Chapter 1 : The Fan , Idol and haters

2.8K 56 23
                                    

Z/N: Dedicated to Dyjoyce. 

--------------------------------------

Aizel's P.O.V

*ting

Napabalikwas ako sa kama ng may tumunog sa laptop. Notification ata sa wattpad.

 *Eiko_Keropi sent you a message*

Sabi na eh.

"Hello Ate zel! Ako ulit 'to, yung #8 fan ninyo! Ang kulit ko po, ano? Hehehe"

Oo medyo makulit ka nga. Pangsampu mo na ata 'tong message. Pero okay lang, mahal naman kita.

"Nabasa ko na po pala yung update niyo sa Prize of a game! Grabity po! Oxygen plith! Kilig overload po ako kay Lance, sana lang may BI-EP akong ganun /pouts/ pero by the way hallway sa skyway na meron pa sa subway, lol.  More power pa po sa inyo at sa mga stories niyo! mwaaaaahhh~~~mwaaaaaaaah~~~ :* "

Napangiti nya na naman ako, lagi niya kong mine-message, giving me compliments and anything. Gusto nyang tawagin ko siyang keroping-otso, siguro kasi self-proclaimed #8 fan ko nga siya. Hindi niya sinabi kung bakit #8, dapat nga #1 yun o kaya naman #0 fan, diba?

"Thank you so much for another flattering message, keroping-otso! Hahaha pwede magtanong? Bakit ba lagi mong sinasabi na #8 fan ka? Ayaw mo ba maging #1?"

Kung mapapansin niyo, medyo maigsi lang ako magreply. Gusto ko rin namang habaan kaso lang nahihiya ako. Baka kasi isipin nilang damang-dama ko yung mga compliments at ang ending, lumaki ang ulo ko.

And one more thing, kahit na super kulit ni Keroping-otso, she still don't know me. OnceUponAizel , yan lang yung kilala nila sakin. Minabuti kong itago yung totoo kong pangalan at mukha sa wattpad kasi gusto ko lang.

Ayoko kasing magbasa sila ng gawa ko dahil sa mukha o pangalan ko. You know, I want to be fair. Basta ganun. I have my reasons tulad ng ibang anonymous writer sa daigdig ng wattpad. Lol, ang lalim ko na. Tigil na.

*ting*

Nag-message siya ulit.

"Waaaah! Nag-response ka po! Ang saya ko ate! Hahahaha. Anyway, #8 fan po kasi pag tinagilid mo siya ay magiging symbol ng infinity, ibig sabihin po nun ay never ending ang pagsuporta ko sa inyo ate zel!"

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa kanya, kahit papano may mga tao pa ring sinusuportahan ako kahit hindi naman niya ko kilala.

Magta-type na sana ko para sumagot nang biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko.

"Neechan, mag-lunch ka na daw sabi ni kuya" sabi ng nakakabata kong kapatid na lalake. Dalawang taon lang yung agwat namin. 

(Neechan = Older sister)

Ganyan ang tawag niya sakin kasi half-japanese kami pareho. Yung mama namin filipino tapos yung papa namin alien na. Joke. Japanese siya kaso sumakabilang-bahay na at ngayon, sumakabilang-buhay naman.

"Pakisabi mamaya na lang, Zayden." naka-pokus pa rin ako sa tina-type ko sa laptop pero biglang may nagsara nito.

"Kapag hindi ka nag-lunch sa oras na'to , kukunin ko laptop mo." Ma-awtoridad na sabi ni Kuya Tyler.

Ayan na naman po ang aking pinakamamahal na half-brother. Uhm, yeah half-brother ko lang si kuya Tyler. Yung papa niya at ang mama namin ni Zayden ay naging mag-asawa. Second chance at love, I think? 

Loveless Relationship [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon