Allyson
"Hello girls! Andito rin pala kayo?" Sabi ni Ruth.Uy kumpleto kaming tatlo ngayon ah? "Oo nga eh. Di rin namin alam na andito ka ah?" Sabi ni Stace. "Sama ka na lang din sa lakad namin ngayon. Alam mo na bonding-bonding, chatting-chatting and shopping-shopping."dagdag pa niya.
Tumingin siya samin sabay ngiti samin. "Oh yeah sure. Siyempre alam niyo naman girls need to relax too." sabi niya saka tingin sa binabasa niyang book.
Napatalon na si Stacey sa sobrang saya sa pagsama ni Ruth samin.
Yung totoo Stacey. Ewan ko sayo.
Sabay na kaming tatlong nagpa rebond ng buhok namin. Enjoy much. Nakakagaan kasi ng loob eh.
Next stop is shopping in MOA. You know shopping shopping. Ang MOA lang naman ang pinakamalapit na mall samin eh kaya no choice.
Sinulit na namin ang oras namin. Mga 2 at kalahating oras ang pag lilibot namin sa buong mall.
"Liz. Hintay mo kami sa labas. Punta lang kami sa toilet." Wala akong magawa kundi sumunod nalang. Tumango na lang ako sa kanya.
Oh I forgot to tell you something. Simula nung nagmodel na ako, pinapili nila ako kung ano ang gusto kong nickname.
Sabi ko ay Allice. Pero ayaw nila dahil parang di daw pang model. Pero hanggang sa maisip ko ang Liz ay pumayag na lang sila.
Habang tumatagal ay nasanay na akong tinatawag nilang Liz kaya sabi ko sa friends ko ay Liz na lang ang itatawag nila sakin.
Back to reality...
Habang naghihintay ako sa labas ng CR ay biglang may dalawang babae ang naguusap ang nilagpasan ako kaya narinig ko ang pinagusapan nila.
"Uy girl. Alam mo ba na may artista dito na nagcoconcert galing sa States?" tanong ng isang babae.
"Yes girl. At saka sabi nila na siya daw ay nanatili dito 3 years ago bago siya makapag artista dun sa States. Saka narinig mo ba yung sad story niya?" Tanong pa ng kasama niyang babae.
"Hindi eh. Pero sabi daw nila na iniwan daw niya ang pinakamamahal niyang babae ng dahil lang sa desisyon lang ng pamilya niya." sabi naman ng isang babae.
Teka... siya ba yung tinutukoy nila? Argh ang saya ko na ngayon naalala ko nanaman siya.
FYI pumunta ako dito sa MOA para makarelax di para sa past ko!
Gusto kong palayain ang mga luha ko sa mga mata ko pero biglang nagpakita na sina Ruth sakin kaya pinigilan ko na iyon.
"Uy Liz! Bakit parang nakatulala ka diyan? Deep much?" sabay siko sa gilid ko.
"Tara alis na tayo girls. Sa iba na lang tayo magrelax..." sabi ko ng seryoso sabay talikod sa kanila.
"Ano problema nun Ruth?" rinig ko ang bulong nila. "Hayaan na muna natin siya. Lets just give her some time."dagdag naman ni Ruth saka sinundan ako.
Paalis na kami sana pero may narinig akong pamilyar na boses sa mic. Dun na talaga nagsimula tumulo ang mga luha ko.
"Wazzup! Kamusta kayo diyan!" sigaw niya sa mga tao na nanonood sa kanya. Halos magsi himatayan na yung mga fans niya para lang mahawakan siya.
"Hey do you know kung kanino yung boses na yun?" sabi ni Stace sabay tingin sakin.
Pinunasan ko na ang mga luha ko na nagsisituyuan sa mukha ko saka sumimangot. "Guys tara na. Please guys gusto ko ng umalis dito!" Sigaw ko sabay labas ng mall. Mas lalong lumakas ang pagiyak ko at di ko iyon mapigilan.
BINABASA MO ANG
Still Bestfriends?
RomanceWala parin silang pakielam kahit inaasar parin sila Allice at Brye ng mga kaibigan nila na bagay sila. Dinedeny lang nila iyon kapag naririnig nilang mga iyon. But what if kabaligtaran ang mangyari sa mga sinasabi nila? Time changes sabi nga nila. M...