Bryson
Pinatawad na niya ba ako? Kung oo, mapapatalon ako sa tuwa pero kung hindi, I'll wait kahit anong mangyayari. Di ako susuko. Di ko na siya susukuan.Yung pagmomodel niya? Di ko nga alam na model pala siya eh. Hay simula nung nawala ako sa States, di na ako naging updated kung ano na ang nangyayari sa kanya simula nung nawala siya. Bakit? Saka ko na sasabihin sa kanya kapag napatawad na niya ako. Sana.
Nakatira ulit kami sa dati naming bahay kung saan malapit ang bahay namin kela Liz. I missed calling her Allice. Pero gagawin ko kung ano ang gusto niya mapasaya ko lang siya.
Kakauwi ko lang galing sa bago naming project. Next week pa ang shooting namin. Napagdesisyunan kong bumisita kela Liz. Dating gawi. Kamustahan din.
Kumatok muna ako sa pinto nila pero bago buksan ni Liz ang pinto ay nicheck ko muna ang hininga ko. Amoy menthol. Nakasuot naman ako ngayon ng t-shirt at naka black jacket. Good looking right?
Nang binuksan na ni Liz ang pinto ay nanlaki bigla ang kanyang nga mata saka kumunot ang noo niya. But shes more than cute when shes acting like maldita.
"Ano g-ginagawa mo dito, Brye?" tanong niya sakin na gulat na gulat.
Ngumisi ako sa kanya at pinisil ang kanyang kaliwang pisngi pero tinanggal niya ang kamay ko. "T-teka Brye! Youre-Ungh!" pautal utal niyang sinabi "A-ano ba t-talaga ginagagawa m-mo dito?!"
Ngumisi na lang ulit ako sa kanya. Nakita kong namumula ang buong mukha niya. "Wala lang binibisita ko lang ang cute na cute kong Best Friend," Mas lalo siyang namula mula mukha hanggang leeg.
"A-ano b--ungh! Teka nga ano--tsk! Wag mo nga akong pinepressure!" mas lalo akong natawa sa sinabi niya.
"Ano bang nakakatawa?" Ningitian ko siya at tinignan ng diretso kaya umiwas siya ng tingin sakin. "Hey stop looking me like that, will ya?" nakaiwas parin siya ng tingin sa akin.
"Bakit may dumi ba sa mukha ko?" lumingon na siya sakin.
"Hindi. Pangit mo kasi." at umiwas nanaman siya ng tingin sakin.
"Aaah pangit pala ha?" inilapit ko ang mukha ko sa kanya habang nakangisi sa kanya. Napalingon siya sakin at biglang namula. "So pangit parin ba ao kahit ganto na ako kalapit sayo?"
Mas nanlaki na ang mata niya parangt tarsier haha. Pati mata niya namula. I dont know why.
"Sabihin mo pa akong pangit hahalikan na kita."
Napanganga siya sinabi ko. "Edi gwapo ka na! Just dont make me pressure!" saka niya ako tinulak ng medyo malakas.
Mas lumakas ang paghalakhak ko at nakahawak na sa tiyan ko. "Hoy ano bang nakakatawa dun?" masungit niyang tanong sakin.
"Yung pamumula ng mata mo!" sumakit na ang tiyan ko sa kakatawa ko at parang napapaiyak na ko sa sobrang nakakatawa siya.
Sinuntok niya ang tiyan ko. "Tumigil ka nga! Teka may abs ka noh?"
"Oo naman. Tignan mo pa eh," tinaas ko ang tshirt ko. Napanganga siy bigla kaya mas lalong kumunot ang noo niya. "Ikaw!" Binaba niya ang tshirt ko at napahagalpak na ako sa katatawa niya.
"Shitzu! Pumunta ka ba dito para mangasar?" Tumayo na ako ng maayos at saka hinarap ko na siya.
"Pumunta nga ako dito para bumisita. Kasasabi ko lang eh."
BINABASA MO ANG
Still Bestfriends?
RomanceWala parin silang pakielam kahit inaasar parin sila Allice at Brye ng mga kaibigan nila na bagay sila. Dinedeny lang nila iyon kapag naririnig nilang mga iyon. But what if kabaligtaran ang mangyari sa mga sinasabi nila? Time changes sabi nga nila. M...