Chapter 3 : Maganda

1.1K 39 15
                                    

Eiko's P.O.V

Lumabas na kami ng kwartong yun at nagperform ulit yung HB band. Bwisit talaga. Inaasahan ko naman na mangyayari 'to ngayon pero nakakainis pa rin! 

Mabuti na lang at nasampal ko yung isa sa kanila, yung mukhang bampira na kapatid ata nung Aizel. 

Pagkatapos mag-perform ng HB ay sumunod na yung banda nila Aizel. Masama yung tingin namin sa isa't-isa habang umaakyat sila.

Habang tumutugtog sila ay walang pakialam yung mga HB Fans. Dapat lang.

"Korean" -kuya emanuelle

"Baliw. Japanese song." - ate megumi

"Korean nga."

"Japanese song kasi eh. Marunong ka pa sa'kin, ako nga 'tong half-jap, diba?"

"Wala kong paki sa kalahati mong lahi, basta korean song."

"Japanese kasi 'yan siraulo."

Ayan na naman sila. 

Pinakinggan ko na lang yung banda nila Aizel para matapos na yung pagtatalo nila. I did some research, Tora Band ang pangalan ng banda nila Aizel at part-time nila ang pagkanta dito sa Rocketeens. 

At ang kinakanta nila ay puro japanese song. Madalang lang ang english. Well siguro kasi half-japanese yung magkapatid at otaku naman yung guitarist nilang si Aika.


Ely's P.O.V

Nakatambay lang kami ng banda sa backstage at pinapakinggan namin yung pagtugtog ng banda ni Aizel. Ang sabi ni Eiko, Tora Band daw yung tawag nila sa kanila.

Tora means Tiger. Tiger Band? Parang pangalan lang ng pandikit.

"Baka! (Stupid!) Japanese song kasi! Ang kulit ng ninuno mo ah!" -Megumi

Ang ingay pa rin nila. Ang sarap sapakin ng gitara.

"Baka? Oy hindi ako hayop ah! Tinulad mo ko sa'yo, mukhang kambing! Basta Koren yan." -Emmanuel

Simpleng bagay, pinagtatalunan.

*BLAAAG*

Napatingin kami lahat sa stage at may isang microphone na sadyang nilaglag sa baba.

"Shut up!" sigaw ni Aizel sa mga fans namin

"Bumaba na kasi kayo!"

"Nasaan ba ang HB, bakit kayo yung nagpe-perform?!"

"We want HB! We want HB!"

at nagpatuloy pa sila sa pagsigaw. 

Nakakatawa yung mukha ni Aizel at ng banda niya. Pilit nilang kinakalma yung isa't-isa para hindi sumabog sa galit. Priceless.

Nawala na lang yung ngiti ko ng magsimula na silang batuhin ng mga fans namin. Una, mga papel lang pero nagulat kami ng biglang may nambato ng bracelet kay Aizel. 

Sa sobrang galit naman ni Aika ay binalibag niya yung gitara ni Rafael.

"Baby ko!" sigaw ni Rafael sa gilid, tinutukoy niya yung gitara

"Pare pinatay nya yung baby ko." sabay takip ng mata na para talaga siyang umiiyak.

Tinapik-tapik ko yung balikat niya,

"Wag ka mag-alala pre, papalibing natin 'yang baby mo." 

Bumaba na ng stage sila Aizel at napansin kong nagdudugo yung noo niya, yung natamaan siguro ng bracelet.

"Pagsabihan niyo 'yang fans niyo. Masyadong bayolente." sabi ni Aika 

"Pwes pagsabihan mo rin 'yang mga kaibigan mo. Masyadong galit sa banda namin." galit na sabi ni Rafael

"Isa pa, pagsabihan mo rin yang sarili mo. Masyado kang mapanira. Feeling mo ba sayo yung binalibag na gitara kanina?" dagdag niya

"Papalitan ko, wag ka nang umiyak diyan." -Aika

"Ikuzo." (Let's go.) -Aizel


Zayden's P.O.V

Kahit ilang yelo ata ang ilagay ko dito sa pisngi ko, wala pa ring silbi eh. Nakakainis lang yung surot na yun. Ang lakas sumampal.

"Oy anong nangyari sa inyong dalawa? Bakit namumula pisngi mo, Zayden? Bakit may banda aid yang noo mo, Aizel?" tanong ni kuya ng makauwi na siya ng bahay

"Wala, nagka-tensyon lang." palusot ni Ate

"Tensyon? Wag niyong sabihin na hindi kayo lumaban kaya nagkagalos kayo?" galit na sabi ni kuya at nilapitan kami

"Lumaban kami, okay. Sadyang nagka-galos lang. Kumalma ka nga kuya." sabi ni neechan

"Oh ikaw naman Zayden, lumaban ka ba?" -kuya

Hindi ko lang talaga alam kung bakit kailangang i-big deal 'to ni Kuya. Ang liliit na galos lang naman eh.

"Hindi ako lumaban, mukhang surot eh." rason ko

"Kahit na anong hitsura niyan, dapat nilaban mo pa rin." 

"Hindi pa rin pwede, babae eh."

Tumayo na ko para umakyat sa kwarto ko.

"Babae? Maganda ba?"

Hindi ko na siya pinansin at humakbang na sa hagdanan.

"Ano nga Zayden, maganda ba?" pagtatanong nya ulit.

"Inaantok na ko kuya, Good night."

Nandun na ko sa huling hakbang paakyat ng second floor nang magtanong ulit siya.

"Sagutin mo muna ko bago ka matulog. Maganda ba?"

"Kahit anong ganda ng babae, kung masama naman ang ugali, wala pa ring silbi!" pasigaw kong sagot para marinig niya

"Ahhh so maganda nga siya?"

Anak ng! Bakit ba ang kulit nito?

"Kahit anong gan---" 

"Oo lang o hindi, Zayden. Maganda ba?"

"Oo na maganda siya." mahinang sabi ko

"Huh? Ano ulit? Hindi ko narinig!" sigaw ni kuya. Tsk.

"Oo nga maganda siya!" sigaw ko

"Pero surot pa rin siya." mahinang sabi ko at tuluyan nang pumasok ng kwarto.

Loveless Relationship [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon