Aizel's P.O.V
"ate...kaya mo bang gawing dalawa yung buwan?" sulpot ni Zayden sa kwarto ko habang nagsusulat ako sa laptop.
"Dalawa yung buwan? Oo kaya ko yung gawin."
Lumiwanag yung mukha niya kaya ginawa ko agad kung pano gagawing dalawa yung buwan.
"Oh ayan. November at December. Dalawa na yung buwan." Ngumiti pa ko sa tinype ko.
"Hindi naman buwan na month. Buwan as in moon! Pano mo gagawing dalawa yung buwan?"
HUH?!
"Sino naman bang engkanto ang makakagawa nun?!"
"Yung #8 fan mo. Si eiko"
Di ako na-inform. May superpower pala yung fan ko.
"Sabi niya kaya niya daw gawin yun. Kapag nagawa niya yun sa harap ko...ibig sabihin sinasagot niya na ko"
di ko magets. Napaka-imposible nung bagay na yun.
"Sige ate. Punta lang ako kila Eiko."
"Pupunta ka sa kanila? Ibig sabihin pupunta ka kay Ely?"
"Malamang. Same house lang sila eh. Gusto mo sumama?"
"Yoko"
Umalis na siya ng kwarto ko. Limang minuto palang yung lumipas ay bumalik na siya agad. AY JOKE?
"May bisita ka daw sa baba sabi ni Kuya" sabi ni zayden sa labas ng pinto.
Napabangon ako ng di oras at bumaba sa sala.
O_O
Ely?
"Hi" nahihiyang sabi niya.
Teka, si Ely nahihiya sakin? KELAN PA?
"Hello."
Hindi na siya nagsalita, nakatingin lang siya sa baba. Anong meron sa baba? Mali ba tiles natin?
"Ganun na yun? Husayan mo naman Ely." pang-aasar ni Kuya.
"Ah kasi....Aizel pwede ba kitang maka-usap?"
"Oo sige."
Lumabas kami at naglakad lakad sa village namin. Tahimik lang siya kaya huminto na ko.
"Bakit? May mali ba?" pagtatanong niya.
Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi tapos inobserbahan ko yung mukha niya. Nung nagtama yung mga tingin namin...binitawan ko siya.
"Ibalik mo si Ely."
"Huh?"
"Ibalik mo si Ely, binge"
"Bakit? Ako naman 'to ah."
"Hindi ikaw yan. Makipag-usap ka sakin kapag nabalik mo na si Ely."
Tumalikod ako at aalis na pero pinigilan niya. Oh c'mon ! Ganitong-ganito yung mga eksenang sinusulat ko sa wattpad.
"Ako talaga 'to...nagkagusto lang sayo."
Hindi ko narinig yung mga huli niyang sinabi.
"Ano ulit?"
"Wala." ginulo niya yung buhok ko.
BINABASA MO ANG
Loveless Relationship [EDITING]
RomanceEight persons composing of four different kind of couples suffering from one mutual feeling.