Chapter 5

17 1 0
                                    


Allyson
Andito ako ngayon sa locker room para ayusin ang magulo kong locker. Para kasing niyanig ng ewan eh. Ang kalat kalat pa. Edi panalo na!

"Allice!" Sigaw ni Stace habang pagod na pagod kakatakbo.

"Bakit Stace? Is there a problem?" Tanong ko sa kanya na may dalang seryosong mukha.

"Hinahanap kasi kita. Eh nasanay akong nakikita kayo ni Brye na magkasama. Andun kasi siya sa Classroom eh."

Tinaas ko naman ang kilay ko pagkatapos ayusin ang locker ko. "Ano ba ginagawa niya dun?"

"Ayun. Nagbabasa ng mga libro sa taas. Saka ang tahimik kasi niya eh. Ano ba talaga ang problema niya?"

"Di ko nga din alam eh. Simula lang nung may tumawag sa kanya at nung bumalik na siya sakin eh biglang nagbago na lang ang mood niya. Ewan ko din kung bakit eh." Sabi ko sa kanya habang inaayos ko pa rin ang loob ng locker ko.

"Sinubukan mo na ba siyang tanungin kung bakit?" At ngumuso siya sakin.

"Oo. Pero sabi niya lang sakin ay wag ko na lang daw pansinin. Ang gulo naman niya!" Sabay gulo sa buhok ko.

Hinayaan ko na lang siyang magemote maghapon hanggang sa sabay nanaman kaming umuwi.

Bago kami maghapunan ay nasa higaan ako at nagfe facebook. Ilang sandali pa ay biglang nagchat sakin si Brye.

____________________________________

Allice. Meet me in my house on Saturday morning in 7:00 AM. May pupuntahan tayo at may sasabihin din ako sayo and its important. Gusto kitang makasama ng entire day. Pls pagbigyan mo na ko.

____________________________________

For what? Naku parang may masama akong kutob para dun. Haaay basta. Tinignan ko ang calendar and its Friday. So bukas na pala huh?

Kinabukasan, nagising ako ng 5:30 para makapaghanda man lang sa aming pagkikita ng mas maagang oras.

Kumatok muna ako kela Brye. Pero bago niya buksan ang pinto, tinignan ko muna ang watch. And its 7:00 Am already. So tama lang talaga ang dating ko dito.

Nang nakita niya ako nung binuksan niya ang pinto eh bigla niya akong binigyan ng pinakamagandang smile niya kumpara sa pagngingitian namin dati. "So youre finally here? Then lets go. Tumatakbo ang oras."

Pumunta kami sa park at medyo madilim dilim pa ng onti. Marami ding taong nagjojogging sa sidewalk. Habang kami naman ay naglalakad lang at naguusap. Nang may nakita na kaming ice cream-an eh bigla naman namin yun nilapitan at bumili na agad ng kanya kanya naming flavors. Pinili ko ang Chocolate at sa kanya naman ang Strawberry. Umupo kami sa bench saka nagusap.

"Uy Brye. Ano nga ba ang sasabihin mo saking importante?" tanong ko sa kanya habang kinakain ko ang Ice cream.

Binigyan niya ako ng evil smile. "Mamaya ko pa sasabihin yun sayo bago tayo umuwi. Mga 7:00 ko sasabihin sayo yun ng gabi.

Nainis nako sa kanya sa pagiging masikreto nanaman niya sakin. "Please sabihin mo na! Ang daya daya mo talaga eh!" inis kong sinabi.

Dinilaan niya lang ako at inasar asar pa at nagmemake face pa tong lalaking toh. "Nye nye nye nye nye! Di muna pwede! Mag-isa ka! Bleh!"

Tong lalaking toh! Puno na ko sayo ah! "Ah ganon. Etong sayo." bigla kong nilagyan ng ice cream ang ilong niya kaya tinakbuhan ko na lang siya.

"ALLICE! BUMALIK KA DITO!" sigaw niya sakin. Pero patuloy parin ako sa pagtakbo ko.

"Nye nye nye nye nye! Di ako babalik sayo hanggat di mo sinasabi sakin kung ano ba yun. Bleh mo mukha mo!" Pangaasar kong sinabi.

Sinubukan niya akong habulin pero malayo layo nako sa kanya. Pero gosh. Ang bilis kaya niyang tumakbo. Tinodo ko na ang pagtakbo ko pero nung nahuli niya ako saka niya ako niyakap. Crap! What a moment is this?



"Wag mo na akong paghabulin. Pagod nako Allice. Mas gugustuhin ko pang yakapin ka na lang kesa hinahabol pa kita." bulong niya sa tenga ko.

Crap. Bigla namang namula agad ang mukha ko simula nung niyakap niya ako. May naramdaman akong kuryente sa dibdib niya kaya di ko kinayang kumawala sa pagkakayakap niya.


"Brye--"


"Ssshhh. Wag mo ng sirain tong moment na toh. Gusto muna kitang makayakap habang andito pa ako sa tabi mo. Para maramdaman mo na ligtas ka sa tabi ko." Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. "Allice. May gusto sana kong ipagtapat sayo."


Crap. Ano naman kaya yun? "A-ano yun B-Brye?" tanong ko sa kanyang kabadong kabado.


"Allice. May g--" di niya natuloy ang kanyang sinasabi nang biglang may tumawag samin.


"Fred?" Tanong naming dalawa nang makita naming nilapitan kami ni Fred.


"Guys. Invited kayo sa party namin sa December 20. May sayawan, may laro at ibat iba pang magaganap. Sana sumama kayo samin." saka ngumuso siya samin.



"Oo na lang." saka umalis na si Fred. Tumuloy na lang kami sa aming paguusap pero di nabkami masyado nagiingay simula nung ginawa niya sakin yun. Pero may sparks talaga eh. Pero kelangan putulin ang kuryenteng naramdaman ko sa kanya dahil hindi pwede mangyari yun. Gusto kong manatili kaming magkaibigan. Pero tinratraydor na ako ng puso ko. Please wag mo naman sakin gawin toh. Pwede sa iba wag lang siya please.



#Kahitsinonalang
#Waglangsiya

Still Bestfriends?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon