Chapter 2

25 2 0
                                    


Allyson
"Pasukan nanaman bukas." sabi ni Brye.

Nasa bahay kami ni Brye para magawa namin ang report namin kay Mrs. Tabachinching. Bukas na kasi report namin eh.

"Argh! Bakit kasi Algebra pa ang pinareport sating dalawa eh! Ang sakit tuloy sa ulo. *Hikab Hikab* inaantok tuloy ako. Gisingin mo ko pag tapos ka na diyan ah." Sabi ko kay Brye habang naka laydown ang ulo ko.

Binatukan naman agad ako ni Brye. "Ouch! Ano ba yan! Para san yun?!"

Kumunot nanaman ang ulo niya saka tumingin sakin. "Huy! Ano ako lang gagawa? Gawa gawa din, men!

Inirapan ko na lang siya tapos tumuloy nako sa gawain namin. "Brye paturo naman nito. Hirap kasi eh."

"Kasi ganito yu--" di natuloy ang sinasabi niya nang dahil nahulog ang ballpen na hinahawakan niya.

Inabot ko naman ang ballpen niya pero sinubukan niya rin kunin ang ballpen niya kadahilanan ng paghawak namin ng kamay. Nagtinginan kaming dalawa saka namula din ang aming mukha. Kaya umiwas siya ng tingin sakin. "Ako na Allice."

Shi*! What kind of this awkward feeling na nararamdaman ko ngayon?!

Kaya pinagpatuloy na lang namin ang paggawa ng report namin.

Mga ilang oras ang nakalipas, sa wakas at nakatapos narin kami sa aming ginagawa.

"Sige na Brye. Uwi nako. Babush!" Sabay kaway ng kamay
ko sa kanya.

Pagkauwi ko pa lang eh humiga nako sa higaan ko at nag selfie agad. "Hihi! Maipost nga toh sa FB! #Nakataposdin"

Pagkatapos kong ipost eh biglang marami na agad naglike sa Selfie ko. Hihihi! Pafame lang ang ewan eh noh!

Kinabukasan, masaya ang gising ko dahil hindi ko na nararamdaman ang sakit na binigay sakin ni Steve.

"Selfie time! Post! #Imbacktobeme. Hihihi!" Sarap pala ng feeling kapag ganto ang umaga ko noh?

Habang naglalakad ako papuntang school eh what do you expect. Its Brye again.

"Oh hi Allice? Bakit parang ang saya mo ngayon?" Pangiti niyang tinanong.

Nginitian ko din siya bago magsalita "Hi din! Wala lang. Masaya lang ako ngayon. Lalong lalo na kapag nawala na sa isip mo ang taong nanakit sayo."

"Haha. Congratz Allice. Pero alam mo ba na di pa bumabalik sa amin si tito, tita and Steve? Di ko nga rin alam saan sila eh."sabi niya sakin na may halong pagtataka.

Yumuko ako at parang naging malungkot nanaman ako. "Hm? Is there a problem Allice?" Tanong niya sakin.

"Di mo pa ba alam?" Tanong ko sa kanya.

"Ang ano?"

"Dimo alam? Umalis na kaya sila papuntang States. Bumisita kasi samin si Steve. Sinabi niya na aalis na daw sila. But I dont care kasi masaya na ko." Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Kumunot nanaman ang noo niya sabay iwas ng tingin sakin. "Oh bakit, Brye?"

Mas lalong kumunot ang noo niya. "For the second time. Di nanaman siya nagsabi sakin na aalis siya. F." Sabi niya ng galit na galit.

Napalunok na lang ako bago ko siya kausapin. "Ah eh uy wag ka nga magalit. Papangit ka niyan hehe. Pero h-hayaan mo na a-atleast matatahimik na life mo diba? Ayaw mo ba nun?"

"Tara na at tumuloy na tayo." ano bang problema nanaman nito? Minsan ang hirap intindihin nito. Haaay bahala na si Batman..

Sa oras ng report namin, naging maayos naman ang pagrereport naming dalawa at medyo namangha naman si Maam Tabachingching. Buti naging successful ang pagreport namin. Well kapag mas lalo tayong nasasaktan, mas lalo tayong lumalakas. Naniniwala ako sa mga salitang yun.

Uwian na namin at sabay nanaman kaming dalawa ni Brye. Pero nakasimangot parin at nakatingin parin siya sa daan eh. Ano ba talaga problema nito?

"Uhm Brye--"

"Okay nga lang ako. Wag mo na akong intindihin." Hay naku ewan ko sayo. Kanino ka ba talaga galit? Letse naman eh noh.

Kaya umuwi na lang kami na walang imikan at may... awkward silence. Makapahinga na nga lang!


"Ok mom! Im home--" nagulat ako ng biglang nakita ko sa sofa namin si Stace na nakupo sa sofa.


"Stace?!" Ano ginagawa niya dun?

Still Bestfriends?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon