Chapter 16 : Nice Lie

534 31 6
                                    

Zayden's P.O.V

Ano na naman bang plano ni onee-chan at hinaltak ako--este KAMI papunta dito sa likod ng school (parteng garden na may benches)

"Ginusot mo yung uniform kaya ipag-plantsa mo ko bukas" pag-uutos ni Ely.

di ko na lang pinansin. Nakatingin kasi ako sa wallpaper ko ee. ----si Lether. Ganda niya.

"Anong akala mo sakin? YAYA mo?!" -Onee-chan.

"Hindi naman. pero mukha kang KATULONG kaya pwede na rin" -Ely

"OH TALAG---" di siya natapos kasi nag 'ssshhh' si Rafael na binatukan naman ni ate Aika.

"wag kang epal bakla" utos ni ate aika dito.

"TAMA NA NGA. sabihin na kasi yung kailangang sabihin ee, nag-aaksaya lang kasi ng oras!" sigaw ni Eiko tapos tumingin sakin na nakataas ang kilay. 

Ano problema nun?

"Whatever. Pinapunta ko kayo dito kasi may naisip na kong plano para hindi matuloy yung sinasabi nila manager" napahinto kaming lahat sa sinabi ni Onee-chan.

So sineryoso niya talaga yung tungkol sa 'SIYA' yung puno't dulo ng lahat? HAHA. uto-uto talaga. Sinabi sakin ni Manager Ven na niloloko niya lang nun si onee-chan tapos ginatungan naman namin ni Kuya Tyler...naniwala tuloy.

"Ano naman yung tungkol sa PLANO MO , aber?" -Ely

"Ito na nga. Naisip kong sa AWAY ang pinagmulan nito kaya dapat magkasundo na tayo" -Onee-chan

Nanlaki yung mga mata namin.

MAGKASUNDO?! HECK NO !

"hindi pa ko tapos. Magpapanggap tayong magkasundo sa harap nila Manager para isipin nilang hindi na nila kailangang gawin yung pinplano nila, gets?" 

AHHHHH.

"Sabihin na nating maganda yung plano mo. Pero bigyan mo kami ng magandang rason kung bakit namin kailangang pakinggan yung gusto mo? SINO KA BA?!" pagtataray ni Eiko.

"Wag ka ngang umasal na parang ang tanda mo sa kausap mo" sinabi ko tapos napatingin siya sakin with the same face. (galit siya)

"Wala kang paki BAMPIRA. bakit hindi mo na lang tingnan yung WALLPAPER mo diyan na pagmumukha ni LETHER NERI?! HA?!" sigaw niya sakin.

"May picture ka ng kapatid ko?" singit ni Ate Aika. Yare na ko.

"ah kasi ano ee....meron nga." sinabi ko habang kinakamot ko yung ulo ko.

epal si Eiko.

paano niya ba nakita yun?

"Bakit?" -Ate Aika.

"Kasi mahal niya si Lether." sabi ni Eiko

napatahimik na lang yung lahat hanggang sa basagin ni Megumi.

"Tigil na nga. Aizel ituloy mo na yung sasabihin mo" sabi nito at agad ring umupo.

in all fairness...di sila nag-aaway ni Emanuelle. 

"Gaya ng sinasabi ko. Ito lang yung naiisip kong paraan para matapos na yung NIGHTMARE na meron tayo. Alam kong ayaw niyo ring makasama kami sa isang lugar ng HALOS ISANG BUWAN. For the sake of our life, pumayag na kayo sa gusto. Magpanggap lang tayo na magkabati tuwing nandyan sina Manager---ganun lang. Pero kung ayaw niyo pa rin...siguro naman may masa-suggest kayong iba diba? pwes Kung wala pa rin kayong ma-suggest, WALA NA KAYONG MAGAGAWA kundi gawin yung plano ko" pagpapaliwanag ni Onee-chan.

Loveless Relationship [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon