Chapter 39: Okay na rin

350 25 0
                                    

Ely's P.O.V

Napakiusapan ko si Mr. Manzano na dalawin araw-araw si aizel. Para na rin makabawi ako sa babaeng 'to.

"Mukha kang mabait kapag natutulog...alam mo ba yun?"

*Katahimikan*

"Baka nga alam mo na. Haish...di ko alam kung ano yung gagawin ko. Dahil sakin kaya ka nandito...ganun ba talaga ka-importante yung play para sayo? Siguro nga mahalaga talaga yun sayo. Pasensya na kung hindi ko nagawang piliin ka kay Abby. Pano ba ko makakabawi sayo?"

*Katahimikan*

para kong tanga. Bakit ko ba kinakausap yung isang taong tulog.

"Masakit ba yung dextrose? Binabaon yan sa ugat diba?"

Tinitingnan ko ng maigi yung kamay niya. Never pa kong nahospital kaya hindi ko alam yung pakiramdam na malagyan ng dextrose sa kamay.

Hahawakan ko na sana kaso biglang gumalaw yung kamay niya.

pang-apat na araw ko na 'tong dumadalaw pero ngayon lang niya ginalaw yung kamay niya.

Agad akong napatayo sa upuan at tiningnan siya ng maigi. Baka guni guni ko lang kasi yung kanina.

Gunalaw ulit yung kamay niya kaya agad akong tumawag ng nurse at doctor sa labas.

Chineck nila si Aizel at pagkatapos nun ay agad akong nilapitan nung doctor.

"Buti naman at gumalaw na yung pasyente. Imomonitor namin ang development ng girlfriend mo...wag ka nang mag-alala"

Sasabihin ko sanang hindi ko girlfriend si aizel pero lumabas na sila.

Nilapitan ko si Aizel at unti unti nitong binuksan ang mga mata niya.

"Papa?" hanap niya sa paligid ng kwarto.

"Wala pa siya dito. Pero sasabihin ko rin sa kanya na gising ka na para makapunta siya agad."

Kinuha ko yung phone ko at agad na nag-text sa papa niya.

*send*

"Huh? Nagkamali ka ata ng kwartong napasukan." sabi niya na halatang nanghihina pa.

"Pwede ba Aizel. Marunong akong magbasa ng number at alam kong room 56 'to. Tama ko ng napasukan."

Kagigising lang niya nagbibiro na siya agad.

"Isa ka ba sa malayo baming kanag-anak? ."

"Ok sige na Aizel. Ikaw na ang best actress. Ang galing mong umarte na kunwari hindi mo ko kilala."

"Baliw ka ba? Sa kalagayan kong 'to magbibiro pa ko? Ngayon lang kita nakita mister."

Naging seryoso ang mukha niya at ganun din ako. Nag-flashback sakin yung sinabi niya bago siya tuluyang tumakbo "After this day, kakalimutan kong may nakilala kong tulad mo na hindi marunong magpahalaga sa mga bagay na mas nauna."

nagkatotoo nga. Hindi niya na ko kilala. Nakalimutan niya kung sino ako.

Pero bakit?

"Hindi mo ba talaga ko kilala?" ulit kong tanong sa kanya

"Hindi. Kaya pwede ba lumabas ka muna ng kwarto ko at baka sumigaw talaga ko ng rape"

Bumukas ang pinto at pumasok yung papa niya na kasama yung doctor.

"Papa!" sigaw na may halong excitement ni Aizel. Agad siyang niyakap ng papa niya

"Mabuti naman at hindi ikaw ang nasama sa pagkawala ng memprya ng anak ninyo" sabi ng.doctor

Pagkawala ng memorya?

"Nagkarong ng temporary amnesia si Aizel. Ang mga huling oras ng siya'y naaksidente ay nakalimutan niya na dahil sa shock . Pero babalik rin sa normal ang lahat , matatagalan nga lang"

Lumabas ako ng room niya. Inisip kong pabor na rin sa kanyang nakalimutan niya ko...wala rin namang magandang nangyari sa mga ala-alang nakalimutan niya.

Loveless Relationship [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon