Allyson
Pinagpawisan na lang ako bigla sa tanong sakin ni Anne. Di ko siya kayang tignan. Nakatingin lang ako sa paligid kung saan ang mga tao ay nagpapakasaya. Pero ako hindi. Minsan pala talaga unfair ang mundo ko. Ay mali. Lagi pala. Lahat na lang ng mahal ko sa buhay ko ay nawala na sa tabi ko."Uy Liz. Ok ka lang?" tanong ni Anne sakin na may halong pag- tataka.
Lumingon na ako sa kanya "Ok lang ako. Ano ulit tanong mo?" Sabay inom ng wine na nasa harap ko dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Yan tuloy sa sobrang kaba ko napaone shot tuloy ako.
Nakita ko sa mukha niya na nagtataka siya kaya umiwas na lang ako ng tingin ko. "Yung totoo?" Tanong niya sabay taas niya ng dalawa niyang kilay. "Never mind. Ang tanong ko ay kamusta na kayo ng Best Friend mo ngayon? Tagal ko narin siya di nakikita. Kasi ineexpect ko na magkasama kayo ngayon."
Yumuko na lang ako saka nagsalita. "Uhm actually... artista siya. Kaya di na kami nagkikita 3 years ago. Di na naguusap at di na nagkakamustahan."
Di ko namalayan na may luha na palang dumudulas sa pisngi ko kaya agad ko yung pinunasan. Nakakahiya kasi kay Anne eh.
"Uy bakit ka umiiyak?" tanong niya sakin sabay abot ng kanyang panyo.
Pagkatapos ko punasan ang bawat luha na nanatili sa mukha ko. "Ah hindi. Napuwing lang naman ako."
"Weh? Naku tigil tigilan mo ko sa ganyang pagsisinungaling mo. Nakita ko na yan sa movies. Ang mais mo. Ano nga?"
"Ahm please Anne. Change topic na lang please..." sabi ko habang pinupunasan parin ang mga luha ko.
"Ahm...oh sige. If thats what you want," sabi niya habang inaayos ang kanyang pag-upo. "So musta ang pagrampa sa stage? Di parin pagod ang bewang mo?" Humalakhak siya bigla.
"Haha di naman siz. Pero nakakapagod din minsan but its fun." ningitian ko siya.
"Haha kung ako nasa posisyon mo, itotodo ko na yung paggewang ko. Hanggang sa gumunaw na ang mundo." Humalakhak nanaman siya.
Masaya pala siya kausap noh? Masarap ding kasama. I think magkakasundo kaming dalawa.
Tumingin ako sa relo ko at nagulat ako ng nakita kong its 9:00 PM already. Grabe di ko namalayan na two hours na pala kami naguusap at nagtatawanan.
"Ahm Anne. Kelangan ko ng umuwi. Its already 9:00 PM. Baka nagaalala na sina mama. Nakauwi na si papa kanina pa."
"Ah ok lang. Sige baka nagaalala narin yung boyfie ko. Thirty minutes na lang uuwi na siya samin. Sige Liz tara na."
Bago muna kami umalis sa table ay hinintay muna ako ni Anne para matawagan ko na si Stace para sunduin ako.
"Hello? Stace sunduin mona ako. Its already late." sabi ko sa kanya.
"Oh sige sige. Hintay ka fifteen minutes. Magaayos lang ako sige ingat ka diyan. Muah." sabay baba ng phone niya.
Tinanong na ako ni Anne habang nakataas ang kanyang kilay "Oh ano sabi?"
"Ah hintay lang daw ako ng fifteen minutes. Di naman kalayuan ang bahay nila dito sa resto. So pwede mo ba akong hintay?" Tanong ko sa kanya.
"Sure." simple niyang sagot.
Habang naghihintay ako kay Stace, bigla na lang nagring ang CP ko. Nakita ko na tumatawag si mama.
BINABASA MO ANG
Still Bestfriends?
RomanceWala parin silang pakielam kahit inaasar parin sila Allice at Brye ng mga kaibigan nila na bagay sila. Dinedeny lang nila iyon kapag naririnig nilang mga iyon. But what if kabaligtaran ang mangyari sa mga sinasabi nila? Time changes sabi nga nila. M...