Chapter 3

28 2 0
                                    


Bryson
F him. Di nanaman niya sinabi sakin na aalis nanaman siya. Crap. Lagi na lang siyang naglilihim sakin. Letse namang lalaking yun. Subukan niya lang magpakita sakin at matitikman nanaman niya ang pangalawa kong masarap na kamao. Nakakagigil nanaman siya.

Sinubukan kong tumawag kela tita. Walang sumagot. Kay tito naman pero di rin sumagot. Iniisip kong tawagan si Steve pero baka di niya rin sagutin. Letse talaga oh!

Kaya naisipan ko na lang magrelax sa pamamagitan ng pakikinig ng song. Kakaibabe by Donnalyn Bartolome.

Haaay potek talagang yun ang unang narinig ko eh noh. Tsk. But while listening to that, I remembered someone about that song.

Crap. Sinungitan ko nga pala siya kanina. Tsk anong oras na nga ba? Its 7:00 PM pa lang. Puntahan ko lang siya tutal malapit lang naman ang bahay nila samin eh. Tumatakbo ako papunta sa kanila pero nakita ko sa labas nila na may kausap siyang babae. Oh its Stace. Hinintay ko silang matapos bago pumunta kay Allice.

Pagkatapos nilang magusap, umalis na si Stace at pumasok naman sa loob si Allice ng bahay nila. Kaya inisip ko na lang na pumunta na sa bahay nila.

Bago ako kumatok eh hingal na hingal ako kaya nagpahinga muna ako bago pumasok sa bahay nila.

Kumatok na ako sa pinto nila. Nung binuksan niya ang pinto, bigla siyang nagulat nung nakita niya ako sa harap niya. "Oh, Brye! Ano g-ginagawa m-mo dito?"

"Gusto ko lang magsorry sayo dahil di kita pinapansin kanina." Sabay kamot ko sa ulo ko.

Bigla niya akong binigyan ng malaking ngiti na abot tenga lang ang ewan. "Hahaha. Ok lang yun. Saka bakit ka nga pala nagtantrums kanina?"

Napatingin ako bigla sa sahig at kinunot ko nanaman ang noo ko ng hindi tinitignan si Allice. "Kasi... di nanaman niya ako sinabihan... na aalis nanaman sila..."

Ngumuso siya habang hindi nakatingin sakin. "Ganun ba?"

Tumango na lang ako saka tumingin ulit sa sahig na kinatatayuan ko. "Dont worry. Pasok ka." Sabay hila sa braso ko papunta sa loob ng bahay nila.

Nang nakita ako ni tita--mama ni Allice--ay bigla niya akong binigyan ng malaking ngiti. "Oh Brye.Dapat sinabi mong pupunta ka dito para nakapaglinis man lang kami ng bahay."

"Ah okay lang po tita. Di naman po ako magtatagal dito eh." Sabi ko kay tita.

"Pasensya na talaga ah. Ano ba gusto mong pagkain? Bibili ako sa labas."

Binigyan ko na lang siya ng ngiti ma may halong hiya. "Ah wag na po tita. Okay lang po talaga ako. Wag niyo na lang po ako alalahanin."

"Ah sige sige. Basta sabihin mo kapag may kaylangan ka. Wag kang mahihiyang magsabi." sabi niya sabay talikod samin.

Pinaupo na ako ni Allice sa sofa nila para makapagusap na kami ng masinsinan. "So bakit ka ba nagalit nung umalis na si Steve papuntang States? Dahil lang ba na di ka niya sinabihan?" Tanong sakin ni Allice na may seryosong mukha.

"Because..." sabay lunok ko. "Kasi... ayaw ko ng iniiwan ako ng hindi ako sinasabihan. Sa tuwing nagyayari sakin yun, nasasaktan ako. Ayoko din na katabi ko pa siya sa gabi pero paggising ko ay umalis na pala siya ng hindi ko namamalayan. Part yun ng phobias ko. Ayoko ng mangyari ulit sakin yun..." sabi ko sabay yuko.

Lumapit siya sakin at pumunta sa likod saka ako niyakap sa likod ko. >/////< Nakakakilig pala pag ganyan ang ginagawa niya sakin. "Allice--"

"Dont worry Bestie. Kahit na umalis pa silang lahat, kahit kelan hinding hindi kita iiwan. Basta promise mo din na di mo rin ako iiwan ah?" Sabay labas ng pinky finger niya. "Promise?"

Nginitian ko siya sabay labas din ng pinky finger ko. "Promise." then nag promise na kami sa isat isa na di namin iiwan ang isat isa. Sarap pala ng feeling pag meron kang Best Friend na andyan sayo para damayan ka sa lahat ng problema mo noh?

Sana di magtapos tong pagkakaibigan namin.


Nakauwi ako ng masaya at napapaisip parin sa mga sinabi niya sakin kanina. Sana di kami paghiwalayin ng tadhana kundi pupuntahan ko bahay niyan tadhanang yan at susuntukin ko nguso niyan haha.


Kinabukasan, pagkagising ko ay di muna ako tumayo sa higaan ako at nagmumuni muni muna. Pagkatapos ay nagfacebook naman ako. Nagulat ako nang biglang makita ko ang morning selfie niya na may "#moveon" pang nakalagay. Haaay si bestie talaga.


Pagkatapos kong magmuni muni ng 20 mins ay tumayo na ako para makapaghanda na para sa school. Tinignan ko ang calendar namin at nagulat ako sa date ngayon. "ITS DECEMBER 10 ALREADY?!" gosh di ko namamalayan na malapit ng magpasko. Saka malapit na rin ang christmas party namin. Pero ang pinakahihintay ko ay ang New years day. Yay yay.


Mga ilang oras ang nakalipas ay nakaalis nako papunta sa school. Pero syempre lagi naman eh. Nakita ko nanaman si Allice at nakasabayan ko naman siyang lumakad papuntang school namin.


"Hi Allice." Bati ko sa kanya.



"Hello din! Muzta araw ngayon?" Tanong niya sakin na may kasamang malaking ngiti.


Nginitian ko na lang siya. "Okay naman. Tara na at baka malate nanaman tayo at baka magkaroon nanaman ng sermon galing kay Ms. Tabachingching." Sabi ko kay Allice.


Sabay naman kaming pumunta sa school at pumunta sa locker room. Haaay. Ang bilis ng araw noh? Malapit nanaman ang pasko. Pero iisa lang naman talaga ang hiling ko eh. Ooops. Secret muna. Malalaman niyo na lang sa Christmas.

Still Bestfriends?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon