Chapter 43: Same like Parehas.

368 28 4
                                    

Eiko's P.O.V

letse talaga yung lalakeng yun. Kung kailan PLANO ko nang kalimutan siya...tsaka pa kami pinaglalapit ng tadhana.

"Kailan ka pa naging bobs sa math? Hindi ka nagmana sakin na FORTE ang computations" pagmamayabang ni Kuya Ely habang nasa loob kami ng sasakyan pauwi.

"Forte? nahiya ko sa 2.75 mong grade sa math niyo. Konting kembot na lang TRES na." 

-___________-")

"Atlease hindi pa rin bagsak. Susunduin ka ba ni Zayden sa bahay?"

"Yup."

"Sama ko."

"Para makita si Ate Aizel? SURE WHY NOT!"

"Tsk. Di ko naman gusto yun eh."

"Mamatay man kuko mo sa paa?" Lumapit ako sa kanya ng konti para mas maasar siya.

Ayaw pa kasing aminin na gusto niya si Ate. CHOOSY AMP! Kala mo babae.

"Hindi nga."

"Okay. Sabi mo eh" Umayos ako ng upo tapos tumingin sa bintana.

"Hindi nga sabi"

"Eh di hindi na kuya. Asus. Kailangan pinauulit-ulit na HINDI."

Tumawa ko ng mahina tapos ay bumaba na rin kami ng sasakyan dahil nasa tapat na kami ng bahay.

Kumuha lang ako ng damit at extra uniform tsaka nagpaalam kay kuya Ely. Pero gaya ng inaasahan ko...sumama siya sakin. Tinext ko na lang si Zayden na wag na niya ko susunduin kasi ihahatid na ko ni Kuya.

*Manzano's residence*

Pinapasok kami ng yaya at nadatnan namin si ate Aizel na busy sa laptop niya tapos si Zayden naman nakasalampak sa sahig na may kasamang ibang babae. Naglalaro sila ng NBA emote. Aba ewan ko kung ano yung nilalaro nila. Tsk. Ang landi nila tingnan.

"Eiko okaeri~" bati ni Zayden nang mapansin niya ko.

(Okaeri = Welcome home)

"Baka bahay ko 'to?" pilosopo kong sabi.

Lumingon yung babaeng kalaro niya sakin. Mukhang matanda na. I mean, bata pa naman pero kung ihahalintulad sakin, mukhang nasa 19-20 na siya.

"Ay si Ate Remrem , girlfrien----" napahinto siya ng may umekstra gwapong lalake mula sa kusina. May dala pang juice tsaka popcorn.

"Girlfriend ko" sabi nung kuya.

"Si Kuya Tyler...half-brother namin" sabi ni Zayden sakin nang nakangiti talaga. Eh di siya na cute. Kala mo naman inaangkin ko.

"Akala ko ba hinatid ka ng kuya mo?" -Kuya Tyler

"Ah...nasa labas siya, ayaw pumasok."

"NASA LABAS?! WAG NIYO NANG PAPASUKIN !!!" biglang sigaw ni Ate Aizel.

Ito namang si Kuya Tyler ay binuksan yung pintuan at sapilitang pinapasok si kuya Ely. Di hamak na mas matangkad si kuya tyler...mukha tuloy penguin si kuya ely sa gilid. PEACE (^_^)v

"Ex mo?" -Kuya tyler

"HINDI!" -Ate Aizel

"Eh bakit kung maka-react ka....parang may pinagsamahan kayo?" -Kuya Tyler

Loveless Relationship [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon