Chapter 47: Beyond my script

348 26 0
                                    

Aizel's P.O.V

"Aizel umupo ka nga lang sa isang tabi. Ako nahihilo dahil sayo eh" reklamo ni Ely habang nasa backstage kaming lahat.

"Why are you so cool in this preciuos moment Ely?" masungit kong tanong sa kanya

"Kung kakabahan ba ko may matutulong sa play?"

Well, he's right.

kinalma ko yung sarili ko at tumabi sa kaniya.

"5minutes!!!" -askie

5 minutes na lang...

Nagkumpol kumpol ang lahat ng casts pati na mga staffs para mag-pray tsaka kami nah chant para maiwasan pagpapanic. This is it.

Lumabas kami ni Ely para gawin ang unang eksena.

Rafael's P.O.V

Nanginginig si Aiks sa tabi ko kaya hinawakan ko yung kamay niya. Tinanong niya kung bakit ko ginawa yun pero hindi ko siya sinagot.

Saktong namatay ang ilaw para sa unang eksena. Hinalikan ko sa labi si Aika at saka sinabing...

"Hindi ikaw yung aarte...wag kang manginig. Na-explain ko na..labyu!" Mula sa liwanag ng spotlight...aninaw kong ngumiti siya.

Kukurutin ko pa sana yung ilong niya kaso may umupo sa tabi ko.

"Ui rafael!" sabi nito sabay kalabit sakin.

"Megumi?"

"Oo ako nga. long time no see"

Sinilip ko yung kabilang bakanteng upuan na naka-reserve kay Emanuelle...wala pa rin pala siya dun.

Megumi's P O.V

buti na lang naka-abot ako sa play. nadelay kasi yung flight ko eh.

Tumingin ako sa tabi ko...walang tao. Tinanong ko si Rafael kung bakit walang nakaupo. Sabi niya wala pa daw kasi si Emanuelle.

So siya pala ang uupo dito. Nakaramdam na naman ako ng guilt.

*Flashback*

"Hello Megumi. This is Emanuelle. I know na hindi ka busy sa school. Wag kang uminom nang marami, pangit sa babae ang lasenggo. Thanks for lying. You only prove me that you can't love anyone else. You only love yourself. Wala pa rin nga sigurong papantay kay Chuchi.Ayaw na kitang makita. Sana hindi ka na bumalik para hindi na kita magig girlfriend. Kung hindi mo ko mahal, ayos lang. The feeling is SOOOOOO mutual. Bye." *tooot*

Ni-loudspeaker ko yun kaya tagus-tagusan sakin LAHAT ng sinabi niya.

"Megumi anak" boses ni dad.

andito pala siya?

"I heard it." mahinang sabi nito sakin

Tumayo ako.

"And so? Alam ko namang wala kang pakialam dun. Wag ka mag-alala, hindi naman ako lumalandi."

Hindi kami close ni dad. Di niya naman ako mahal eh. Ang tanging nagmamahal lang sakin ay ang sarili ko.

"Megumi i'm sorry"

Lumapit siya sakin at niyakap ako.

"Sorry for not showing how much I love you as my daughter. "

"Dad...why so suddenly? Bakit bigla mo kong nakita bilang anak mo?"

"Narinig ko yung sinabi ng lalake sa voicemail kanina. At alam kong ako yung dahilan kung bakit naging ganyan ang attitude mo pagdating sa pag-ibig. Dahil sa hindi mo naranasan kung pano ka mahalin ng ibang tao. Pinagkait ko sayong mahalin ng isang magulang"

Loveless Relationship [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon