Chapter 6

15 1 0
                                    


Allyson
Nandito naman kami ngayon sa pinakamagandang parte ng park na toh.

"Its 5:30 pm already. Malapit na naman tayong umuwi, Allice. Malapit ko ng sabihin sayo. Pero sana wag kang masasaktan." tsk bakit kasi ayaw mo pang sabihin? Tsk labo din nito noh.

"Siguraduhin mo na lang na maganda yang sasabihin mo sakin Brye ha? Kundi iiwanan kita ng blackeye sa isang mata mo." Pero tinawanan niya lang ako.

"It depends kung tatanggapin mo yun." Sabay ngiti niya sakin.

Kaya ayaw ko siyang umalis sa tabi ko eh. Kasi alam kong siya lang ang kukumpleto sa buhay ko. Pero di ko alam kung Best Friend parin toh or...more than that... kahit na ayoko pero... makulit parin ang puso ko... siguro. Siguro mahal ko na siya.

Its already 7:00 at medyo madilim na. Hinarap niya ako saka hinawakan ang mga kamay ko. "Sana hindi ito ikakasakit ng puso mo."

At tumulo na ang mga luha niya at nagsigapangan sa pisngi niya. "Brye ano yun?"

"Allice. Pupunta ako sa States." What?! Totoo ba tong sinasabi ni Brye?! Biglang nanlaki ang mga mata ko at biglang nangatog na lang bigla ang mga tuhod ko at feeling ko ay parang babagsak na ako sa kinatatayuan ko. "Bago pa mag January, aalis na ako. Dun ko ipagpapatuloy ang pagaaral ko."

Tumulo ang ilang luha ko sa pisngi ko. Totoo ba talaga? Na aalis na siya? Crap ayoko ng maiwan ulit. Lalong lalo na siya na Best Friend ko.

"No. No no no no NO. Di totoo yang sinasabi mo diba? Gosh Brye. Wag mo kong niloloko ng ganyan di ka nakakatuwa." sabi ko ng malungkot na tono.

"Im sorry, Allice. But I have no choice kundi sundin ang mga magulang ko."

Mas lalong dumami ang luha na tumulo sa pisngi ko at mas naisip ko na parang wala silang pinagkaiba ni Steve. Iniwan lang ako na para bang tuta lang. "You know what Brye? Umuwi na lang tayo. Ayoko ng manatili dito. Tara na."

Papaalis na ako sana pero hinawakan niya ako sa braso para pigilan sa paglalakad.

"Allice. Please dont leave me--"

Kumalas ako sa pagkakahawak niya at binigyan siya ng malakas na sampal na dumapo sa mukha niya. "F***ing liar! Akala ko magkaiba kayo ni Steve. Pero parang nagkamali ako. Maling mali ako. Akala ko ikaw ang Best Friend ko na di ako iiwan at sasamahan sa lahat ng problema ko. Pero mali eh. Maling mali ako." Saka nagwalk out ulit ako.

"Allice please." at tinulak ko siya ng malakas dahilan ng pagbagsak niya. "Anong please? Sa tingin mo ang 'please' mong yan ay sapat na para mabago mo ang desisyon ng pagalis mong yan? Well alam ko hindi. Iiwan mo na ako diba?! So walang dahilan para tanggapin ko yang simpleng sorry mong yan." saka umalis na lang ulit.

Ako? Iiwan nanaman niya ako? Pinaalala nanaman niya sakin kung ano ang ginawa ni Steve sakin. Nagecho nanaman sa isip ko kung ano ang ipinangako niya sakin.

"Andito lang ako sa tabi mo kahit anong mangyari..."

Put*ng flashback na yan. Akala ko iba siya kay Steve. Pero pareho lang pala silang dalawa. Iiwan din nila ako. Ang sakit.

Kinabukasan mas inagahan ko ang pasok ko para di muna makasabay si Brye sa pagpasok sa school. Sinalubong na agad ako ni Stace pero sa paligid namin ay may mga taong nagsisibulingan.

"Allice. Totoo ba yung narinig namin tungkol sa inyo ni Brye?" Nung narinig ko iyun eh nilagpasan ko na lang si Stace at dumeretso sa locker room. Pero sinundan parin ako ni Stace. "Sorry Stacey pero ayoko munang pagusapan yan. Please lang gusto ko muna matahimik tungkol diyan."

"Pero sabi nila samin na may fever siya ngayon. Di daw siya makakapasok ngayon. Sabi niya sobrang lala daw ng lagnat niya ngayon."

Wow. Nakuha niya pang mag makaawa. Ang galing naman ng tricks niya. "Saka nga pala narinig narin namin na aalis siya bago dumating ang January, Right?" Tanong ni Stace.

Tumango na lang ako sabay kunot ng noo ko. "Kaya nga ayaw ko siyang kausapin, diba?"

Hinila niya ako sa upuan sa tabi niya para magusap. "Sa tingin mo maganda yang inaasal mo?"

"Eh iiwan na rin naman niya ako eh. Kaya mas magandang iwasan ko na lang siyang di pansinin para sa huli, di ako masasaktan."

"Alam kong masakit mawalan ng kaibigan. Kasi siua ang katabi mo sa lahat ng problema mo at para mapasaya ka niya."

"Eh iiwan na rin naman niya ako diba? Iiwan na niya ako kaya wala na akong makakasama sa table, sa kainan, sa bonding at sa mga problema ko." Sabay labas ng mga luha ko.

"Kaya nga eh. Sa tingin mo pag di mo siya pinansin hanggang sa maging January eh parang nawawala na rin naman siya sayo? Kaya kung ako sayo eh lulubusin ko na ang lahat hanggang nasa tabi ko pa siya. Bago siya umalis, magkaibigan parin kami sa huli. Habang wala siya, nakakapagusap kami sa Phone, Sa Skype, Sa Facebook para maramdaman mo na parang andyan parin siya sa tabi mo."

*Krrriiiiing!!!*

"Allice. Kung ayaw mong mawalay ang pagkakaibigan niyo, puntahan mo siya sa bahay nila. Maramdaman niya lang na may nag aalaga sa kanyang kaibigan."

Shes right. Inisip ko yung pagalis niya. Hindi yung pagkakaibigan namin. Sa tingin ko dapat ko na siyang samahan sa bahay niya para malaman niya na kahit aalis na siya eh andito parin ako para sa kanya. Shi* mali talaga ang ginawa ko sa kanya. Dapat pala di ko na siya sinampal. Tama lang na magsisi ako.


Maaga ang uwian namin ngayong Monday kaya nag lakas ng loob akong puntahan si Brye sa bahay nila. Sana makaya ko. Kumatok ako sa kanila pero walang nagbukas. Kumatok pa ako ng mas mabilis at sumigaw. "Brye?! Are you there?!"


Nung narinig niya akong sumigaw ay binuksan niya na ang pinto. Nakita ko siyang nakabalot sa kumot habang nakatayo. Poor Brye. Sa sakit niy pati sa mga ginawa ko sa kanya.


"Allice? Anong ginagawa mo dito?" Nakita kong namumutla siya sa sakit niya. Kinapa ko ang noo niya pati ang leeg niya. Nakita kong namumula siya kaya tinanggal niya agad ang kamay ko sabay iwas ng tingin sakin.


"Stop it." sabi niya. "Anong stop? Pumunta ako dito dahil sabi nila na may sakit ka daw. Eto binilan kita ng gamot oh. Iinumin mo lang toh every 6 hours."


Nagulat siya sakin dahil dun. Saka sumimangot ulit. "Akala ko ba galit ka sakin?"


Kinunot ko naaan ang noo ko. "Tsk. Wala muna yang galit-galit na yan ang importante ang gumaling ka. Di ko naman hahayaan na magkasakit ang Best Friend ko noh."



Ngumiti na langsiya bigla kaya nginitian ko na lang din siya. "Brye kahit na umalis ka pa sa tabi ko di maaalis ang pagkakaibigan natin."



Di na lang siya umimik at pumasok na lang kami sa loob ng bahay nila. Habang nandun siya sa higaan niya at ako naman ay nakaupo sa tabi niya, binabalot parin kami ng katahimikan. Pero bigla na lang niyang binasag yun.



"Allice."tawag niya sakin.



Hinarap ko siya at tinaas na lang ang kilay ko. "Sorry dahil ako naman ang mangiiwan sayo. Pero wag ka magalala. After 3 years, makakabalik nako dito sa Pilipinas."



"Okay lang yun Brye. Tanggap ko naman ang desisyon ng mga magulang mo eh. Kaibigan mo lang ako kaya wala akong karapatan na baguhin ang desisyon nila para sayo. Pero hihingi lang sana ako ng favor." Sabay tingin diretso sa akin.




"Ano *cough cough* yun, Allice?" tanong niya sakin.




"Brye. Sana kahit umalis ka di mo kakalimutan ang pagkakaibigan nating dalawa."




Nginitian niya lang ako. Nakakadurog ang ngiti niya. Crap. "Hinding hindi ko talaga kakalimutan yun noh. Wag ka magalala." kaya ningitian niya din ako.




Kontento nako sa sagot niya. Okay lang mawalay siya sakin, umalis siya sa tabi ko, di ko siya makausap. Pero kontento na ako sa kung ano ang meron samin. Ang pagkakaibigan namin.

Still Bestfriends?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon