jane: Tara na! alam kong excited ka nang makita yun.
Ako: Hahaha. Tara ^__^
Pumunta naman kami agad sa may 3rd floor. Pero habang naglalakad kami, may narinig akong boses. Panlalaki yatang boses? Pero ang ganda. Ansarap pakinggan. Nang marinig ko yun, pinauna ko na lang muna sila sa music room.
Pumasok naman ako sa may dance room. Dun ko kasi narinig yung boses. Pero pagtingin ko, wala namang tao dun.
Ako: Sino kaya yun? Sigurado kong dito ko narinig yung boses na yun e. Ang ganda pa namang pakinggan. Tss.. Makapunta na nga lang sa Music Room. Baka hinihintay na ko nila Jane.
At umalis naman na ko. Pagpunta ko sa Music Room, Nagpapatugtog na sila habang kumakanta. Nanood lang ako sa kanila kasi napapaisip talaga ko kung kaninong boses yung narinig ko. Nakatambay lang kami sa Music Room. Hanggang mag-bell na. Pumasok na kami sa Room kasi baka malate pa kami. Mahirap na.. Baka maparusahan kami. At sakto namang dumating na si Ma’am Shi, ang teacher namin sa Filipino. At the same time, Adviser namin. ^__^ Mabait yan pagmabait kami. Pero sobrang istrikto kapag nagtuturo.
Ma’am Shi: Good Morning Class.
All Students: Good Morning Ma’am Shi.
Ma’am Shi: Okay, umupo na kayo. Meron pala kayong bagong classmate. Okay Come in.