Aizel's P.O.V
Alam ko ang ginawa ko lang kahapon ay tinanggap si Ely bilang lead role eh. Pero ngayon...bakit niya ba ko sinundo sa bahay ko at pinunta sa bahay niya?
"Hi hija ! I heard that you're the script writer? That's great!" sabi ng isang medyo may edad na babae. Pero postura pa rin.
Si ely naman nasa likod nito at sinesenyasan akong mag-smile daw. Ewan ko kung ano problema ng taong 'to.
"Salamat at tinanggap mo sa cast si Ely...first time niyang um-acting at tingnan mo nga naman, LEAD ROLE agad ang nabingwit. Mana talaga siya sakin~"
Ah so ito pala ang mama niya. No wonder kung saan siya nagmana.
"Wala pong anuman yun" ngumiti ako ng pilit.
Hindi rin naman nagtagal yung pag-uusap dahil umalis na rin kami. May pasok pa kasi eh.
"Salamat ah. Di mo sinabi kay mama na nagmakaawa lang talaga ko sayong tanggapin mo ko sa cast" sabi niya habang naglalakad kami papasok ng school.
Alam ng mga students na kami ang labtim. Wala kong pake actually.
"Asus wala yun. Kawawa naman kasi yung mama mo kapag malaman niyang isang patapong musician yung anak niya" at tumawa pa ko pero bigla niya kong hinigit sa kamay at hinawakan ang bewang ko.
Konting distansya na lang...bye bye tsup tsup na ko. P*nyeta naman 'tong lalakeng 'to !
"Bakit mukha kang naiilang Aizel? Dapat simula ngayon masanay ka nang malapit ang mukha ko sa mukha mo"
Inaasar lang ako neto eh. Ngumiti nga ako at mas nilapit yung mukha ko. Kala niya ba natatakot ako? HELL NO!"Wow ! May mabuti rin palang nadulot yung bakasyon sa inyong dalawa" sabi ni Rafael mula sa gate, kasama niya si Aika.
"bakasyon?"
"meaning magkasama sila nung christmas season?"
"ELY BAKIT KA NAGTAKSIL?"
"Aika bakit mo inagaw si Rafael?"
"Wow. Di ko siya inagaw sa'yo noh. Like hell na naging sayo siya." sabi ni Aika dun sa babaeng sumigaw tapos binatukan si Rafael "Pasimuno ka eh ! Ingay mo ! Kailangan mo pa bang ipangalandakan sa buong school yung tungkol sa bakasyon?!" dagdag pa nito.
Unlike dati...nakangiti si Aika habang pinapagalitan si Rafael. Iba talaga ng nagawa ng bakasyon sa kanila.
"SAGLEEEET WAG NIYONG ISARA !!!!" sigaw ng isang babae mula sa gate. Si Eiko pala.
BINABASA MO ANG
Loveless Relationship [EDITING]
RomanceEight persons composing of four different kind of couples suffering from one mutual feeling.