Chapter 55: Not officially last.

380 28 6
                                    

Aizel's P.O.V

*Folded paper publishing company sent you a message*

Nanlaki yung mata ko at nagdalawang isip pa kung bubuksan ko ba yung message nila sakin.

"Hi Ms. OnceUponAizel , I'm Ms. Prei from folded paper publishing company. We'd read your story yesterday and we want your story to be published as a book. We'll wait for your response if you want our offer."

Agad akong nag-reply.

"Scam po ba kayo?"

Like hello? Bigla na lang silang nag-message.

"Hindi po. :)"

"Yung tungkol po dun sa pagpa-published....pano niyo po nalaman yung story ko?"

"May nag-recommend samin kahapon at sinabi niya kung pwede daw namin bigyan ng opportunity yung story mo para ma-published. Binasa namin yung Loveless Relationship and we decided to sent you a message regarding our offer."

"Sino po yung nag-recommend?"

"Ayaw niyang ipasabi mismo sayo yung pangalan niya. But Ms. OnceUponAizel , are you accepting our offer?"

Nag-isip pa ko bago sila sagutin. Sino yung nag-recommend? Bakit niya ni-recommend? 

"Pumapayag po ako. Salamat po binigyan niyo ng opportunity yung story ko."

Nag-usap pa kami na kailangan ko daw munang i-edit yung story ko. Kung ano yung scenes na ititira at aalisin. Yung mga hindi na importante ay kailangang burahin at bawasan ang mga flaws. Mga ganung bagay. Pero bago siya mag-paalam sakin, tinanong ko ulit kung sino ba yung mabait na taong nag-recommend ng story ko sa kanila, Hindi pa rin siya sumagot. 

Sino kaya yung taong yun? Sino man siya, Thanks for recommending my story. S/He helped me to reached one of my dreams.

Zayden's P.O.V

Di pa rin siya sumasagot sa mga tawag ko.

"Kung gusto ka niyang kausapin, gagawin niya" sabi ni Lether sa tapat ko.

Nasa bakeshop kami ngayon.

"Welcome ma'am" sabi nung guard sa pumasok na customer. 

"Eiko?" napangiti ako at lumapit sa kaniya. Hinawakan ko pa yung kamay niya.

"Excited akong makita kita. Miss na miss na miss na kit---"

Huminto ako dahil bigla siyang umalis para pumunta sa counter. Um-order siya ng vanilla cake kay Kuya Rafael. Hindi nagta-trabaho si Rafael sa bakeshop , saydang gusto niya lang akuin yung trabaho ng girlfriend niya. 

"Salamat ulit kuya~" sabi nito tsaka ngumiti.

Bago siya lumabas ay hinarang ko siya.

"Mag-usap naman tayo oh." pakiusap ko.

Aalis na siya pero hinarangan ko ulit.

"Please." 

Huminga siya ng malalim tsaka nagsalita.

"Isama mo si Lether." lumabas siya

Sinundan namin siya ni Lether at nung nasa labas na kami ay siya yung unang nagsalita.

"I don't like you Zayden. I don't want you to like me either. Stop courting and please pretend that we don't know each othe----*pak*"

Loveless Relationship [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon