Chapter 28 : Capital "S"

449 27 2
                                    

Ely’s P.O.V

Pabalik na ko ng kwarto. Baka sakaling nandun sila Emanuelle.

Kanina pa kasi talaga ko namomroblema kung paano ko ba gagawin yung kondisyon ni Aizel. Sabi niya pahalagahan ko daw ang mga taong nagpapahalaga sa Half Beat band.

“MGA” tao. So plural yun. MADAMI. Sinu-sino naman yun?

Bubuksan ko n asana yung pinto kaso hinarang ako ni Abby.

“Sama ka samin mamaya. Spin the bottle tayo” –siya

“Pass muna ko”

“Hindi pwede! Sige na naman Mr. Elysmere Vera…sumama ka na ~~ Minsan na nga lang ‘to eh tapos aa—“

“Fine. Sasama ko”

Kuminang yung mga mata niya.

“Pakisama na rin yung ibang member ng Half Beat band ah~~Ciao~~” at umalis na siya sa harap ko.

Pagkapasok ko naman ng kwarto. Hindi kanais-nais ang nakikita ko.

Si Emanuelle at Megumi….magkayakap.

O___O

Nang mapansin nila ko…nagkalas sila nang sobrang bilis. Mukhang nahiya.

“May na-miss ba kong balita ?” asar ko sa kanila.

Mukhang magkasundo na eh.

“W-wala. Sige mauna na ko” sabi ni Megumi tapos tumakbo palabas ng kwarto.

Si emanuelle naman naupo sa kama niya.

“Nagkasundo lang kami” mahinang sabi niya “Ikaw? Kamusta na kayo ni Aizel?”

Umupo ako sa tabi niya at pinaliwanag ang lahat.

“Pahalagahan ang MGA tao na nagpapahalaga satin kapalit nang pakikipagsundo sayo ni Aizel? Teka…isipin ko lang ah”

Tingnan niyo. Kahit siya nahirapan kung sino ba yung tinutukoy na tao dun.

Lumipas ang 45 minutes at nawalan na ko ng pag-asa kay Emanuelle. Kanina pa siya nag-iisip pero hanggang ngayon…wala pa rin.

“Sige alis na k----“

Tumayo siya na parang biglang may naisip.

“ALAM KO NA !!! It’s no other than OUR FANS ! Sila lang yung MGA tao na nagpapahalaga satin diba?”

Tama. Bakit hindi ko agad naisip yun?

“Salamat Emanuelle. Maasahan ka talaga”

Tinapik ko siya sa balikat at agad akong umalis. Kumatok ako sa kabilang kwarto. Baka nandun si Eiko eh. Kailangan ko siya ngayon….siya lang kasi ang nakakaalam ng password ng official twitter account ng Half Beat band.

*knock kno---

Hindi ko tapos kumatok ng biglang parang may nabasag na kung ano sa loob nung kwarto.

“HOW DARE YOU TO SAY THOSE WORDS TO MY GIRLFRIEND?!” sigaw ni Rafael.

Teka? Bakit nandito si Rafael sa kwarto ng mga girls?

“Nagsasabi nga ako ng totoo !!! Nakita ko siya na kasama si Askie. Sabay silang pumasok sa isang kwart---“

*PAK*

Loveless Relationship [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon