Chapter 38: You only know

392 27 1
                                    

Eiko's P.O.V

isang linggo na rin at wala pa rin kaming balita kay ate Aizel kung nagising na ba siya. Si kuya Ely...alam na yung kalagayan niya pero hindi pa 'to pumupunta ng hospital.

"Kamusta na si abby? ayos na ba yung sakit niya?" tanong ni tita.

kumakain kami ngayon ng almusal.

"Nung iniwan ko siya nasa ayos na yung kalagayan niya. Wag ka na mag-alala ma." walang ganang sagot ni kuya Ely.

Alam na rin ng tita yung nagyari kung bakit nga hindi natuloy yung play. Naintindihan niya naman daw pero mukhang hindi naman talaga.

Pagkatapos kong kumain umakyat na ko sa taas. Saturday ngayon kaya wala akong pasok.

Sila kuya rafael naman parati akong tinetext at tinatanong kung kailan ba kami dadalaw sa hospital. Hindi na lang ako nagre reply. Gustuhin ko mang magpunta para makita si Ate Aizel...hindi naman ako handang harapin si Zayden. Ayoko siyang makita.

Binuksan ko na lang yung laptop ko at pinagpatuloy ang pagbabasa online. *DEAR DIR,* by OnceUponAizel

*knock knock*

"Bukasss.."

"Magbihis ka ... dadalaw na tayo kay aizel"

"Ikaw na lang kuya."

Tinabi ko yung laptop tsaka ako nagtalukbong ng kumot.

"Ano bang problema? Makikinig ako Eiko"

Automatic na napabangon ako at niyakap si Kuya ely na nakaupo na sa gilid ng kama ko. Umiyak ako sa kaniya.

"dahil ba sa bampirang yun?"

tumango ako

"di ka niya gusto?"

"Dati gustong gusto ko nang magdalaga at magkaroon ng taong mamahalin ko. Nang makuha ko na yun...nasaktan lang ako. Kuya ayoko nang maging dalaga...gusto ko na lang maging bata habang buhay. Yung tipong walang ibang kayang mahalin kundi yung stuff toy lang."

Patuloy ako sa pag-iyak habang inaalo ako ni Kuya.

"Kasama sa buhay ang masaktan. Dahil kung walang sakit....hindi maiimbento ang gamot."

"pero ibang sakit yung akin. Sakit dahil sa pagmamahal yung naramdaman ko"

Naramdaman kong pinapat niya yung ulo ko.

"Sshhh..tahan na. May gamot sa mga broken hearted. Alam mo kung ano?"

"ano?"

"ngumiti ka. Kapag nakangiti ang isang tao...nababawasan ang mga stress na iniisip nito."

Hindi ko akalaing makaka usap ko si Kuya Ely ng ganito.

Sa huli...napapayag niya kong pumunta ng hospital. Kasama namin sila mama at tita.

*Room 56*

Yung papa lang ni ate Aizel ang nakita namin sa loob.

"Sir...pwede ba kitang maka-usap?" sabi ni Kuya Ely

"Kaano ano ka ng anak ko?"

"Ako po si elysmere Ver--"

*pak*

hindi pa tapos magsalita si kuya ely nang bigla siyang sinapak nito. Sila mama naman ay umawat... ako ay nasa isang tabi lang.

"Pwede bang wag mong saktan ang anak ko!" sigaw ni Tita.

Loveless Relationship [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon