Aika's P.O.V
pagka-dismiss namin ni Rafael ay agad kaming nagpunta sa hospital. Tinext kasi ni Zayden na gising na nga si aizel. Mabuti baman at nagising na rin siya.
"excited much?" tanong ni Rafael habang nasa kotse kami
hindi na lang ako nagsalita. Basta excited ako. Wala siyang paki dun.
"Ay teka aika...di pa tayo nagla-lunch. Kain muna tayo"
Huminto kami sa restaurant na pang-sosyal. nubayan. Feeling ko hindi ako bagay dito. Pang-mayaman.
Ramdam ko yung tingin sakin ng mga tao....lalo na pati yung mga babae.
"Take out na lang kaya tayo?" sabi ko kay rafael
"di na pwede. naka-order na tayo ng dine in eh"
sabi ko nga.
Kumain kami ng tahimik pero di ako nakakain ng maayos. Ikaw ba naman tingnan ng isang babaeng napakaganda. Di ko siya kilala pero parang ang sama niyang tumingin.
Nag-iwan ng pera si Rafael.dun sa bill tapos pumasok na.ulit kami sa sasakyan. Nawala yung excitement ko dahil sa nangyari kanina.
"You okay?" tanong niya na nakatuon sa daanan.
"hindi"
"bakit?"
"nainis ako sa titig nung babae sakin kanina. Ayoko ng ganub kasi parang minamata niya ko porket mayaman siya"
Tinigil niya yung sasakyan sa may gilid tapos hinawakan niya yung mukha ko para maiharap sa direksyon niya.
"Wag mo nang intindihin yun. Insecure lang yun sa ganda mo. Hindi ka man kasing yaman ng iba...ikaw naman yung simpleng maganda. Inggit lang sila sayo kasi napaka-perfect nating tingnan kanina. Isang prinsesa at isang prinsipeng kumakain sa restaurant...napakabihira nun sa pinas" ngumiti siya sakin at pasimpleng tinapik yung ilong ko.
nag-drive na ulit siya pero bigla ko na lang nahawakan yung kamay niyang nakapatong sa lap niya. Kinuha ko yung kamay niya at tiningnan.
"Kamay ng babae" sabi ko
"Aika ano bang ginagawa mo?"
Hinigpitan ko yung hawak sa kamay niya. Parang magka-holding hands na kami.
"Aika ang touchy mo masyado" malanding sabi nito.
Napangiti ako sa sinabi niya.
"Bakla...ang lambot ng kamay mo" asar ko
"Di nga ko bakla" namula siya. Muntanga pero ang cute.
"Rafael....kilala mo ba kung sino yung nagbibigay sakon ng sulat?"
"hindi pa rin eh"
"ganun ba? Kung sino man siya sana itigil niya na...kasi may iba na kong gusto"
Biglabg pumreno yung sasakyan.
"Sorry. may tumawid lang na pusa"
Agad siyang nag-drive. Hindi na siya nagsalita after nun.
Gusto ko nang ipatigil yung pagpapadala ng sulat nung lalakeng yun kasi may iba na kong gusto. Sapul ako sa sinabi ni emanuelle kay Zayden sa rooftop ng hospital. Nandun kasi ako nung nag-uusap sila kasi ihahabol ko sana yung cellphone ni Emanuelle na nakalimutan niya sa sidetable ng kwarto ni Aizel. Tapos yun...di ko sinasadyang marinig sila.
BINABASA MO ANG
Loveless Relationship [EDITING]
RomanceEight persons composing of four different kind of couples suffering from one mutual feeling.