Rafael's P.O.V
"Buti ka pa ang lapit lapit ng sweetheart mo. Samantalang ako milya-milya yung layo" pagdadrama ni emanuelle sa buhay niya habang nanonood kami ng practice nila ely dito sa theatre room.
"Hinintay mo pa kasing lumayo siya bago ka nagdesisyong mahalin siya tungek!" sabay kabog sa kanya sa likod
"Masakit yun ah! Saka malay ko bang mamimiss ko pala siya kapag wala siya sa tabi ko. Malay ko bang mamahalin ko siya matapos niya kong iwan tanga!" aba bumabawi 'to.
"Ewan ko sayo. Basta ko malapit sakin yung girlfriend ko...yung sayo malayo"
tumingin siya sakin ng masama tapos biglang nag-pout. Pout ba tawag dun? Basta ang sagwa sa kanya.
"Hindi ko pa naman siya girlfriend eh. Manliligaw pa lang ako pag-uwi niya para mas disente tingnan sa magulang niya"
"HA?! Hindi pa kayo?!"
Napatayo ako kaya lahat ay napatingin sakin na parang isa kong kriminal. Pero agad din silang bumalik sa ginagawa nila.
"Bobo ang ingay mo. Hindi pa talaga kami. Ang pangit namang manligaw sa text o sa skype nuh."
"FEELINGS!! KAILANGAN PA NG CHEMISTRY SA INYONG DALAWA!!" Sigaw ni Askie sa ibabaw ng stage.
"Tama! Feelings pa Aizel! KAYA MO YAN!" sigaw naman ni emanuelle sa tabi ko. Ngumiti si Aizel sa kanya tapos nag-fight gesture.
Si Ely naman masama ang tingin. Seloso yung lolo niyo. xD
Nakwento kasi ni Emanuelle na nagkunwari siya kay Ely na pinopormahan si Aizel. ^_^ Updated ako kahit wala ako sa mga huling chapter.
"Hoy Emanuelle. Ikaw nga muna yyng pumalit kay Ely. Ngayon lang ah. Tapos basahin mo yung linya dito then *chup* kay Aizel ha." utos ni Askie.
Agad namang pumunta siya sa stage at prenteng naka-upo lang ako habang katext si Aika.
"Aiks...i love you" *message sent*
*bzzzzzt*
"Tantanan mo nga ko baks. Sweet mo masyado" -Aiks
Ganyan parati yung mga messages namin. Di mo aakalaing KAMI.
Anyway, andun na nga si emanuelle sa stage at palapit na ng palapit yung mukha nila ni Aizel. And as expected, pinigilan ni Ely.
"Gets ko na. Chemistry. Eye to eye contact. Kiss with feelings. Ako na ulit si Ely. Emanuelle baba na" pag-uutos nito pero natawa lang ako. Halatado talaga siyang SELOS NA SELOS siya.
"Okay..dun tayo sa last line ah."-askie
"If loving you will kill me...I'm willing to die" -Ely
Hinawakan niya yung pisngi ni Aizel at unti-unti nilalapit ang labi niya sa labi nito. KONTI NA LANG AT SDDDFGJLLDADHYB!!!!
BAKIT DI NIYA TINULOY?!
"Gaya ng sinabi ko sayo dati. Sa mismong play kita hahalikan para may spark sa audience at sa'ting dalawa *chup* "hinalikan niya na lang sa pisngi si Aizel.
"OKAY 10 MINUTES BREAKKK!!!"-askie
Bumaba sila sa stage at nagpunta samin. Habang nagkukwentuhan kami. Kausap ko si Ely at kausap naman ni Aizel si Emanuelle. Panay ang lingon ni ely sa direksyon nung dalawa.
BINABASA MO ANG
Loveless Relationship [EDITING]
RomanceEight persons composing of four different kind of couples suffering from one mutual feeling.