Chapter 4

856 36 5
                                    

Aika's P.O.V

Nakakainis na buhay talaga 'to oh. Mahirap na nga kami, nadagdagan pa ko ng ubligasyon sa baklang 'yun. Bale ang tinutukoy ko ay si Rafael. 

Ubligado kasi akong palitan yung gitara niya dahil binalibag ko kahapon. Alam ko namang kasalanan ko kaya doble-kayod tuloy ako sa trabaho ko ngayon.

Nagtatrabaho ako dito sa bakeshop ni Zayden, hindi naman talaga kaniya 'to, siya lang yung tumitingin-tingin katuwang ni kuya Tyler kasi mahilig siya sa baking. Part-timer lang ako dito.

"Welcome Si---" natigil ako dahil tumambad siya sa'kin.

Sino pa ba ang bakla sa istoryang 'to? Si Rafael lang naman na may makinis na mukha, walang pores at pimplemarks. Brown yung mata, mahaba yung pilikmata, may katangusan yung ilong at medyo pinkish yung labi. 

Anong ginagawa nito dito?

"Dito ka pala nagtatrabaho." mapang-insulto yung pananalita niya 

Tumingin siya sa'kin at nakita kong bahagya siyang natawa. Minamaliit ba ko nito?

"Oo dito nga ako nagtatrabaho at bawal bakla dito. Tsupi~" 

"Bakla? Ako bakla?" 

Nginitian ko siya ng pilit at sumagot

"Bakit hindi ba? Wag mo na itago, pamin ka rin eh." 

"Pamin?"

Yung totoo. Wala ba 'tong ibang linya na hindi patanong?

"Pamin, paminta, nagfe-feeling lalake kahit obvious naman na bakla."

Pinanliitan niya ko ng mata at ang sumunod na nangyari ay...

*tsup*

"May paminta bang kayang humalik?" pacool na sabi niya

Hindi ko na nakontrol yung sarili ko at...

"Baklang maniyak." mariin kong sabi tsaka siya sinapak ng sobrang lakas.

Natumba siya sa kinatatayuan niya at nasira rin yung isang bangkuan dahil nadaganan niya sa bilis ng pangyayari.

"Kuya!" sigaw nung maliit na babae at lumapit sa kaniya

Sa pagkakatanda ko, ito yung official photographer nila, yung Eiko.

Sumunod namang lumapit si Emmanuel para tulungang makatayo si Rafael.

Bigla namang bumukas ang pintuan at masayang babatiin sana ko ni Aizel kaso lang nakita nila kami sa ganitong sitwasyon.

"Teka anong nangyari dito? Tsaka bakit nasira yung upuan?!" galit na sigaw ni Zayden

"M-magpapaliwanag ako, Zayden." mahinahong sabi ko

"Ano bang ginawa ko sa'yo ha?" sabi ni Rafael habang pinupunasan yung dugo niya sa gilid ng labi

Naalala ko na naman tuloy yung halik niya, pati na rin yung pagbibigay niya sakin ng ma-insultong tingin.

"Kapag mayaman ba, hindi na alam yung salitang mahirap?" diretso kong tanong sa kaniya

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Nakaka-insulto ka. Yung tingin, salita at lahat ng kilos mo nakaka-insulto! Pwes ano ngayon kung dito ako nagtatrabaho? Kailangan ko ng part-time job para makadagdag sa tuition fee eh!" 

Nanahimik silang lahat sa pagsigaw ko

"At isa pa, kailangan kong maka-ipon para makabili ng bago mong gitara! Wag ka mag-alala, mas uunahin ko muna yung gitara mo bago ako magbayad ng tuition fee. Nakakahiya naman kasi sa'yo at sa mga fans niyo, baka isipin niyong hindi ko kayang pagbayaran yung nagawa ko." 

Tumingin lang sakin ng diretso si Rafael.

