Zayden's P.O.V
Alam kong nagpunta si Eiko sa bahay nung isang araw. Kakausapin ko sana siya kaso gaya ng sabi niya sakin. Wag ko daw MUNA siyang kausapin ng isang linggo.
Sabi niya "MUNA" pero hanggang ngayon di pa rin siya nagpaparamdam sakin.
"Kaya mo? ang hirap kaya nun. Pati ako nag-isip eh. Pano nga kaya maging dalawa yung buwan. Haha." napalingon ako sa nagsasalita.
Yung dating kasama ni Eiko na lalake. Fyu ata ang pangalan.
Tumayo ako at nilapitan yung table niya. Agad kong inagaw sa kaniya yung phone. Sigurado akong si Eiko yung nasa kabilang linya.
"Kung ayaw mong makipag-usap sakin, ayos lang. Pero sana wag ka ring makipag-usap sa lalakeng 'to kasi hindi mo alam kung gano ako nagseselos."
"Masaya kong malaman na nagseselos ka. Atleast alam kong mahal mo ko."
"Ang daya mo. Alam mong mahal kita , samantalang ako hindi ko alam kung mahal mo rin ako."
"Sorry...hindi ko pa rin kasi nagagawang maging dalawa yung buwan."
"Pwede bang tigilan mo na yan? Okay lang naman sakin kahit di mo magawa yun eh."
"Para sayo OO. Pero para sakin, hindi okay yun. Hnagga't hindi ko pa nagagawang maging dalawa yung bilang ng buwan...wag ka munang makipag-usap sakin."
"Ei--*tooot*"
Tama nga ako. Ayaw niya lang talaga kong sagutin kaya dinahilan niya yung DALAWANG BUWAN.
"Oh sayo na cellphone mo. Wag ka nang makipag-usap kay Eiko ha! Lagot ka sakin!" pananakot ko.
*dismissal time*
Alam ko kung saan yung bagong school nila Eiko.
Palabas na ko ng gate nang bigla kong harangin ni Kuya Rafael na naghihintay sa gate kasama si Kuya Emanuelle.
"Si aika?" -rafael
"Nasa loob pa ata. Ewan ko. Excuse me kuya! Pupunta ko sa school niyo ngayon"
"Bakit? Susunduin mo si Eiko?" -Emanuelle
Tumango ako pero bigla na naman akong hinarangan ng dalawa.
"Wag! Wag na wag mong gagawin yan!" -Rafael
Bakit naman? Meron ba kong hindi pwedeng makita?
"Kuya emanuelle, ganda ng hairstyle mo. AYUN SI ATE AIKA OH!" sabi ko tapos tumuro sa kaliwa.
Sinamantala ko na yun para makatakas.
*Pierro University*
Naghintay ako sa front gate nila. Pero bago ako pumunta .. may nauna na. Nakita ko si Fyu na naghihintay din.
Lumabas na yung mga students ng P.U at nakita ko si Eiko, sinalubong niya si Fyu tapos mukha siyang masaya nung makita niya 'to.
Agad akong lumapit sa kanila at hinrang sila sa paglalakad.
"Matagal na?" masungit kong bungad.
"Simula nung nag-aral ako dito...nagpapasundo na ko sa kaniya."
"Bakit hindi ako?"
"Kasi ayoko."
"Bakit ayaw mo?"
"Wala. Siguro kasi bata pa ko, paiba-iba yung gusto ko."
Parang iba si Eiko kaysa sa dati. Hindi siya yung tipong girl next door na sweet at palatawa. Yung paraan ng pagsasalita niya sakin....parang ayaw niya talaga kong kausapin.
"Bakit ganyan ka na?"
"Sabi naman sayo diba, wag mo muna ko kausapin hangga't hindi ko pa nagagawang dalawa yung buwan."
Nakakatawa yung sinabi niya pero hindi ako natawa. Naiinis ako sa pakikitungo niya sakin.
"Halatang galit ka na sakin Zayden. Choice mo na kung itutuloy mo pa yung panliligaw sakin. Sige aalis na kami~" Nagba-bye pa siya sakin bago umalis.
Ely's P.O.V
Pumunta ko sa dorm nila Eiko tutal magkalapit lang naman. Manghihiram lang ako ng phone. Wala kasi akong load eh.
Nagpaalam ako sa nagbabantay dun, kilala naman na ko kay hindi na mahirap.
Umakyat ako sa room niya at dahil siya lang mag-isa dun, wala pa siyang ka-room mate. Kinuha ko yung phone niya sa side table.
"Abby this is Ely. Sunduin na lang kita para sabay na lang tayo sa friday" text ko kay Abby. Magka-blockmate kami.
*bzzzt*
"Kahit na pinakilala sakin ni Ely yung manliligaw mo, hindi pa rin ako pabor na maging kayo. 15 years old ka pa lang and you're too young for love. I hope that you will follow me as your mother. Don't disspoint me." -Mom
Dun ko lang na-realize na napamali ako ng bukas ng message. Galing kay tita yung message.
*krriiik*
"Oh kuya! Andito ka pala. di ka nagsabi." sabi ni Eiko at ngumiti.
"Si tita ba yung dahilan kung bakit ka lumayo kay Zayden?"
Napalunok siya at dahan-dahang tumulo yung mga luha niya. Yumakap siya sakin ng mahigpit.
"Tama ba yung ginagawa ko?"
"Ewan. Pero siguro nga..bata ka pa para sa mga ganung bagay. Kung talagang mahal ka ni Zayden, kaya niyang maghintay. Ay teka sandali , alam niya ba 'to?"
"Hindi. Ayokong sabihin."
"Okay sige. If that's what you want. Ayokong mag-butt in sa gusto mo, you're maybe 15 but I know that you already know what's wrong and what's right." Tinapik tapik ko siya sa ulo para tumahan na.
====================================
Z/N: EDEN yung name ng loveteam ni Eiko at Zayden. May " / " sign sa title ng chap obvoiusly because this is one of the saddest chap of EDEN loveteam.
BINABASA MO ANG
Loveless Relationship [EDITING]
RomansaEight persons composing of four different kind of couples suffering from one mutual feeling.