Chapter 5 : Textmates

811 33 10
                                    

Aika's P.O.V

pagkatapos ng nangyari kanina....di ko na alam ang gagawin kaya pinauwi na lang ako ni zayden.

*booogggssshh*

"OHMO ! ANG EXPENSIVE KONG BLOUSE !"

nabangga ko yung babae kaya napasigaw siya, ako naman ay napa-upo sa lupa.

tumayo ako at pinagpag ang damit ko.

"ALAM MO BA KUNG MAGKANO 'TO?!"

huminga na lang ako ng malalim, wala ko sa mood makipagtalo.

naglakad na ko palayo sa babae pero hinatak nya ko pabalik gamit ang buhok ko sabay sampal niya.

"BAYARAN MO 'TO !"

tiningnan ko lang siya ng cold, walang expression.

"PIPI KA BA ?!"

mukha siyang mayaman, sa pananamit pa lang pero pumangit yung blouse nya kasi nung nabunggo ko siya ay tumapon yung drinks na hawak niya.

"SAGUTIN MO NGA AKO !!!"

*pak*

sinampal niya ulit ako.

nakakarami na 'to ah. -___-

Emanuelle's P.O.V

pasakay na kami ng van pero napahinto si rafael.

"oh bakit pre?" tanong ko sa kanya at pinatong ko yung kamay ko sa balikat niya.

"si jessica" yun lang yung sinabi niya habang nakatingin dun sa babaeng maganda ... parang model.

nang biglang *Boooggggsssh*

Nagulat kami ng mabunggo siya ng isang nakayukong babae, si aika.

nagtalo yata sila tapos nung aalis na si aika ay sinampal niya ito----PWE !

ampangit naman pala ng ugali ng jessica na 'to, parang si megumi lang. MAGANDA pero MASAMA UGALI.

oo, maganda naman talaga si megumi ee pero ewan ko ba kung bakit mainit ang dugo namin sa isat-isa, parang DESTINY kami para maging magkaaway.

"pre tara na, sakay na tayo" aya ko kay rafael pero parang wala siyang narinig.

"MAG-SORRY KA SAKIN AT PATI SA BLO-----" napatigil yung sigaw nung jessica dahil bigla siyang sinapak ni aika.

SAPAK talaga. yung tipong napapanood sa anime na POKER FACE lang yung bida tapos biglang sinapak sa pagmumukha yung kalabanan.

makapag-stay na nga lang dito....mukhang LIVE ACTION 'to ee. LIBRE.

lumapit kami ni rafael at nagtago sa malaking puno kung saan maririnig namin yung usapan ng dalawa.

isipin nyo na lang na nag-ala ninja kami.

"HOW DARE Y---"

"hindi ako nagso-sorry sa taong panget" cold na sabi ni aika.

grabe ang COOL niya. parang bumalik yung aura nya nung time na HINATI niya sa gitna yung table.

seryoso? parang siya yung GANGSTER TYPE sa mga anime.

"panget ?! sino ?! AKO?!" tinuro-turo pa ni jessica yung sarili niya.

"hindi ka lang panget....TANGA ka pa"

Loveless Relationship [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon