Aizel's P.O.V
tumigil na yung van at isa-isa naman kaming bumaba. Nakita ko nga si Zayden na natutulog sa balikat ni Eiko..makausap nga siya mamaya. Mukhang nagkakamabutihan na sila...hindi pwede.
"Welcome Half beat and Tora Band !" salubong samin ni Manager Ven tapos katabi niya si Askie yung pamangkin niya. Si manager Yukiko naman nasa isang upuan at umiinom ng vodka.
"Welcome? psh," bulong ni Ely sa tabi ko.
"This is Abby Marky.... she's my niece. Be nice to her." sabi ni manager yukiko pero nakatingin sakin. Halata namang ako ang pinaparinggan nito diba?
Nag-smile naman yung Abby samin...psh. Halatang peke naman eh. For sure Maldita 'to. Pamangkin siya ni Manager yukiko kaya malamang ganun din ang ugali niya.
"Nice to see you again Ely" sabi pa nito at saka binesuhan si Ely, UGH !
"Anyway, you'll have a roommate. And Abby will assist you to your respective room" -manager ven
"Follow me guys" nag-smile ulit siya.
Lahat sila sumunod na dun kay Abby habang ako ay hinarang ni Askie at ipinaalala sakin yung assignment ko para sa club namin. Buti na lang at dinala ko yung laptop ko...dito ko na lang ise-save lahat.
"Two huge size of rooms ang naka-reserve sa inyo. All girls will be in room 19 while the boys is in 20" - Abby Marky
"Thanks abby..so we'll take a nap , okay?" sabi ni Ely . so ka-flirt nya pala si ABBY? OKAY. BAGAY SILA.
Pumasok na kami sa room with our baggages.
"Nubayan ! Kasama pa natin yung dalawang 'to" sabi ni Aika na ako lang naman ang nakarinig.
"Argh ! Mas pipiliin kong matulog na lang sa sa labas kaysa sa kayo naman ang maka-roomate namin!" pagpaparinig ni Eiko
Kinuha ko yung mga gamit niya at nilabas ko yun sa may hallway nung hotel.
"Hoy anong ginawa mo sa gamit ko ?!" sigaw niya sakin
"Nilabas ko. Gusto mo sa labas diba?" sabi ko at inirapan niya lang ako
"Lakas ng loob mo ah !!!!" sigaw ni megumi sakin at dinampot ulit yung gamit ni eiko sa labas at pinasok ulit.
"Kami pa ngayon? Nahiya naman ako dun sa ginawa ni Rafael. Diba siya nga 'tong makating dila at malakas ang loob na sabihin yung plano ni Aizel sa Girlfriend niya?" banat naman ni Aika.
Nagtinginan na lang kami ng masama. Sila ang makakasama ko sa kwarto sa loob ng isang buwan? Papahirapan ko sila.
Mga ilang minuto rin kaming hindi nagkibuan hanggang sa...
"*sigh* I can't bear this. Look Aizel, Sorry for what we've done, okay? Can't we just stop this fight para hindi na madagdagan yung parusa natin? Sa next month kailangan kong umalis...kung ipagpapatuloy natin yung gan'tong attitude..mawawala yung pangarap ko" pakiusap ni Megumi samin.
Ngayon naman nakikiusap na siya? What's next?
"Fine" i said
"aizel?" shocked na sabi ni Aika sakin.
"Makikipagsundo kami sa inyo but in one condition"
"Ano yun?"
"Magmahal ka"
NAGULAT SILANG LAHAT SA SINABI KO.
"Hater niyo ko kaya alam kong hindi ka marunong magmahal. Para sundin ko yung gusto mo...sundin mo muna yung gusto ko. Mahalin mo si Emanuelle Ward at pakikisamahan ka namin ng maayos para matupad yung pangarap mo"
Napaluhod siya ng di oras at talagang di makapaniwala sa sinabi ko.
Zayden's P.O.V
"Naiinis ako kay Aika !!!" -Rafael
naiinis rin naman siya sayo eh.
"Ako nga kay Aizel eh" -Ely
MAS GALIT SIYA SAYO.
"bakit ba kayo galit sa mga yun? Si aika palaban..Si aizel charismatic. Dapat nga magalit kayo kay Megumi eh" -Emanuelle
"At bakit naman?" sabi nila at lumingon kay emanuelle na nakahiga na sa kama.
"Matutuwa ba kayo sa isang babaeng mas pipiliing makipagtext kay grey kaysa kausapin ako ng matino? NAKAKAINIS TALAGA YUNG HAPONESANG YUN ! Hoy ikaw zayden...ganun ba talaga yung mga haponesa , mas pipiliing makipagtext kaysa kausapin yung katabi niya?"
Ano ba isasagot ko? OO o Hindi?
"Hindi. Ayaw niya lang sayo kaya ganun"
Tumawa nang malakas sila Ely at Rafael tapos ay hinampas lang sila ng unan ni Emanuelle.
Aizel's P.O.V
Wala pa rin siyang kibo. Kailan ba magsi-sink in sa kanya yung kondisyon ko ?
"Sabihin mo agad kung di mo kaya para alam ko na kung ano yung gagawin ko"
Hindi siya sumagot kaya inayos ko na lang yung mga gamit ko sa cabinet.
"Fine.Gagawin ko...I will make Emanuelle fall in love with me"
Nag-smirk ako...hindi ko maiwasang matuwa sa ginawa ko.
*Booogggssh*
"HOY MEGUMI LUMABAS KA DIYAN !!!" sigaw ni emanuelle sa labas.
"Oh..tawag ka na pala ng misyon mo" pang-aasar ko pa.
Lumunok siya tapos lumapit at binuksan ang pinto.
"Mag-usap tayo" mahinang sabi ni Megumi tapos ay umalis na siya.
"Grabe ka Aizel....paano mo nagawa 'to kay ate megumi? Alam mo namang ayaw niya kay kuya Emanuelle diba? Napakasama mo talaga" sabi ni Eiko na galit na galit sakin.
Ang lakas din ng apog nitong kutong lupa na'to eh noh.
"Iniisip kong baka ikaw si Eiko_Keropi na madalas kong maka-chat sa wattpad bilang OnceUponAizeL. Pero hindi ko ma-imagine na ikaw yun dahil napaka-unlike niyo sa isat-isa."
"IKAW SI ONCEUPONAIZEL ?!" gulat na sigaw niya.
"Bakit ko aaminin sayo? Ikaw ba yung Keroping otso na yun ha?"
TANGA SIYA. Sa sinabi ko kanina...halata namang ako na yung OnceUponAizel eh.
"O-oo...ako siya. AKO SI KEROPING OTSO !!!!"
EH?!!!!!!?!?!?!?!!?!
si Eiko at yung number 8 fan ko ay iisa? Sabi ko na nga ba't may hinala na ko eh. Di ako makapaniwalang yung fan/enemy ko ay in the same person. BWISIT. Mas lalong ginusto kong mapalayo siya sa kapatid ko. Okay pa sana kung nakilala ko siya sa una as a fan.. kaso hindi. KAYA HINDI AKO PAPAYAG NA MAPALAPIT SIYA KAY ZAYDEN !
"Tomorrow night I will let you see your Idol"
"Eh?"
"But in one condition"
Npaisip siya saglit pero pumayag rin siya sa gusto ko,
"The true face of OnceUponAizel will revealed tomorrow but...STAY AWAY FROM ZAYDEN !"
Nanlaki yung mata niya at napahigpit ang hawak niya sa damit niya.
"Kung tatanggapin mo yung kondisyon ko... 8pm bukas pumunta ka sa seaside...dun mo makikita yung Idol. Pero kapag hindi mo tinanggap..wag ka nang pumunta. I will give you some time to think about this....and your time starts now"
BINABASA MO ANG
Loveless Relationship [EDITING]
RomanceEight persons composing of four different kind of couples suffering from one mutual feeling.