"Hindi ko kailangan ng bagong gitara. Kahit anong ipon yung gawin mo, hindi mo matutumbasan yung halaga ng nasira mo." malamig na sabi niya 

"At sino ka para pakinggan ko? Wala kong pake kung ayaw mo ng kapalit, ang sa'kin lang, bibili ako ng bagong gitara para luminis na yung konsensiya ko."

Alam kong narinig niya yung sinabi ko pero hindi na siya sumagot. May inabot na lang siyang pera kay Zayden at sinabing 'yun daw ag bayad sa nasirang upuan.


Ely's P.O.V

"Ano nga kayang dahilan bakit sila nagagalit sa inyo?" wala sa sariling tanong ng pinsan ko habang nasa terrace kami ng bahay.

Minabuti ko kasi munang dito sila mag-relax dahil sa tensyon kanina.

"Hindi ko rin nga alam eh." sabi ni Emmanuel at uminom ng orange juice

"Akin yan eh!" sabat ni Megumi

"May pangalan mo ba? Wala naman ah." 

At nagtalo na naman sila.

Balik tayo sa tanong ni Eiko. Bakit nga kaya sila galit samin? Ang totoo niyan, hindi ko rin alam. 

Wala kasi akong makitang motibo eh. Ni hindi nga namin alam na nage-exist sila kaya paniguradong wala kaming atraso.

"Ely pahingi pa nga ng orange juice, naubos na kasi ng kulot dito eh." pagpaparinig niya kay Emmanuel

Kinuha ko naman yung pitcher na wala ng laman para ibaba at kumuha ng panibago.

Paakyat na ko ng biglang nag-ring yung cellphone ko.

"Hello tita?" sabi ko sa kabilang linya, mama ni Eiko yung tumawag.

"Hi Ely! Hindi ko ma-contact si Eiko eh, kasama mo ba siya?"

"Ah opo nandito kami sa bahay."

"Ah ganun ba, pakisabi naman na sagutin yung mga tawag ko."

"Sige po. Uhm tita sila mama ba nandiyan? Pwede pong pakausap?"

"Nako Ely wala dito sila ate ngayon eh. Mamaya pa yung balik nila galing opisina, day off ko lang kasi kaya nandito ako sa bahay."

"Ganun po ba, sige tita salamat po."

Wala na kong ibang nagawa kung hindi tapusin yung tawag. Ganiyan naman lagi yung magulang ko eh, laging busy. Ang sarap nga nilang sigawan na may anak pa sila dito sa Pilipinas, baka nakakalimutan na nila.

Buti pa si Eiko hinahanap ng magulang niya. Nakakatawa nga eh, ako kasi yung guardian ni Eiko dito. Ang ironic lang kasi kung sino pa yung hindi nakadama ng pag-aalaga ay siya pa yung inatasang mag-alaga ng nakababatang pinsan niya.

"Kuya Ely, ayos ka lang?" sabi ni Eiko nang maabutan niya ko sa kusina

"O-oo ayos lang. Nga pala, sagutin mo daw si tita kapag tatawag sa'yo. Hinanap ka sakin kanina."

Mukha siyang nainis sa balitang sinabi ko.

"Ayoko nga. Mangungulit na naman yu---"

"Eiko, maswerte ka pa nga at may nangangamusta sayo eh." sinabi ko at kinuha yung cellphone niya para ako na mismo ang magbukas.

"Maging mabait kang bata kung ayaw mong hindi kita pakainin ng isang linggo." pananakot ko at umakyat na sa taas

Nadatnan ko si Emmanuel at Megumi na nagbabangayan pa rin. Narinig kong tungkol sa bulalakaw yung pinagtatalunan nila, kung may bulalakaw bang nakikita sa umaga o tuwing gabi lang.

Si Rafael naman, nasa gilid lang at pilit inaayos yung nasira niyang gitara. Ang sabi ko sa kaniya bumili na lang siya ng bago kaso ayaw magpapigil. Aayusin niya daw ulit. Sana lang maayos niya bago kami pumunta sa susunod na gig.

Loveless Relationship [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon