Zyra’s POV
Yey! Its Saturday ^__^ Walang pasok. Pahinga muna utak. Hahaha.
*Riiiing!*
“Ano ba yan! Ang aga aga may tumatawag?” Kinuha ko naman yung phone ko at tiningnan kung sino yung tumatawag. Ay!? Si Jake pala.
“Hello Jake? Bat ka napatawag?”
“Zyra? Magkita tayo.”
“Sure. San tayo magkikita?”
“Sa Amusement Park.”
“Amusement park? Bakit? Anong meron?”
“A-aa, w-wala naman. Gusto lang kitang makasama.”
“Okay. ^__^ What time? Tyaka san tayo magkikita dun?”
“Three. Sa entrance. ”
“Okay. ^___^”
*toot toot*
Baba agad? Wala man lang I Love You? Ano kayang nangyayari dun? *pout* Makapag-ayos na nga lang. 1:30 na e.
Nag-ayos naman agad ako. Pagkatapos kong mag-ayos, sumakay na ko sa car ko at umalis na. Pagdating ko dun sa Amusement park, wala pa siya. Mukhang napaaga ako sa usapan namin ah? Tiningnan ko naman yung watch ko. At ayun! Ang aga ko nga -___-
“Nakooo. 2:30 palang pala.”
“Zyra!”
Napatingin naman ako sa kaliwa pero wala. Tumingin din ako sa kanan pero wala din. Pero may biglang nagtakip ng mga mata ko.
“Teka? Jake? Ikaw ba yan?” Bigla naman niyang tinanggal yung kamay niya at bigla akong niyakap.
“Mamimiss talaga kita Zyra.” Sabi ni Jake.
“Wait? Anong mamimiss? Aalis ka ba?”
“Aaa-Eee. Hindi. Sinabi ko bang mamimiss?”
“Oo.”
“Baka mali lang ako ng pagkakasabi. Namiss dapat yun.”
“Okay? I miss you too. ^__^”
“Tara na?”
“Tara! ”
Nang makapasok kami ng Amusement park, sumakay na agad kami sa mga rides. Nakakatuwa lang kasi andami naming sinakyan. Tyaka sobrang sweet niya sakin ngayon. Pero teka? Sobrang sweet? May kasalanan ba ‘to sakin? Parang wala naman. Pero sana walang kapalit ‘tong kasiyahan namin.
Nang makatapos kaming sumakay sa rides. Kumain na muna kami. Masyado kasi kaming nagutom e xD. Hahaha. Pumwesto kami sa may harap ng lake sa tapat nung Amusement park. Pero mya-maya, tinanong ko siya.
“Jake? Anong dahilan at pinapasaya mo ko nang sobra ngayon?”
“wala naman.” Pero.. biglang lumungkot yung mukha niya at bigla siyang yumuko.
“Jake? Tell me.. please?” kalmado kong tanong.
“wala ‘to.”
“Jake naman. Girlfriend mo ko. GIRLFRIEND. Kaya please? Sabihin mo naman sakin kung anong problema mo ngayon.”
“kasi Zyra..” Napalunok ako nang tinawag ako ni Jake. Tapos, bigla na lang akong kinabahan.
“Kailangan na kitang iwan.” Di ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko.
“Jake.. tama ba ko nang pagkakarinig? Iiwan mo ko?”
“Oo Zyra.” Malungkot niyang sabi.
At dahil umoo siya, napaiyak na talaga ko nang sobra.