Chapter 42: Asar.

344 28 2
                                    

Aika's P.O.V

"Happy monthsarry Aiks~~!!!" bati sakin ni Rafael pagpasok ko ng gate ng school.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi pinansin yung BOYFRIEND kong mukhang tanga na may dala pang bouquet of flower. -____-

"Uy~ Pansinin mo naman ako. Nag-effort akong batiin ka oh." sabi niya

Diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makapunta na kami ng classroom.

"Aika anuba! Happy Monthsarry...I love you." may halong inis sa pagsasalita niya.

"Don't you ever say that three words when you really not mean it." sabi ko at umupo.

"Sa tingin mo ba hindi ako seryoso dun?" bulong niya at umupo sa tabi kong upuan. Nilapag niya yung bulaklak sa lamesa ko.

Tumitig ako doon tapos may naka-ipit na sulat. "Happy Monthsarry Aika. Sa susunod na bibigyan kita ng bulaklak...sa ANNIVERSARRY na ha. Paabutin natin yung relasyon nating ng isang DEKADA. Ay hindi...gawin na natin ng ISANG MILYONG DEKADA. Sana ako lang ang nag-iisang Bakks sa buhay mo. Ikaw lang rin naman ang nag-iisang Aikks sa buhay ko. Kinilig ka ba? Kung hindi...sige I LOVE YOU na lang. Okay na?"

Tawagan namin yan. Bakks tawag ko sa kanya (short for bakla) tapos Aiks tawag niya sakin (Short for Aika). Pinilit niya talagang magkaron kami ng endearment. Mukha bang endearment yun? 

"Sa susunod na babatiin mo ko ng FIRST MONTHSARRY....sana hindi na late" sabi ko at hinawakan yung bulaklak "Kahapon yung monthsarry natin at hindi ngayon." dagdag ko.

Ngayon alam niyo na kung bakit mainit yung dugo ko sa kanya? 

"Sh*t. Sorry Aiks...nakalimutan ko" agad siyang tumayo at biglang lumuhod sa gilid ko.

"Bakit mo nakalimutan?"

"Kasi Nakipagkita sakin si Ely nung bandang hapon na"

"Eh nung umaga? Hindi mo man lang ba naalala?"

"Tanghali na ko nagising"

"Anong klaseng excuse yan? Sa tingin mo ba mapapatawad kitang bakks ka?" sumimangot ako sa kanya.

May sasabihin pa ata siya kaso biglang pumasok yung prof namin. 

*Break time*

Nauna kong pumunta sa cafeteria at ramdam kong nakasunod pa rin sakin si Rafael. Dala niya pa rin yung bulaklak.

Naghanap ako ng table at nung may nakita ako...naki-upo rin siya.

"Kagigising ko lang nung 2:30 pm at bigla akong pinuntahan ni Ely sa bahay. Sinabi niya sakin kung pano ba siya ulit maalala ni Aizel. Binigyan ko siya ng advice na patunayan niya lang may epekto siya sa buhay ni Aizel. After nun umalis na siya sa bahay. Hindi kita nabati kahapon kasi talagang malilimutin ako. Sorry. Di na talaga mauulit."

*sigh* pano ko ba siya matitiis?

"Belated Happy FIRST monthsarry."

Lumiwanag yung mukha niya.

"Pinapatawad mo na ko?"

"Hindi. Jino-joke kita."

-_______-

" Aiks...I love you" he mouthed it and I was.... ---> (#^___^#)

Eiko's P.O.V

Loveless Relationship [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon